---o---

7 0 0
                                    

"Teka, maganda ka naman ah."

Sincere naman yung pagkakasabi niya..

'' Heh !"

"Totoo yun, mag-ayos ka lang kasi ng konti tsaka kilalanin mo si Suklay ha. Tsaka yung hair tie. Tsaka inom ka ng maraming tubig.*yawn* Tsaka bat ayaw mo ng gwapo, ibig bang sabihin nun, walang tsansang maging tayo?"

"Tsk. Duuuuh, ewan ko, bonus nalang kasi yung itsura, nanliliit talaga ako kapag gwapo yung kasama ko. Pero okay na tayo diba? Friends naman tayo. Pero eto talaga, yung para naman sa future husband ko, gusto ko ibigay niya sakin yung buong TAE niya."

"Ano?!"

"Time And Effort."

"Ahhh.. Nice.. Tae.."

"Tulog na tayo."

Nakahinga ako ng maluwag. Afterall, blessing tong araw nato. Kaya lang, ang hirap pag gwapo yung kasama mo sa iisang bubong. Although, hindi ko naman kelangang mag-adjust dahil okay naman ang relationship naming dalawa. Kaya lang nakakainis parin talaga siya!! In fairness, mas dumami na ang likers nya sa facebook. Ewan ko nga kung bakit. At honestly, gumwapo siya lalo.Tsaka dun sa tanong niya, ayokong mag-assume na gugustuhin niyang makamit yung mga qualitites na gusto ko isang tao.

Nahiga na kami, at dahil sobrang tagal kong antukin kapag marami akong iniisip, I spent an hour staring at him. Hindi ko sasabihing "Ngayon ko lang narealize ang ganda pala ng mata niya etc." gasgas na ang linyang yun at tsaka kahit unang beses mo pa siyang makita, gwapo talaga siya, ang taray niya lang.. I mean, kung babae siya, antaray niya, pero dahil lalaki siya, supladito, maldito pero nasa aura niya ang pagiging mabait, at warm. Warm siguro dahil narin sa kapatid niya..

3rd Reason to hate Yvette Ocampo Ursal: He is very tantalizing. Kasi alam kong out of reach siya. Mayaman siya, ako hindi. Excellent student siya ako Average lang. Basta maraming mga bagay na hindi kami tugma.. Pero kapag nakikita ko siya, parang lumelevel-up yung desire ko to know him more.. He's too close yet too far.. Haaaaaaaaaaaaaay.. Tae naman oh.

*************************************************************************

Ilang months na ang nagdaan, natapos na ang school year. At nung completion ng mga grade 10 eh, Nagpunta kami sa school bilang guard. At nagkita kami ni Yvette. Alam niyo ba kung anong nakakainis ?! Eh kasi imbis na bantayan nila yung assigned area nila eh nagpapicture sila kay Yvette, kasi daw, di na sila magkikita ng ilang weeks. Grabe?! Di ba sila nagsasawa sa mukha nito?!

Ayun, natapos na nga ang whole school year. andaming dapat ipagpasalamat, kasi new stage na naman, at tsaka si Donna, maganda daw response sa chemo.. Thank God. At tsaka, yung bill namin eh nag decrease at balik na sa dati.. 13 pesos nga lang ngayong month eh..

Nandito ako sa school nagpapaenroll. Pero temporary enrollment lang dahil sa NSO na yan!.. Pero mabuti narin to. Excited na ako sa pasukan. Nothing special happened this vacation, sobrang init lang tas tuloy parin yung pag baby sit ko ke Donna.. 

17 na ako by the way..

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz