Entry56*He did?!!

3.6K 116 18

Pero di niya ito pinakinggan at pinukpok si marvin sa likod.
Humarap naman sa kanya si Marvin ng hindi manlang nasaktan..

Lumapit si Marvin sa kanya,,
Umatras lang ng umatras si Aryh hanggang sa ma corner siya sa may pader..
Pinipilip ko parin na alalahanin kung ano ba yung magic words na yun para mapalabas na yung demonyong nasa katawan ni Marvin ngayon..

Linapitan namin si Rain na nakahiga at may dugo sa bibig. May malay pa naman ito pero mukang nag aalala siya kay Arth.Sinakal ni Marvin si Arht gamit ang isang kamay , pero napa angat niya parin ito.

Nakakaawa na si Arth kasi namumula na yung mga mata nito at halos di na makahinga..
Ano ba yun? Ano ba yung magic words na yun? .

Gamit ang isa pang kamay ni Marvin, Sinikmuraan niya ito dahilan upang masuka na ng dugo si Arth..

'Maa-aarvin!!'
Paiyak na tawag ni Rain kay Marvin..

'Hindi siya si Marvin.. Di alam ni Marvin na may kumokontrol na sa kanya.'
Sabi ni Aira kay Rain na umiiyak na rin..

Kasalanan ko to kapag di ko naalala yung magic words..

Hanggang sa kitang kita namin ang pagka bulagta ni Arth sa sahig.
Pumikit nalang ako at inalala yung magic words..

'Dremodeyo Lashiva sennaretry krio'
Yan ang lumabas sa mga bibig ko..
Di ko alam kung ayan ba yung magic words. Pero sure akong eto yun..

Bigla na lamang nawala ang mga pangil ni Marvin at mga ugat niya. Napahiga rin ito sa sahig at nakapikit..

Linapitan agad ni Rain si Arth..
Habang kami naman ay lumapit kay Marvin.

May buhay pa si Marvin at may hininga pa .

'Arth!! Arth!!'
Sa gilid namin nakita ko ang pag iyak ni Rain . Todo todo na yung iyak niya. Kaya linayo na siya nila Christian kay Arth. At hinawakan ni Justin yung pulso Arth...

'Ano?'
Tanong sa kanya ni Lloyd.

'Wala na siya..'
Sabi ni Justin..

Sa pag kakataong yun...
Napaiyak ako ng sinabi yun ni Justin. Dahil huli na ang lahat nung sinabi ko yung magic words , namatay na siya bago ko pa sabihin yun.. Kasalanan ko tong lahat..

Napaupo ako at umiyak ..

'Kasalanan ko.!! Kung natandaan ko lang sana agad ang magic words na yun..Edi sana buhay pa siya.. Edi sana wala sating nabawasan ulit.'
Humahagulgol na rin ako sa iyak kagaya ni Rain..

Mula sa likod ko.. May yumakap sakin, .

'Bess. Di mo kasalanan, ginawa mo naman ang lahat eh.. Wag mong sisihin sarili mo.'
Sabi ni Jennie sakin ..
Pero ako talaga!! Ako talaga ang may kasalanan..
Di ko sila pinakinggan at nag iiiyak lang.
.....
....
...
..
Jennie P.o.v
'Hindi talaga ikaw. *sniff kung may kasalanan man kung bakit nawala si Arth.. Kasalanan yun ni Marvin.'
Sabi ni Rain kay Glazel na ngayon ay nag huhulumpasay sa iyak.

Kahit na walang malay si Marvin ay sinugod niya ito at pinag sasakal..
Agad agad namang umawat sila Allysa at Aira sa kanya.

'Walang may kasalanan satin dito.! Hindi kasalanan ni Marvin.!! Walang may alam satin na may ibang klasing nilalang ang sumapi sa kanya.'
Galit na galit na sabi ni Maika sa kanya ..

'KASALANAN NIYA TO!! KASALANAN NIYA KUNG BAKIT NAMATAY SI ARTH!! KITANG KITA NAMAN NATIN NA SIYA TALAGA YUNG PUMATAY SA KANYA!!'
Sabi naman ni Rain sa kanya..

Mag sasalita pa sana si Maika pero ,, pinigilan na siya ni Aira..

'Kasalanan ko to'
Naiyak parin si Glazel..

'Tama na Be.. Di mo kasalanan to.. Walang may kasalanan..'
Sabi ko sa kanya..
Ayoko siyang nakikitang naiyak at sinisisi ang sarili niya .

'Tumahimik na kayo!! Di yan makakatulong sa problema natin ngayon!!' - Lloyd

Binalutan na nila si Arth ng kumot at mukang ililibing na nila.

Tinulungan ko na rin sila Aira na ilagay si Marvin sa kama.

Di pa rin talaga natigil sa kaiiyak si Glazel. Magang maga na yung mata niya.
.....
....
...
..
Marvin P.o.v
Hmm?

Ouch!! Ansakit ng leeg ko at yung likod ko. Ano bang nangyari sakin? Pag kabangon ko nakita ko silang may kanya kanyang mundo. Kita ko rin si Rain na galit na galit na nakatingin sakin.

May nagawa ba ako..?
tatayo na sana ako pero nanakit talaga yung likod ko.

'Wag ka munang tumayo.'
Pigil sakin ni Jennie.

'Bakit? Ano bang nangyari?'
Tanong ko naman sa kanya.
Kasi parang may nangyaring di ko alam at parang ang lulungkot ng mga muka nila.

'Wala.. Mas mabuti nang mag pahinga ka muna at lumabas lang saglit sila Aira.'
Sabi nito.
Linibot ko yung paningin ko . Nakahiga rin si Glazel at naka baluktot .. Halatang halata sa muka nito na kakagaling lang niya sa iyak.

'Ano ba talagang nangyari?'
Tanong ko ulit sa kanya. Kasi parang meron talagang nangyari. At bakit ang sakit ng katawan ko.

'Basta.. Mamaya mo na malalaman. Kulit mo naman..! Mag pahinga ka nalang!'
Sabi nito at pinatunog yung daliri ko. Baliw naman tong babaeng to..

Pero parang may kakaiba talaga eh..

'Oh, Marvin gising ka na pala.'
Malungkot na bati sakin ni Aira galing labas ..

'Okay ka na ba?'
Tanong naman ni Maika..

Bakit ganyan yung mga pag mumuka nila..

'Uy.. may hindi ba kayo sinasabi sakin?'
Tanong ko naman sa kaniala.
Kasi naman to si Jennie ayaw sabihin kaya siguradong sasagutin ako ng dalawang to.

Nagkatinginan silang tatlo kasama si Jennie at..

'Wala '
Sabay sabay nilang sagot .
Pati ba naman sila? Di sakin sasabihin yung nangayari?

'Gusto mo bang malaman? Pinatay mo lang naman si Arth'
Mula sa likod nilang tatlo narinig ko yung boses ni Rain at mukang galit na galit ang tono ng pananalita nito..

Pinatay? Nino? Ako ? Pinatay ko si Arth? Di nga?

'Ako?'
Muli kong tanong. Alam ko naman ako yung kinakausap niya pero gusto kong malinawan.

'Oo ikaw.. Pinatay mo si Arth'
sabi niya ulit at ngayon ay nakatingin na siya sakin ng masama sa harap ko.

'Tumigil ka na nga Rain . Sige!! Ipag palagay na nating may kasalanan si Marvin pero ikaw talaga yung pinaka may kasalanan dito!!'
Sigaw sa kanya ni Jennie.
Di ko alam yung mga pinag sasasabi nila..

'Ako? Bakit ako? Eh. Kitang kita naman nating lahat kung pano niya patayin si Arth.'
Sagot naman niya kay Jennie.
Mukang di na makapag timpi si Jennie.

Piligilan na sana siya nila Aira at Maika pero di siya nag pa pigil..

'KITANG KITA NGA NAMIN !! AT DAHIL KITANG KITA NAMIN YUNG MGA PANGYAYARE. DI KO MAIPAG PAPALAGAY NA SI MARVIN O SI GLAZEL YUNG MAY KASALANAN.. IKAW YUN!! IKAW ANG MAY KASALANAN. DAPAT IKAW TALAGA YUNG MAMATAY! DAPAT SAYONG KALULUWA YUNG KINUHA HINDI KAY ARTH !LINIGTAS KA LANG NI ARTH!! PASALAMAT KA LINIGTAS KA NI ARTH KUNG HINDI WALA KA NA SANA NGAYON.!!KASALANAN MO TO!!'
Sigaw niya kay Rain at dumiretso na kila Glaze at Joshua..

Naiwang nakatulala si Rain at Linapitan na siya ni Allysa na kakagaling lang din sa labas.

'Anong nangyari.?'
Tanong ni Allysa kila Maika. Di naman siya nito sinagot at lumapit na sila sakin..

Wala talaga akong maintindihan sa mga pinag sasasabi nila..
Pinatay ko ba talaga si Arth?

......
.....
....
...
..
.
A/n: Yan na ahh.' Sa kaibigan ko na (lalaki/babaeng) isa rin sa nag babasa nito.. Alam mo kung sino ka XD Your wish is my command.. Kaso iniba ko ehh.. XD pero okay na yan .
Jennie's here :*
Next page...

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon