Entry26*Visual's

4.7K 120 1

Glazel P.o.v

Antagal naman ni Bakla..

Galit ba siya samin kasi di namin siya nayaya?

Tskk.. mga ilang minuto na kaming naghihintay dito pero di parin siya nalabas.

'Asan na yun?'
Tanong ni Jennie samin..

Nag papasalamat pala ako kasi di siya namatay.. Ayoko siyang mamatay siyempre bestfriend ko siya eh.

'Ewan.. Tara na kaya'
Pag yayaya samin ni Marvin .
Naiinis na si Marvin eh.. Mantakin mo yun, mga ilang minuto na kami nag hihintay.

Ayaw naman nilang pasukin,
Lalo naman ako, ayoko no..

Mula sa malayo nakita namin si Laurence na papunta sa direksyon namin.

'Uy, san ka pupunta?'
Tanong ko sa kanya..

'Mag Ccr'
Sagot niya sakin ,

'Paki tawag si Joshua sa loob huh?'
Sabi ko ulit,..
Tinignan niya naman ako ng *huh? look*

'Bakit?'
Pag tataka kong tanong..
Nakatingin din sa kanya sila Jennie at inaabangan yung sagot nito.

'Si Joshua? Yung bakla ba yun?'
Pag tatanong niya :3

'Oo'
Sabay naming sagot.

'Eh, Kanina pa siya nasa Clinic eh.. Sigi na cr na ko.. Ihing ihi nako eh.'
Iniwan niya kaming lahat na nakanganga.
Literal na nganga as in.

Tas nag katinginan kami sa isa't isa..
Wahhhh.. Anong ibig niyang sabihin? Na hindi si Joshua yung kanina pa namin hinihintay dito?

Sabay sabay kaming nag lakad, naka tulala parin kami. Walang umiimik ni isa samin..

Alam ko talaga sinundan namin si Joshua. Di ako pwedeng magkamali si Joshua talaga yun eh..
pero bat sabi niya nasa Clinic daw?.

HAYSSSSTT EWAANN nababaliw na ko.. Tama ba yung nakita namin?

'Sabi sa inyo eh'
Pagbasag sa katahimikan ni Marvin.

'Huh?'
Tanong naman ni Aira kay Marvin..

'Nakita ko na rin yan.. Alam mo Aira nung gabing tinanong mo ko?'

(A/n: Entry18)

Hmm? Sila lang dalawa yung
Nag kakaintindihan ahh.

'Ahh.. Oo yung dahilan kung bat mo ko siniko'
Sabi naman ni Aira kay Marvin.

'Anu ba yun?'
Pag tatanong ni Jessica sa kanila..

'Ahh.. Kasi nakita na ni Marvin DAW yung visual ni Joshua.'
Sabi ni Aira.

'Ako din naman eh, Di lang kay Joshua kay Glazel din'

'Huh? Jennie? Ayun bayun nung kinuwento mo nung nakaraan?'
Tanong ko kay Jennie.
Kasi hanggang ngayun di parin ako naniniwala sa kanya. Muka kasi siya nung di natulog ng isang taon dahil sa Mata niyang may bilbil.

'Oo. Yun'
Sabi niya ulit..

'Totoo kaya yung mga nakikita natin?'
Sabi naman ni Maika..

'Di ko alam sa Inyo.. Basta ako behave lang ako.. Ayoko makakita ng mga ganyan'
Sabi ni Aira samin..

'Ayaw mo makita pero? Nakita mo na nga kanina eh '
Sabi ko naman sa kanya.
With singkit singkitan pang mata..

'Oo nga nuh?'
Ginulo niya bigla yung buhok niya at nag sisipa sipa sa lupa..
Para siyang Lokaret ehh

'Hayyss   .. Ano ba to... Bakit ba ko nakakita ng ganun? Baka di ako makatulog nito ehh..'
Pag wawala ni Aira.
Ang kulit naman ng isang to..

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon