Entry60*Chance to go....

3.5K 124 6

Jennie P.o.v
Iba ang kinikilos ni Kit..
Parang siya na naman si Kuya, pero nasan ba kami? Nasa school parin ba kami?

Kasi puro puti lang ang nakikita ko sa paligid . Parang isang classroom den at meron namang pinto.

'Cindy?'
Nagulat ako ng lumapit si Kit kay ate cindy na nasa loob ng katawan ni Marvin..
Medyo awkward lang kasi lalaki sa lalaki?.

'Phillip?'
Sabi ko na nga ba, si Kuya Phillip yun.. Ano ba to naiiyak na naman ako, Gusto ko ng makalabas dito.!!

'Mamaya na tayo mag usap'
Sabi ni Ate Cindy kay kuya.

Kahit na iiyak na siya, muli niyang binalik ang tingin sa screen, nag taka kaming lahat kasi pag katingin namin dun wala na yung babae, nasan na yun?

May biglang nag bukas ng pinto..
At pumasok ang babaeng may hawak ng kutsilyo..

Nang nakapasok ito ngumiti siya samin .. Nakakatakot yung ngiti niya para talaga siyang babaeng nakatakas sa mental..
Dahil sa nangyari sa anak niya, ginawa niya itong lahat para lang mabuhay muli ang anak niya.
Pero bakit dahil lang sa iisang buhay maraming buhay ang kinuha niya para mabuhay ang anak niya.

'Oh? Cindy? Nandito na ko!'
Sabi niya kay ate Cindy.

'Bakit mo ba to ginagawa? Dahil lang sa anak mong wala ng pag asang mabuhay pa?'
Sabi ni ate Cindy sa kanya.

'Oo.. Ginagawa ko to sa anak ko pero may pag asa pa siyang mabuhay!!'
Umiiyak na naman ang babae..

Tumingin ako kila Glazel na kapwa na nanonood din sa pinag gagawa nila..
Gusto ko sanang pigilan si Ate Cindy kaso pinag tatanggol niya lang kami sa babaeng ito..

'Wala ka ng karapatan na saktan sila..' -ate Cindy

'Bakit? Sila pa naman yung mga batang may kasalanan kung bakit nag kaganun ang anak ko !'-Melany

'Hindi nila kasalanan yun.. Kasalanan mo kung bakit namatay ang anak mo.!!'

Huh? Siya may kasalanan? Ano naman ang ginawa niya.?
Hindi makapag salita ang babae..

'Alam mo naman na tumakbo ang anak mo. Pero di mo manlang sinundan.. Pinabayaan mo siyang makalabas ng bahay at pinabayaan mo siyang masagasaan. Hindi mo inaalagaan ng mabuti ang anak mo kaya ngayon ibinubuhos mo sa iba ang kasalanan mo!'
Sigaw sa kanya ni Ate..

Matapos niya yun sabihin nahimatay na si Marvin .. At pati narin si Kit..

Humawak naman yung babae sa ulo niya at parang litong lito..

'Hindi ko kasalanan yun'
Sabi niya habang hawak niya ang ulo niya at sinasabunutan niya.
Mag ina nga sila ni Karla..

'Ano ng gagawin natin?'
Tanong ni Joshua.

'Hindi ko alam ..'.
Sagot ni Lloyd pati siya ay parang nalilito na rin sa mga pangyayari.

Tumingin ako sa orasan ko. Maaga pa naman kaya wala pa siyang katulong na mga lalaking naka hoods. Tuwing gabi lang naman lumalabas ang mga yun. Kaya malaki ang pag asa naming makalabas dito..

Pinagtulungan naming buhatin si Kit at Marvin ..

Habang nakayuko yung babae, dahan dahan naming binuksan ang pinto pero,,, Ayaw na namang mabuksan..

'San niyo namang balak pumunta?'
Nakakatakot na tinig ng babaeng nasa likod namin. Pag kalingon namin nakatayo na ito at hawak ang kutsilyo..

Anong gagawin niya samin? Siya naba ang papatay samin?

'Layuan mo na kami.. Tantanan mo na kami'
Sabi ni Jerome sa kanya..

'Hindi kayo pwedeng umalis.. Pano mabubuhay ang anak ko?'
Sagot naman nito habang may natulong luha sa muka niya..

Tama nga yung hinila ko.. May balak siyang ubusin na kaming lahat.. Pero? Siya lang mag isa? Tapos papatayin niya kaming lahat gamit ang iisang kutsilyo niya? Nagpapatawa ba siya?
Mga bata pa kami at kayang kaya namin siyang labanan. At meron pa kaming mga lalaki. Kaya namin siyang pagtulungan.

Tumakbo siya at sasakin sana si Jerome.. Pero buti nalamang ay nakailag ito at hindi siya nasaksak.. Natatakot ako para sa kanya.

Hinawakan ni Justin ang kamay nito sa likod at idinapa ito.. Kinuha naman ni Lloyd ang kutsilyo at inilayo sa kanya.
Kumuha kami ng tali sa uniform namin na suot. Uniform kasi yung lagi naming suot dahil ito lang ang damit dito..

Itinali ito sa dalawang kamay niya para di makawala. At bumalik na sila sa amin at pinilit na naming buksan ang pinto, kung anong klasi na ang pinag gagawa namin para mabuksan ito ngunit sadyang matibay ang pinto kaya di namin mabuksan..

Tumingin ako sa likod para ikumpirma na nakatali parin yung babae pero..

'Jerome!!'
Sigaw ko kay Jerome na agad tumingin sakin , tinuro ko agad sa kanya yung babaeng may hawak ng kutsilyo na sasaksakin siya mula sa likod..

Pagkalingon niya...

Nasaksak siya sa may bandang braso.. Baon na baon ang kutsilyo sa braso nito kaya tumagos ito sa kabila.

Agad kong linapitan si Jerome at mabilis na tinanggal ang kutsilyo sa braso niya.. Pinigilan naman nila Christian si Melany at nakipag agawan sa kutsilyo.

Hinubad ni Lloyd ang uniform niya at agad na iniabot sa akin.
Ipinaikot ko ang tela sa braso nito upang mapigilan ang pag agos ng dugo.

'Okay ka lang?'
Tanong ko dito..

'Oo.. Salamat'
Sabi niya , For the first time ko lang makarinig sa kanya ang 'salamat'
Kaya ngumiti nalang ako sa kanya at tinulungan siyang tumayo..
.....
....
...
..
Allysa P.o.v

'Lloyd.. Ingat ka sa kanya'
Sabi ko kay Lloyd. Kasi nakikipag agawan ng kutsilyo sila Lloyd,Justin at Christian sa babae.

Nasaksak si Jerome, buti naagapan agad ito ni Jennie at linagyan ng pangtapal na ibinigay naman ni Lloyd.

Loka loka na talaga tong babaeng to.!!

Inagaw ng babae yung kutsilyo.. Omygod.. Muntik ng masaksak si Lloyd.

Lloyd..!! Mag ingat ka naman.. makakalabas na tayo dito!!

Na kay Justin na yung kutsilyo at hawak hawak nila Lloyd at ni Christian si Melany.

'Justin!! Patayin mo na siya..'
Sabi ko kay Justin na may hawak ng kutsilyo.. Maigi ng patayin na yang babaeng yan..!!

Una ay nag aalangan pa si Justin kung isasak sak niya ba o hindi pero ng biglang pumiglas piglas si Melany sa pag kakahawak sa kanya. Di na nag dalawang isip si Justin at sinaksak niya ito sa bandang dibdib.
Di pa ito na dala dahil mga pitong beses niya itong sinaksak. Kahit na nag sisitalsikan na yung dugo nito sa amin.

Okay na..!! Patay na siya!! Makakaligtas na kami..

Nang nakumpirma na nila na patay na ito pumunta ulit kaming pinto at ginamit ang kutsilyo para buksan ito.
And thanks god .. Dahil nabuksan ito..

Nag taka kaming lahat dahil nung makalabas kami dun namin napag tanto na nasa room kami kung san nagaganap ang patayan..

'Andito pala tayo'
Sabi ni Lloyd na halatang halatang nag tataka. Kanina kasi nung nasa loob kami, ibang room talaga yun puro puti lang ang nasa paligid.
Inaalalayan na nila si Marvin at Kit na nahimatay.. At ako naman ay hawak ni Lloyd,

Ang kailangan nalang namin ay mahanap kung nasan ba yung lagusan .. At matakasan ang mga malalaking aso na nasa labas ng campus na to...
......
.....
....
...
..
.
A/n: Malapit na po ang magandang pag tatapos :)
JenBaek09 ... po/opo wag niyong kalimutan na ifollow. THANK YOU :*
Jennie's Here. :*
Next Page . :)

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon