---o---

8 0 0
                                    

Ayun nagklase kami, elective to eh.. Research. About sa independent at dependent variables at iba pa. Napansin naman ni Sir si Hot guy, kaya ayun, tinanong niya ng kuna anu-ano.. Kay ang ganda talaga ng boses nitong si Hooot Gooy Horoo!!Ang gusto ko kasi sa beauty niya, hindi nakakaumay, kung tignan mo siya at first, GWAPO. Okay.. Gannun lang pero habang tumatagal, masasbi mo sa sarili mo.' Nakita ko na siya ?! Ewan ko.. siya ba yung vocalist ng MCR? o Kaya nung BVB? SWS kaya ? o PTV?!.'. Sa kahit saang anggulo mo kasi siya tignan, gwapo siya.. At hindi lang iisang mukha ang makikita mo. Pagwapo na ng pagwapo, andami pang kamukha.So ayun nga..

Natapos na ang Research at yun, nagring na. Ibig sabihin recess time na. Eh pano yan tapos na akong mag recess, hala ayun oh, halos lahat ng kaklase namin, nagpunta na sa canteen. Pero kami, nagpaiwan nalang. Meron parin namang ibang natira.

"Uy.." Napalingon ako. Tumayo siya at lumipat sa bakanteng seat sa tabi ko.. I mean sa bungi!!!!!! Pinagpawisan na naman ako. Nubayan. Wala na ngang ceiling fan, ang init pa ng katabi mo..

"Uy.. bakit ?"

"Ah.. Nakita ko kasi to.." tinaas niya yung papel.. Na nakatupi.. Teka.. Eto yung lyrics diba?!Dali-dali kong kinuha ang papel. Nakakahiya, baka kutyain niya yung gawa ko.. :3

"Mayday Parade to noh?" sabi niya.

"Hihi..." napangisi nalang ako."Oo.. "

"Fan ka?"

"Konti pero loyal talaga ako sa My Chemical Romance."

"Aaaah. Wow. Medyo pareho pala tayo ng interest" Oh my God. Kinakausap niya ako! Pero kung alam niya lang, weak pa ako.. hindi kasi ako super fan.. Medyo lang talaga..

"Oo.. siguro." kakatense

Ibinaling niya ulit ang atensyon niya sa papel.. Nakakahiya.. Tas ayun.. Kinanta niya. Natunaw ang puso ko grabe.. Bagay sa kanya ang rock! As in! To think na nakaupo lang siya ng sobrang chillax, I mean, hindi naman pang singer na kagaya nina Charlie Puth o Shawn Mendes na naaabot ang matataas na nota. Pero iba talaga eh, may sariling kalidad yung boses nya. Unique. Tapos, kalmang kalma lang talaga. OMG. Siya talaga ang type ko. Pero wala namang pag-asang maging kami. Pero enjoy siyang kasama.

"Uy Pare!"

sabi nung prince charming namin. Ewan ko nga kung bakit siya ang naging prince charming. Maputi lang naman siya pero di siya kagwapuhan noh. Mas gwapo pa nga si president. Tsaka siya yung nakakainis na lalaki kahapon. Yung nagsabi saking pahihiramin daw ako ng notebook kapag kiniss ko siya. Ew! Naiinis talaga ako sa kanya. May pa pare pare pa siya kay Hot Guy Harry ! Tumingala naman si Hot Guy Harry kay boy yabang.

"Uy pare." yun lang sinabi niya sabay tingin ulit sa papel.

"Kris nga pala." pakilala ni Yabang

"Harry." Nakipag handshake lang siya for one second. Bakit kaya ganyan ang mga lalaki? One-second handshake.

"Bakit kasama mo yang babaeng yan?" tumingala ulit si Hot Guy at ako naman, tinaasan ko lang ng kilay si Boy Yabang sabay irap.

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now