---o---

11 0 0
                                    

Ganito naman lagi eh, wala akong kasama sa CR- pero okay lang naman.. hindi namna kasi talaga kailangan ng kasama kung magsi-CR ka lang, pati sa canteen wala akong kasama. Sa totoo lang, okay lang kung wala akong kasama sa mga lugar napupuntahan ko, medyo nakakalungkot nga lang, kasi wala akong kasama sa buhay.. Yung friend talaga.. Wala eh.. Medyo reject ako. Kilala lang ako as the silent girl from the section Science A.

At dahil nasa ground floor ang CR ng girls, at nasa third floor ako, edi pawis ! Sabi ko nga diba, abnormal tong sweat glands ko. Pero ayun nga, nainis na talaga ako kasi ihing-ihi na ako pero angdaming babaeng nakapila sa CR. Eh kasi dalawa lang cubicle dito eh! KAinis naman! At guess what, hindi naman sila umiihi, nag memake up lang, at dahil wala ako sa mood makiusap sa kanila dahil tatarayan lang naman nila ako, tumakbo

ako papunta sa CR ng mga boys, susugal na ako. Ayokong maadmit ulit dahil sa UTI noh! Sa tingin ko wala pa namang kapahamakan.. Nag ninja moves nalang ako at dahil-daling ibinaba ang shorts at underwear ko. Napapigil ako sa paghinga, dala ng suspense na baka may lalaking pumasok, kasi naman, walang pinto ang mabahong CR ng mga boys eh.. Kaya ayun, at dahil sa excitement kong makaihi na, pigil hininga talaga. At most especially, pigil hininga talaga dahil sa baho ng CR nato. Umikre ako ng matinding matindi para malabas lahat agad agad kaya lang baliktad ang nagyari, mas humaba ang time ng pag-ihi ko, hindi parin tumitigil at nung moment na gusto ko na talagang huminga, Napapigil na naman ang paghinga ko nang may pumasok.. Oh my God. Eto na ang katapusan ng lahat ng pangrap ko. Patay ako neto. Ito na nga bang sinasabi ko eh! Hindi ako makasigaw dahil ayokong pumasok ang mabahong maruming hangin sa bibig ko. Kaya nung napansin ako ng lalaki na umiihi ako sa sahig, nanlaki ang mga mata niya. Pero kung gano kalaki ng mata nya, mas malaki pa sakin. Kasi naman.. Tadhana nga naman. Bat sa lahat siya pa?! Nagmumukha tuloyng teleserye to! Nangyayari pala talaga ang scenes sa mga pelikula sa totoong buhay.. Na gets nyo naman siguro kung sino siya diba?

"Labas!" sigaw ko.Napaatras naman siya.Buti nalang at last drop na nung sinabi ko yung word na yun, dali-dali kong itinaas ang shorts at underwear ko.

"Oh, anong ginagawa mo rito? Panlalaki to ah." Medyo nagulat ako sa reaksyon niya, medyo namula siya. Tas yung tono niya may halong pag-aalala.. He's nice... Tsaka diba ?! Yung ine-expect nating reaksyon niya eh magwalwala siya o mang-aasar siya o kaya saasbihin niyang 'Miss! Marunong kabang magbasa! Male CR to oh!'

Pero hindi, mabait siya, at understanding... Hindi muna siya nagbibigay ng comment, inaalam niya muna yung whole story. Bago magbigay ng komento..

"Sorry. Puno kasi yung CR ng girls. " Kung bakit ba kasi walang CR bawat room! ang hirap naman ng buhay sa school nato.

"Okay.. "

"Hehehe sorry sa abala" Wow, a bucket of sweat na ang napoproduce ng balat ko!"

Nagsmile na naman siya , Yung right side lang tsaka, ginulo niya kaunti yung buhok ko.

Hihimatayin ako....... Napasmile nalang din ako, medyo uneasy nga lang ako..

"Sige alis nako ha!"

"P- Teka ! San bang canteen ?"

"Ah.. Nandun!" tinuro ko, kaya lang medyo nonsense, kasi malayo pa ang canteen sa totoo lang, kailangan mo pang mag tsunami walk sa stage dahil nasa likod ng stage ang canteen.Mapakamot nalang ako sa ulo."Samahan nalang kita." sabi ko nalang. Tas napabuntung hininga nalang ako. Kung kanina, grabe ang pagpigil ko sa hininga ko , Pa'no na kaya ngayon?! Kasama ko si Hot Goy Horro!

"Sige, bilisan ko nalang dito!" Pagpasok niya sa CR, agad akiong sumandal sa dingding sabay tili........... ng walang sounds..Hahahaha pati pagtili may dubsmash na.. eh yun talaga, ayokong malaman niyang pinagnanasahan ko siya. Hay ang Hoooooot niya talaga, baka di ko mapigilan ang sarili ko mabosohan ko siya. Hahahahaha . woah Ang bilis niyang matapos, buti nalang hindi na ako nag da dubsmash sa pagtili nung lumabas na siya. Naghugas siya ng kamay, tas ayun, kahit hindi pa recess, nagpunta na kami sa caneen. Matangkad siya..Well, matangkad rin ako noh. Pero dahil siya ang katabi ko, nanliit ako! Antahimik namin, awkward, Hahaha.. para tuloy akong tour guide nito.

Nagpunta kami sa canteen at yun, bumili siya ng bolpen. Kompleto pa ang colors, Black, blue at red..

"Anong gusto mo?" sabi niya sakin. Aba manlilibre siguro to. bigtime ha!

"Ha? Steamed Rice nalang"

Binilhan niya ako. Wow ambait niya. Wala tuloy akong masabi,, Literally. Nakakapipi kasi pag gwapo kasama mo eh. Binilisan nalang namin ang paglalakad papunta sa classroom para naman kahit papano, maabutan namin ang kungsino mang teacher na nagtuturo ngayon.. Pero buti naman at wala pang teacher na pumasok. Kaya lang, pagpasok namn, pinagtinginan kami. Tas balewala nalang ako, pag-upo ko naman, narinig kong sabi ni Aileen... 'harot.' Napataas ang kilay ko. Duh. Sino ba siya para husgahan ako. Oh well, nevermind, nasanay narin naman ako eh. Pero ayun nga, nagpalipas oras nalang ako, nagsulat ako ng kung anu-ano na tas winord-art ko.. Lately, na obsess ako sa kantang Oh well, oh well, alam ko alam ko.. Masyado nang throwback. Naririnig ko lang yun na pinapatugtog ng mga pinsan kong lalaki.. Actually, sila nag impluwensiya sakin sa rock music, kaya lang, nasa probinsya na sila. Dlawa yung mga pinsan kong cool eh! Hahahaha college na siguro yung mga yun.. Narinig ko kasi tong Oh well, oh well noong Internet Explorer pa ang gamit. So ayun nga, sobrang tagal na. Siguro grade 2 ako or grade 1?

Ayun, Gusto ko kasi yung first at second stanza, yung kalma lang kaya yung nalang sinulat ko.

When you're alone, do you think of me?
And my diamond rings thrown out to sea
And when you love, do you love for me?
Like harmony, a never ending dream

Oh well, oh well
I still hope for the best
Say goodbye and send me off with a kiss farewell
And I promise I'll be just as strong as I can be
Maybe you could get some sleep tonight

Isang leaf din ng notebook ang nagamit ko. Back to back . Kaya ayun, nangawit na talaga ng tuluyan ang kamay ko. Pinunit ko ang page nayun at tinupi, tas ilalagay ko sana sa Id ko kaya lang dumating ang teacher kaya, ipinailalim ko na muna sa notebook ko.

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now