---o---

6 0 0
                                    

Nagsabay na kami hanggang makarating kami dun, at dahil ginamit namin yung mahabang hagdan.. Yung main hagdan, Kasi kung napapansin niyo, sa mga school kasi, ang hagdanan, eh dinidivide nila sa dalawa, diba? Yung medyo lumliko.Pero eto, diretso lang eh.Nakakatakot talaga-- Para sa mga may fear of heights pero dahil wala ako nun, maswerte ako. Pero dapat paring mag-ingat kasi ang dulas dulas kasi eh. Pero alam niyo?Nakascore ako kay Harry. Daig ko pa ang 60 points ni Kobe Bryant sa farewell game niya. Kasi ayun, nakakatuwa kasing malaman na may fear of height si Harry. Well, pareho pala sila ni Yvette. Napahawak siya sa blouse ko. Natawa naman ako sobra. Tas sabi niya pa: "Pakihawakan naman tong baunan ko oh." Ayun, HINAWAKAN ko naman. As in touch lang. Medyo nainis tuloy siya. "Tsk. PAKIBITBIT nalang po.......... please!" agad niyang ininsert ang please. Kasi baka sabihan ko siya ng 'Ano ang magic word.' Kaya ayun, iiling-iling kong kinuha ang baunan niya.

__________________________________________________

"Yvette!"sigaw ko sa kanya.

"Oy! Cate! Dumating din! Harry!"

"Uy bro!" sabi ni Harry. Nag fist bump ang dalawa.

"Cardo!!!!!!!!!!!!!!!!!?" may babaeng sumigaw, lumingon naman si Harry.

"Tranquilina!" sigaw naman ni Harry dun sa babae. Aba, ano na naman to? Tsaka Cardo, Tranquilina? Parang Tranquilizer .. Ano naman yun!?

Tinignan ko si Yvette. Eh yun, Taylor Swift din, Blank Space..

"Ano na?" sabi ko kay Yvette kasi na-o-OP na kami. Nagshrug siya pero.. Ouch bakit parang magsyota tong si Hars at yung si babae. .

"Uy, Tracy? Magkakilala kayo?"

"Oo! Magkapatid kami!"

"Magkapatid kayo?!" sabi ko. Walang nabanggit si Hars sakin na may kapatid siya. Pero, ganun lang siguro talaga yun, hindi naman niya pwedeng gawin bukas na aklat ang buhay niya kaya. Sige Carry On. Buti nalang magkapatid lang sila :D

"Ah, Cardo, kasi pinapunta kita dito dahil gusto ko sanang ipakilala sayo si Yvette, kaya lang, dahil obvious namang magkakilala na kayo, pwede bang ipakilala mo na sakin yang kaibigan mo Yvette."

"Ah eh.. Eto si...."

"Cholocate Ravales." Ako nalang nagsabi sa pangalan ko. Baka bastusin niya pa eh.

Nakipagkamayan kami sa isat-isa.

"Tracy Romualdez. By the way, unique ng pangalan mo ah.."

"Hehe.Cate.. Cate nalang"

Medyo nanginig ako kasi intimidating siya eh. Kung may isang tao akong naaalala kay Tracy.. Yun ay si Cara Delevingne. Well di naman sa mukha pero sa aura. Pero may sarili kasing unique na beauty si Tracy eh. At si Cara naman, parang Goddess....Intimidating isya, pero approachable.. Parang si Cara nga.

Ayun kumain kami, at nagkwentuhan, nalaman kong 21 na pala ang ate ni Harrymedyo shocking nga noh, pero parang seventeen lang naman siya. Kaya pala.. kasi akala ko kambal sila na hindi pareho yung mukha kasi naman eh, diba pareho sila ng grade level. Eh mas nakakatanda yung ate niya. So supposedly college na siguro siya noh? Pero ayun nga, dahil daw nagtrabaho ang ate niya at pansamantalang natigil sa pag-aaral.. Ang ginawa daw niya, yung sahod niya, eh binudget niya at inipon ang sobra para sa pasukan may magagastos na siya. At yun nga, pareho na sila ngayon ni Yvette-- I mean ni Harry. Sorry. Bakit ba pati sa POV ko nagkakamali ako? Ikaw Yvette ha pa insert insert kasi! Pero hindi halatang ate si Tracy mas matangakad kaya si Hot guy Harry!

Mabait si Tracy. Medyo girly lang. Pero konti lang. Pero ayun nga, sa tingin ko kasi, masikreto siyang tao. Pero Ang pag-alam ng lihim ay inuunti-unti. At tsaka, hindi rin dapat hinahalungkat ang buhay ng tao noh. Privacy, men. Tsaka, irespeto nalang natin. Pero sa tingin ko talaga, may malagim siyang sikreto. Not that I don't have one pero eto masyadong seryoso eh. Pero yaan ko nalang noh. Wala rin namang sikretong hindi nabubunyag.

Ayun, natapos ang buong araw namin. At dahil next week pa ang UN kasi diba October 23 yung UN? Huh? 23 ba?! Baka 24.. Ewan ko nagsimula na akong manahi. Wala rin namang magpapahiram sakin. Ganun din si Harry boy, kasi di naman nag-offer yung classmate naming Indonesian last year, kasi nga isa siya sa mga alipores ni Boy yabang.

Ayun, nagtulungan kami sa pagtahi, dito sa bahay nila Yvette muna kami nagtahi nung weekdays, at dahil day off ko ang weekends, nakauwi ako. Medyo nainggit nga ako dahil mas magkavibes na sila ngayon ni Donna. At kapag kakain na, gusto niya si Kuya Harry niya yung magsubo sa kanya. Si Yvette, ayun basketball lang ng basketball, pero minsan, nakikisabay rin siya sa karaoke,kasi nahiligan narin niya ng kaunti ang rock songs. Hehehehe. Kaya lang yung paboritong paboritong niya, eh yung Hotel California! Natawa nga ako eh.. Tsaka yung Where Are You Now ng Nazareth. Okay rin sana yung Honor Society, sabi ko sa kanya, pero mas type niya daw ang sa Nazareth, weirdo rin to paminsan-misan.

______________________________________________________

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon