Entry32*Death Match

4.2K 119 9
                                    

Third Person:

'Pwede na kayong lumabas sa pinag tataguan niyo at  sa gym kayo dumeretso'
Sabi nang babaeng mukhang manika..

Nag silabasan na ang mga mag kakaklase.. nag tataka sila kung bakit sa gym kailangan dumiretso..

Pero di na sila nag patumpiktumpik pa..
Dumiretso sila sa Gym at umupo sa upuan..
May nakahandang mga upuan para sa kanila sa unahan kaya dun sila umupo.

Kitang kita nila kung anong meron sa stage.
Meron itong mga gamit na ginagamit sa pag patay..

Mga nakalatag na mga kutsilyo,itak,lagari,martilyo at marami pang matutulis na bagay.

Hindi nila alam kung anong mangyayari dahil multimo stage ay may harang na salamin na pader.

Sa di kalayuan nakita nila sila Bobby at January na inilapag sa stage.. Nakahiga lang sila at mga walang malay..

.......
......
.....
Maika P.o.v
Di ko alam kung bakit kami pinadiretso dito sa gym..
Siguro dito naman magaganap ang mga patayan..

Sa malaking stage nakikita namin kung anong nasa loob nun kahit may harang . Para siyang isang malaking screen..

Marami ring nakalatag na mga kung anong matutulis na bagay. Ano kayang gagawing pagpatay?

May isang malaking screen sa gilid ng stage.. at dun lumabas at nag salita yung babae.

'Madali lang..'
Paumpisang salita niya..

Kumapit sakin si Aira, Natatakot kami..
Di namin alam kung anong mangayayari..
Kitang kita namin mula rito si Bobby at January..

Nang nag kamalay na si January, lumapit siya kay Bobby at ginising ito.. Mukang natakot sila ng makita nila yung mga nakalatag na mga kutsilyo.

Kahit naman ako matatakot kung makakita ako nun eh. Pero nakikita ko naman ngayon ahh?
Pero iba parin talaga kapag nasa loob ka ng malaking harang nayan..

Ramdam mo talaga yung takot eh.. Natatakot ako para sa kanila.
Ano kayang mang yayare?

......
.....
......
.......
Bobby P.o.v

'Bhabes..'
Nagising ako ng uyugin ako ni January ..
Nasan kami?

Di ko alam kung nasan kami.. para lang siyang malaking box , di namin makita kung anong meron sa labas.

Natama yung paningin ko sa mga nakalatag na kung ano anong matutulis na bagay..
Anong ibig sabihin nito?
Na kami na yung susunod?

Anong mang yayari?

'Matira matibay.'
Napunta yung tingin naming parehas sa nag salita mula sa gilig nitong malaking box na to..

Bumilis ang tibok ng puso ko..
Anong mang yayari?
Anong ibig niyang sabihin? Matira matibay?

Ano yun? Mag papatayan kaming dalawa dito?
Di ko yun magagawa..
Di ko siya kayang saktan..

'Simple lang naman eh.. nakikita niyo naman na puro matutulis at matitigas na bagay ang mga nakalatag diyan, pwede kayong pumuli jan kung ano ang mas komportable na ipang papatay niyo sa kalaban niyo.. ang matira sa inyong dalawa ay maipag papatuloy ang taguan dito, Ngunit! Kapag ni isa sa inyo ay hindi manlang humawak o nag tangkang patayin ang kalaban niyo , Parehas kayong papatayin dito..'

Tinignan ko yung tinuro niya..
Isang malaking kawali na may lamang tubig at may apoy sa ilalim.

Napatingin ako kay January na ngayo'y yakap yakap ko.
Pinaharap niya ko sa kanya at..

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon