---o---

5 0 0
                                    

"Kumusta ang lakad?" Tanong ni Harry pagkatapos nung first period sa hapon.
"Ay naku, wala lang pala yun, nanggu-goodtime lang pala yung kapitbahay kong si Mark. Hahahaha... Natakot talaga ako kasi akala ko may stalker ako pero si Mark lang pala yun. "
Tumango lang siya.Nainitan ako kasi wala naman kaming ceiling fan kay yung maganda kong nakalugay na hair eh tinali ko nalang ng superhigpit at dahil kulot parin eh para na akong si Rihanna. <3 masyado ko yatang pinaflatter ang sarili ko. Ke gandang dalaga nung si Rihanna!

Naglaro ako ng flappy bird. At natutuwa naman ako pagnahuhulog siya sa lupa. Buti nga sa nguso niya! kasalanan ko ba kung di siya marunong lumipad?! .. Tsaka bakit ba galit na galit ang mga tao pag napapahamak yang si Flappy Bird, eh di naman sila yung nagda dive sa dagat na walang tubig eh. Dapat, ikatuwa nila yun. dahil yung ibong nagbibigay ng stress sa kanila eh nangudngod ang nguso sa lupa.

Lagi lang 3 points nakukuha ko., Kaya nung umusyuso si Bae sa kung anong nilalaro ko eh ginulat niya ako. At ako naman, dahil adik sa kape, eh halos atakihin at di agad nakapagsalita. Buti nalang. kinomfort ako ni bae, ayun.. I came back to my sanity. Siya naman naglaro. Nag concentrate talaga siya. Wow. Sineryoso niya ha?!. sinilip ko ang score nya... 53.. wew... 3 nga lang yung sakin. eh sa kanya 53.. Ang galing naman.. Ngayon mga 70 na siya. Kaya lang eh dahil kay Aileen na hindi ata alam na naglalaro si Harry eh hinampas niya bigla ang braso kaya, alam niyo na ang nangyari. Nakakainis talaga. Napapikit nalang si Harry at kinamot ng marahas ang ulo niya.

"Ang gulo mo naman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw niya kaya nagtinginan ang mga kaklase namin. Medyo naawa naman ako kay Aileen kaya inawat ko nalang si Harry.,

"Harry! Chill ka lang, hindi naman ikaw yung nahuloglogloglogloglogloglog sa lupa.." Sumayaw pa ako ng albatraoz.. Ang labo lang kasi Albatrazo yung dance step tas logloglog yung kanta ko..Galit na siya. Ngayon ko lang siya nkaitang maglait nang ganyan at sure nakakatakot.. !Si Aileen nga eh hindi nalang natuloy ang sasabihihin .. Sa tingin ko kasi may irerequest o itatanong siya kay Harry. pero bakit kelangan pa kasi ng hampas.!? Mga babae talaga.

"Kalma lang Harry.. " Namumula parin siya.Antagal nya ring nagtimpi noh.

"Sorry." yun nalang ang sinabi ni Aileen.Hindi na nagsalita si Harry..Nagbulungan yung mga kaklase

"Anong nangyayari ?" sabi ni President pogi..

"Ah kasi nag......" nag-alangan akong sabihin kasi masyadong pambata yung dahilan nonsense. Flappy bird lang.

"Wala.." yun nalang sinabi ko.Kinuha naman ni President yung cellphone ko kasi ewan ko, obvious naman sigurong yun ang dahilan kung bakit nagkakaganto..Pagtingin niya eh nanlaki rin ang mata niya at napakamot sa ulo ng marahas. 

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now