---o---

5 0 0
                                    

"Hop in!" hop-in pa akong nalalaman!

"We're using my bicycle."

"Oh really ?!"

"Oo Kaya bumaba ka sa kotseng yan."

"Bakit naman ayaw mo tong gamitin?"

"Gusto mo bang magbike o maglakad"

"Bike nalang."

"Baba."

"Osge. Wag masyadong high blood."

"Angkas."

Sungit naman nito.

"Bakit mo ba naisipang magbike ngayon?"

"Global Warming."

"Ohhhh... Tipid ng sagot ah! Ano bang kinababadtip mo hah?!"

"Wala! Ewan ko."

"Meron ka?"

"Anong pinagsasasabi mo? Merong ano?!" nabadtrip ata lalo!

"Hindi mo alam yung term na yun?"

"Alin?!"

"Yung 'meron'"
"Ano yun?"

"Yung panauhing nakapula , buwan buwan dumadalaw. Mga limang araw magsi stay.Minsan umaabot ng ilang linggo."

"Hindi ko makuha.. Ano ba yan ang lalim naman para kang si Tata Lino. Oh tapos? Bakit naman sila nakapula? Miyembro ba sila ng kulto? Tsaka anong gagawin nila for five days?"

"Mang-iinis.."

"Ano ba yan? Bugtong ba yan? Di ko kasi magets."

"Ang hina mo kasi."

"Eh ano nga yan?!"

"Monthly period."

napabrake siya ng dis oras. Medyo nawalan ako ng balance pero natawa ako sa Pag-o-over-react niya. Napalundag ako at siya, ayun natumba kasama ng bike. Hahahaha nadaganan siya.

"Hoops ! Hahaha Sorry!" inalalayan ko siya. Akala niyo siguro na out of balance ako, tas nahila ko siya at napahiga kaming dalawa sa sahig tas"accidentally"dumampi ang labi niya sa labi ko? Hindi! Pero kung yun ang nangyari edi mas okay ! Hahahaha charot.

"Nakaka asar ka naman eh!"

"Grabe ka naman.. Kinagalit mo na yun?!"

"Maglakad ka nalang ! Kainis."

"Uy, ano ba, malayo layo pa ang school !"

"Sige na, sorry na, ano bang gagawin ko para pasakayin mo ako?"

Ayun, for the first time, nagsmile siya. Pilyong ngiti.

"Kiss mo ko." Oh My God These electrifying energy !!!!!!!! ASDFGHJKL

"Ewwwwww !"

"Ahahahaha ayaw mo. Ah sige iba nalang.." Nilabas niya yung cellphone niya. Hindi to maganda sure ako..

"Mag pout ka."

"Ewww.."

"Late na tayo oh." Tss. Wala akong pake kung late ako, kasi lagi naman yung nangyayari. Pero ayokong maglakad noh! Anlayo pa kaya.

"Dali na ! Pout na!"

"Sige na nga!"

Nagpout ako at ayun si mokong tawang tawa habang pinipicturan ako

"Ganda mo oh ! Sakay na!" Hay makakatikim talaga to sakin

Bago ako umangkas, hinila ko muna ang buhok niya.

"Kaasar ka!"

------------------------------------------------------------------------------------------------

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now