---o---

7 0 0
                                    

Lumabas nga ako ng gate at tumakbo agad,kaya lang may naapakan ako, muntik na akong mapadive sa lupa, buti nalang nahawakan ng isang ta ang braso ko. Wow, bakit di nakang ako sinalo na parang sa soap opera style? Bakit hinila pa ako sa braso, eh ansakit tuloy. Tapos inalalayan niya ako. Si Harry parin pala!!

"Oh di ka pa umaalis???" Paa niya pala yung naapakan ko.

"Hindi...kasi alam kong lampa ka." Nagsmile siya. Tingnan mo oh. Nang-aasar pa talaga. "Biro lang. Alam ko kasi hindi kayo okay ni Yvette. Kaya hinanda ko na sarili ko. Alam ko na kasing may walk-out na mangyayari. Kaya hinintay kita, kawawa ka naman kung mag-isa kalang uuwi."

"Pano mo nalaman na si Yvette ang problema ko?"

"Instinct?" napashrug nalang ako habang umiiyak.. Para na nga akong baliw. Buti nalang talaga at hindi pa tumitila ang ulan, pero hindi naman kasi ganun kalakas kaya nagkakarinigan kami, may mga instance lang na lumalakas ng sobra, tapos, hihina, titila, babalik na naman. Pero wala na akong pakialam kung magmukha akong baliw, kasi naman, ang importante, eh nandito si Harry na sumusporta sa akin.

"Hars!! Hindi ko alam kung anong nagawa ko at galit na galit siya sakin..." Napaiyak ulit ako habang naglalakad papunta sa bahay namin. Mapride talaga si Yvette, di man lang ako sinundan. At si Harry naman, hindi kagaya nung ibang lalaking nababasa ko sa libro na pag pinaiyak nung isa pang lalaki ang babaeng bida, eh susugod at susuntukin yung nagpaiyak sa bida. Wala lang siya. Siguro ayaw niyang makialam. Pero oddly, yun ang nagustuhan ko sa kanya, problema moproblema mo, pero hindi ibig sabihin eh sosolohin mo na, Parang, nanjan lang siya para sumuporta at umalalay kasi pag yung sistema niyo eh problema mo, problema ko rin eh mas lalaki ang problema kasi OA minsan ang mga tao eh, Yung feeling na kami lang ni Yvette ang may problema tas nakialam pa si Harry, eh mag-aaway din sila. Imbis na kami lang ni Yvette eh nadamay pa si Harry, eh di trouble yun. At isa pang gusto ko sa pagiging hindi pakialamero ni Harry eh natututo akong resolbahin ang problema ko eh in a way na stable yung feelings ko. But you know, hindi stable ang feelings ko ngayon dahil nasa stage of mourning pa ako. Pag natapos na ang ulan, sisikat din ang araw, at jan ko na ireresolba ang problema ko.. Pero sa ngayon, hahayaan ko munang tumulo ang ulan kasabay ng pagtulo ng luha, laway at sipon ko.

"Akala ko ba psychologist ka, bakit di mo siya basahin? Alam mo.. Yang si Yvette, di naman yan galit sayo. Natotorpe lang yan"

"Ano?!"

"Basta ipapaliwanag ko nalang sayo pagnakarating na tayo. Pero ngayon? Let us take a selfie!" Ayun, mabuti nlang at nandito siya para i brighten up ang mood. Kahit magmukha siyang tanga, nasta sumaya lang ako.Nakakatawa kasi yung pagkasabi niya ng Let us take a selfie. Ginaya niya yung pagkakasabi dun sa kantang #Selfie ng Chainsmokers. Ewan ko nga bakit sa Chainsmokers yung credits dun sa kanta eh sila lang naman yung parang Disc Jockey at hindi naman sila ang kumanta.. Tss. Pero okay nalang kasi ang cute ng pagkakasabi ni Harry kasi inipit niya pa yung boses niya. Yeah, hindi lang rock ang genre na pinapakinggan namin. Anything na piniplay sa radyo. Basta magustuhan namin. Pero ang nilo look up naming mga artists sa music industry kadalasan eh rock stars.

Na enjoy ko na ulit yung ulan. At ang best moment eh nung kinukuhanan niya yung kalangitan, tapos nag lightning!! Light travels faster than sound kaya buti nalang, matapos niyang i capture yung lighting eh nakapagtakip na ako ng tenga.Kasi nerbyosa ako sa malalakas na tunog eh. Then ilang segundo at hindi pa talaga nag thunder. Kaya inalis ko nalang yung takip ko sa tenga. Kaya lang pagkaalis ko nung kamay ko, eh dun namankumulog! Langya talaga!Natawa nalang ako sa nangyari, hay.. Napasigh ako, andaming nangyari ngayon akala ko UN, stalker at Flappy bird lang yung highlights.. Pero ang mahalaga, nasaktyan man ako ng sobra, nandito parin naman si Harry para gawin akong masaya.

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon