Entry21*She's Next?

4.3K 118 1

Joshua P.O.V

Ang sakit na sa tenga..!!
Ano bang pinag aawayan nila? Dahil lang ba yun sa simpleng patawa ni Jennie.

'Be, Yaan mo na siya.'
Pigil ni Glazel kay Jennie.
Pero di parin mapigilan si Jennie, Parang galit na galit na ito.

'Sigi ano? kaya mo?'
Panghahamon ni Justin. Nakahawak na si Jennie sa Kwelyo ni Justin at inaambahan na sasaksakin ito ng ballpen.
Marami ng pumipigil sa kanila pati narin sa nag sasabunutan na sila Aira.

Haysst . ano bang nangyayari samin? bat di kami mag ka-isa?

'Di mo pala kaya eh.Puro salita ka lang'
Sigaw sa kanya ni Justin nang bitawan siya nito at lumayo ng bahagya.

Yinakap namin si Jennie dahil may namomoong luha na sa mga mata nito hanggang sa tuluyan na siyang umiyak.

'Ano bang ginawa mo? Bakit mo ba siya sinigawan ng ganon?'
Rinig ko na may nag salitang lalaki sa likod namin , Nang pag katingin ko si Kit lang pala yun at parang hinahamon si Justin.

'Bat ka ba nakikisali.'
Sagot naman ni Justin at tinulak ito.

'Tama na. Tumahimik na kayo!!'
Rinig na rinig ko ang sigaw ni Marvin.

Naguguluhan na ito at iritable na dahil sa ingay na nanggagaling dito sa loob..

Ano bang , Ginawa namin? bat parang lumala lalo yung gulo?
Ano bang problema?

Sa di malamang dahilan bigla na lang lumutang si Marvin at nakayukong tumatawa?
Nagulat kaming lahat kaya kaming lahat ay napatahimik..

'Hahahahahahah'
Sabi nito habang nakayuko at nakalutang dito sa loob.

Madaming natakot kaya yung iba'y umatras at nagsiyukuan.

'Marvin!!'
Sigaw nila Aira kay Marvin ngunit nakayuko parin ito..

Pati ako ay natatakot sa kinikilos ni Marvin..
Bat siya lumutang?

'Marvin, Anong nangyayari sayo?'
Tanong ni Maika.. Alalang alala sila sa kaibigan nila kaya sinubukan nila itong abutin para maibaba.
Pero di sila nag wagi..
Ano bang nangyayari samin? Bat kami nag kakagulo?

At bakit parang wala akong magawa sa mga nangyayari?
Bat ang lalim masyado ng iniisip ko?

......
Third Person:

Biglang nakaramdam si Marvin ng panlalamig at kinilabutan .. Sa sobrang ingay sa loob ng classroom,
Hindi nila pinansin si Marvin nang bigla itong nangisay..

Tanging si Maika lang ang nakakita nito dahil katabi niya si Marvin.
'Marvs?'

Mahinang bulong nito kay Marvin. Tila'y nangangatog si  Maika dahil sa ipinapakita ni Marvin...

Nang siya'y bigla na lamang lumutang.
Nakatirik ang mga mata nito at nakayuko. Di maipaliwanag ng mga kaklase nito ang nararamdaman ng nakita nila si Marvin na nakalutang at tumatawa.

'Marvin!!'
Sigaw nila Aira kay Marvin ngunit nakayuko parin ito..

'Marvin, Anong nangyayari sayo?'
Tanong ni Maika.. Alalang alala sila sa kaibigan nila kaya sinubukan nila itong abutin para maibaba.
Pero di sila nag wagi..

Mangiyak ngiyak sila sa mga pangyayari..

'Waaahh.. JENNIE!!!!'
May biglang umagaw ng kanilang atensyon at tumingin sa parteng may sumigaw.

......
Glazel P.O.V

Nagulat ako ng biglang lumutang si Marvin. Halong takot at kaba ang nararamdaman ko.
Napa hawak ako sa bibig ko, pinipilit kong pigilan yung luha ko pero di ko magawa..
Papatak na yung luha ko ng napansin kong wala sa tabi ko si Jennie..

Jennie??
Jennie?

JENNIE???!!!

Pag katingin ko sa likod namin.

May nakita akong puting kamay galing sa madilim na sulok at tinatakpan ang bibig ni Jennie
Ako lang yata ang nakapansin dito dahil sila'y may kanya kanyang takot na nararamdaman

Parang bigla akong nanamlay ng nakita ko si Jennie.
Nakatitig lang siya sakin at kitang kita ko kung pano pumatak ang mga luha niya..
Di ko alam kung anong gagawin ko.
Ilang seconds din akong natahimik.

Nang......

Nanggggg...

Bigla nalang siyang hinila galing likod..
OMYGOD!!

'Waaahh.. JENNIE!!!!'
Ayan nalang ang tanging lumabas sa mga bibig ko at sinubukan ko pang habulin si Jennie ngunit isang matigas na Pader ang tumama sa ulo ko..

Malakas ang pagka untog ko sa pader.
........
Princess P.O.V

May narinig akong pag ka untog galing sa pader na umagaw ng aking atensyon.
Grabe!! Parang lumala lalo yung sitwasyon!!

Di ko na pinansin si Marvin na nakalutang . Di ko na pinansin yung takot ko at lumapit kila Joshua.

Hawak ni Joshua yung katawan ni Glazel. Wala itong malay  . Siya ba yung nauntog ng malakas sa pader?
Atsaka bat niya tinawag si Jennie?
Hmm? Hinanap ko si Jennie.

Pero di ko siya makita, asan na ba yun?
Wala na kong nagawa, wala naman akong maitutulong sa kanila eh.

Umupo nalang ako sa gilid at yumuko. Naiiyak ako.!!
Gusto ko ng umuwi samin .

Taimtim nalang akong nag dasal,
......
Third Person:

Sa sobrang takot ni Mary, Pinipilit niyang buksan yung pintong nakasara.
Kung ano ano ng ginagawa niya para lang mabuksan yung pinto pero di niya mabuksan.

Nang may bigla siyang napansin sa labas ng room.
May isang napakalaking Aquarium dito.

Tapos may biglang linagay ang mga lalaking nakamaskara na pitong host kung saan pag dadaluyan ng tubig.

Napansin niya din si Jennie na mahimbing na natutulog sa loob ng aquarium.
Tilay tumigil siya sa pag bubukas ng pinto at nakatitig lang sa labas ng bintana.

Nang bumagsak na si Marvin sa pag kakalutang , Tinulungan agad siya ng mga kaklase niya.

Lalong umingay sa loob, Hati ang atensyon , yung iba kay Marvin then yung iba kay Glazel na parehas walang malay.

.......
Mary P.o.v

Nakita ko mula dito sa loob kung
sino ba yung nasa loob ng malaking aquarium.. Si Jennie yun.
Malaki yung aquarium , siguro mga kasing laki ko. Paniguradong wala kang kawala.

Ano bang nang yayari? Bakit nandun si Jennie sa loob ng Aquarium?

Wala na bang taguang mangyayari?
Si Jennie na ba ang susunod na mamamatay?

Napahinto nalang ako sa pag bubukas ng pinto. Napaupo at yumuko..

Di ko na kaya ang mga nangyayari.. Gusto ko ng matulog. Baka pag gising ko nasa bahay nako.

Nakaidlip ako at hindi inalintana ang ingay na nanggagaling dito sa loob ng room.
......
Joshua P.o.v
Pag ka angat ko ng tingin nakita ko si Jennie na nakahiga sa loob ng isang malaking Aquarium.
Kitang kita na may mga tubig nang dumadaloy sa bawat host.

Kinabahan ako bigla sa nakita ko, si Jennie?
Jennie?

Binitawan ko muna ng panandalian si Glazel at pumunta sa may tapat ng bintana. Kitang kita ko dito si Jennie.

'Jennie!!!'
Sigaw ko sa kanya.. Ang ingay masyado rito sa loob.

Andami ng nag sisi iyakan at nag aalala.
Jennie? Ikaw na ba ang susunod?
Di ako papayag.!

......
.......
..........
.......
..........
......
A/N: Sorry, Di po ako agad na kapag update. Busy lang nang konti :)
Next Chapter :*

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon