Entry67*EveryOnes want.

3.3K 117 1

Kit P.o.v

Pangatlong araw na namin dito sa ospital, di parin sinasabi sa amin kung kailan kami pwedeng umalis na.
Pumunta narin sila Christian sa states para dun ipagpatuloy yung pagpapagamot sa  kanya.Nitong nakaraang araw din lagi kong nakikita si Melany.
Di ko alam kung guni guni ba o ano pero nakikita ko talaga siya.

Ayoko lang sabihin sa iba kasi baka matakot sila at baka di nila ako paniwalaan.

Gabi na at iniwan kaming lahat ng parents namin dahil may inasikaso daw sila sa school.
Wala naman kasing dapat ipag alala sa amin.
May nag babantay naman saming Nurse. Kamusta na kaya sila Jennie at yung ibang kasama namin sa isang room?

Di kasi nag papalabas ang Nurse dito nung unang araw lang namin dun lang siya nag palabas.

Tumingin ako sa Wall clock at 9:59pm na. Di parin ako inaantok, sila kaya?

Tumayo ako at tinabing yung kortina para tignan kung gising paba sila.

'Oh? Kit? Gising ka pa?'
Tanong sakin ni Justin ng bigla kong binuksan ang kortina niya. Halatang nagulat siya.

'Oo eh. Di ako makatulog, .'
Pag kasabi ko nun may narinig akong parang nag sitayuan sa kama at pumunta sa direksyon namin.

'Di rin ako makatulog'-Lloyd

'Ako din'-Jerome.

Lahat sila ay nandito na ..
Kulang nalang yung apat ,
Ilang sandali pa ay may nag bukas ng DoorKnob.
Yung Nurse kaya yun? Gabi na ahh..

Lahat kami ay nakatingin kung sino ang nasa labas. Ilang sandali pa ay nag bukas na ng tuluyan yung pinto at pumasok sila Bobby,Jennie at Allysa.

Bakit sila lumabas ng room nila? Wala bang nag babantay sa kanila?

agad agad na lumapit si Lloyd kay Allysa at yinakap ito.
Meron silang mga nakakabit sa kamay nila at meron din silang hawak na mga may dugo na dumadaloy sa host na hawak nila.

Siguro naubusan sila ng dugo ng nauntog sila.

'Ahh.. Lloyd, masakit yung pag kakatusok eh..'
Sabi ni Allysa kay Lloyd sabay tingin sa kamay niya na may naka tusok.

'Anong ginagawa niyo dito Jennie?'
Tanong ni Glazel kay Jennie at yinakap ito.

'Di kasi kami makatulog na tatlo.'
Sabi naman ni Jennie at nag Pout,
Tssshh.. pacute siya :3

'Kayo? Bat gising pa kayo?'
Tanong niya naman.

'Di rin kasi kami makatulog,'
Sabi ni Jerome at inalalayan si Jennie na makaupo gamit ang kaliwa niyang kamay .

'Guy's may sasabihin ako.'
Sabi ni Bobby ..

'Hmm? Ano yun Bobby?'
Tanong ko kay Bobby,

'Buntis ako sabi ng Doctor.'

Nagulat naman kami sa sinabi niya saming lahat. Buntis siya?
......
.....
....
...
Glazel P.o.v

Nagulat ako sa sinabi ni Bobby, na buntis siya?

Di ko alam kung anong gusto niyang reaksyon namin pero ako masaya ako para sa kanya Omg...!!

Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung tyan niya..

'WOW.. May Baby ka na.. Hellow Baby.'
Kausap ko sa tyan niya.. Gusto ko maging ninang ng anak niya.

'Sinong tatay?'
Tanong ko at tumingin sa kanya.
Nagulat ako kasi nung pagkatingin ko sa muka niya...

'Melany?'
Sabi ko sabay atras..
Nandito siya? Sinusundan niya kami?

'Anong Melany ka jan? Beh, si Bobby yan. Move on na'
Natatawang sabi sakin ni Joshua.

Pero nung kinurap kurap ko yung mata ko . Si Bobby na ang nakita ko at nakatingin na silang lahat sakin. Kaya agad naman akong tumayo.

'S-sorry'
Paumanhin ko sa kanila.,
Kasi naman eh, bakit kasi nakita ko pa si Melany kay Bobby eh.

'Tungkol nga pala kay Melany kaya di kami makatulog.'
Sabi ni Allysa na akbay akbay ni Lloyd habang nakaupo.

Isa rin yan sa dahilan kaya di rin kami makatulog eh.
'Alam niyo.. Ilang beses ng nag papakita si  Melany ,. Sa akin nung una, Kala ko guni guni lang pero lumilipas ang mga araw . Lagi ko siyang nakikita.'
Sabi naman ni Jennie at lumapit ako dito at umupo sa tabi niya.

'Ako rin'-Kit.

'Ako rin'- Maika.

'Lahat tayo nakikita siya?'
Tanong naman ni Lloyd.

Siguro nga. Pero bakit siya nag papakita samin? Di pa ba siya tapos? Kala ko eto na yung katapusan ng katakutan pero hindi pa pala.
Naalala ko., pupunta rito si Lola sa Ospital at bibisitahin ako. Kailangan naming mang hingi ng tulong sa kanya para tantanan na kami ni Melany.

'Pupunta nga pala si Lola bukas dito'
Sabi ko sa kanila..

'Oo nga pala. Manghingi tayo ng tulong sa lola mo.'
Sabi ni Jennie.

'Mabuti pa nga.  Matulog narin kayo., hahatid na kita.'
Sabi naman ni Jerome kay Jennie.

Masaya ako para sa kanila kasi finally mag kaka lovelife na si Jennie my bestfriend. Tama na kadramahan dahil bukas, malulutas na ito sa tulong ni Lola.
Sana makarating siya bukas..

Lumabas na sila Jennie kasama sila Jerome at Lloyd, Hayssst. Makatulog na nga..

-kinabukasan

Maaga akong nagising kasi maagang dumating sila mama kasama si Lola.
Kinuwento ko kay Lola kung anong nang yare at sinabi niya kilala niya naman yung Melany. Yun nga yung nanghingi daw ng tulong sa kanya,
at binayaran siya ng malaki para gawin yun. Eh, ayun naman talaga yung trabaho ni Lola kaya di siya makatanggi,

Tutulungan niya daw kami at sinabi na namin sa mga magulang naming lahat at pumayag naman na heramin ang isang kwarto na walang mga kama. Pero dadagdagan yung binabayad namin dito. :3 syempre negosyo yun.

Mag sisimula na kami mamayang 1:20pm kung saan yun ang mahiwagang oras na sinasabi ni Lola.

At tatanggalin narin kila Jennie yung mga nakakabit sa kanila mamaya .. perp pansamantala lang. Ilang araw nalang kami rito, pero sila Jennie tatagal pa ng limang araw para makumpirma ang kanilang paggaling.

Ilang saglit pa ay nag simula ng orasyonan ni Lola ang buong kwarto na gagamitin namin.

At nag simula na ang orasyon para mawala na ang ligaw na kaluluwa ni Melany.

1:20pm.
Lahat na kami ay nakapaikot at may kandila na sa bawat gilid namin at meron ding itim na langis sa gitna...
Nagdasal muna kami ng tahimik at nag hawak hawak ng kamay na sinabi nga ni Lola.

'Wag kayong didilat.. Pumikit lang kayo..'
Sabi samin ni Lola na ginawa naman namin..

'****************** ****** ****'

Nag simula ng magsalita si Lola pero di ko maintindihan dahil, di ko talaga maintindihan..

Habang nag sasalita si Lola may nararamdaman akong parang may nag sulat sa braso ko.
Ang lamig ng dumampi sa braso ko.
........
.......
......
.....
....
...
..
.
A/N:
-Nga pala.. Sorry kung ang gulo kasi, naabnormal to..
na publish ko na naman eh, pero hindi na update sa inyo..

Sa mga naguluhan, Basahin niyo nalang po ulit yung 64 :)
Wala lang naalala ko lang.. XD
JenBaek09 ,
My new account, dont forget to fallow. :)

Next page...

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon