1

54 2 0
                                    

@JevanEgot Salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong reader at salamat sa pagvote nitong walang-kwenta kong storya.

OVERLOADED

Hi my name is Cholocate... :D

Ang weird ng pangalan ko noh? Malapit sa Chocolate.. Aakalain mo sigurong may sweet tooth ang nanay at tatay ko, pero pare-pareho kaming allergic sa tsokolate..

Cholocate po hindi chocolate. Ang tatay ko ay si Cholo Ravales at nanay ko siCate Winslet.. Fil-Am si mama kaya may 1/4 American blood ako. Kung hindi ako nagkakamali.. Hihihihi.. Mahina ako sa Math..

three-squared-multiplied-by-the-square-root-of-four-taong-gulang na ako for the next two years... :D

Ayaw ko talagang pumasok sa araw nato. Nakakainis talaga si Angela! Yung classmate kong sobrang maldita, atribida, kontrabida, bruha.. Binigyan niya ng love letter si Yvette.. Well, wala naman akong karapatan para magalit kung hindi niya lang ginulo ang buhay ko.. Pero ibibigay ko ang rason kung bakit ako galit !

1. Eh nakapangalan sakin yung sender ng sulat.

2. Ang pangit kaya ng pangalan ko!

3. Heartthrob si Yvette.. Si Yvette Ocampo Ursal.

4. Kinuyog na ako ng mga fans niya!

5. Sigurado akong may part 2 pa yun !

6. Siya ang gustong magpadala ng sulat! Bakit dinamay niya pa ako !? Pambobitang mekanismo! Anong silbi nun? Pa'no siya magugustuhan ni Yvette? Ano bang mapapala niya diba?

7. Wala akong ginagawang masama sa bruhang Angelang 'yan.

8. Crush ko rin si Yvette. HIHIHIHI. Siyempre, alam kong ito ang dahilan kung bakit pangalan ko ang ginamit niya as sender. Pero hindi ko parin alam kung anong makukuha niya sa paninira sakin... At naiinis ako dahil pati ba naman sa crush magkatunggali parin kami.. Tss.

Published 492 Words Publish Changes Cancel

Pero hindi ako puwedeng lumiban sa klase ngayon dahil ako ang mag-uulat ng ika XLVI Kabanata ng Noli Me Tangere sa asignaturang Filipino, at ang group namin sa English ang performer sa araw na ito. Thou Villain Capulet!--- Hold me not! Let me go !.. Romeo and Juliet.. At ako ang mag po portray kay Lord Montague. Plus Zumba sa MAPEH.. Dami kong katawan noh? At may isu-sumite pa kaming mga zoning papers.. Take note, zoning ng lahat ng sections ang isa-isa naming isu-submit sa PRINCIPAL'S OFFICE.

Kaya sisimulan ko na ang araw ko sa paggising ng sobrang late. 7:30 A.M.... at pumasok sa skwela ng mga 8.. Whew. Napakaresponsable kong studyante noh :D..

Sakay ng pedicab, pasok sa gate kung saan ang mga guwardiya'y mas sanay pang mag-Ingles kesa sa mga studyante. Daan sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) room.Silip sa mga studyanteng nag wi-weld.. Ahhh..ang bawat pagidikit ng mga bakal sa device na paikot-ikot ay nagdadala ng isang maliwanag na mga tila-alikabok na apoy gawa ng friction kasabay nito ay ang musikang hatid ng mga bakal.. Ziiiiiiiing..Step step step step hanggang sa third floor. And good morning everybody.. Am I too early?-- For the next subject....

Well, since nasanay na silang lahat, oks lang pero nakaka guilty rin hah.. At sobrang tamad ko pa.. Pero alam niyo naman, kapag tayong mga procrastinators, gumagawa lang ng mga gawain natin kapag malapit na ang deadline... Pagkatapos ng second period, mala-agent nakong bumaba sa locker room para kunin ang pera kong pambayad sa PTA bills.. Naiwan ko kasi sa MAPEH uniform ko.. At nasa loob ng bulsa ang pera ko.. pagbukas ko... Wow.. Tumambad sakin ang sandamakmak na mga letters.. Wow daig ko pa ang mga heartthrob sa dami nitong mga sulat.. Yun nga lang, obvious na hindi love letters kundi hate letters.. puro pamba-bash lang 'to.. Pero don't worry guys, babasahin ko parin 'to at isa-isa ko pa kayong re-reply-an.. sayang din kasing effort niyo sa pag susulat para sakin.. Hihihi.. Makapag-selfie nga with caption: Wow andaming nagpadala ng love letter sakin.. :D

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now