---o---

6 0 0
                                    

"Upo ka."

"Oks."

"Sana lang, kayanin mo ang trabahong to."

"Hindi naman ganun kahirap magbaby sit."

"Hah.. Kung alam mo lang."

Nahihiwagaan na ako. Sino ba kasing ibi baby sit ko?

"Hintayin mo ako." Yes, Yvette I will wait for you forever. Huh?!Sinabi ko yun?! Ang OA talaga, minsan nakakakilabot na tong pag-iisip ko.

Ayun, naghintay nga ako ng ilang segundo lang naman. At lumabas din si Yvette, kasama ang isang bata..

Malamang kapatid niya yun.

Naka wheel chair.

Biglang may mga archers na pumana sa puso ko. Aray.

"Siya si Donna."

"Anong sakit niya?" mahinahon kong tanong.

"May autism siya. And unfortunately, leukemia stage 2."

Napainhale ako ng dis oras. Grabe naman,ako nag rereklamo ako, kasi hindi ko nagawa ang homework ko o hindi ako nakapagshampoo, pero hindi ko alam may ibang tao rin palang mas mabigat pa ang pasanin. Kaya pala, nahihirapan sila sa pag baby sit. Kawawa naman.

"Hi Donna."

"Nag smile lang si Donna. Kawawa naman. Ni hindi na niya magalaw yung kamay niya."

"Donna, ako si ate Cate, ako ang mag-aalaga sayo ngayon. Wag kang mag-alala, mabait si Ate Cate ha.. Gusto mo bang maglaro tayo ngayon?"

"Pain..ting.."

"Painting? Mahilig kang magpaint?" tumawa lang siya. Yung mga sugat na dulot ng pana ng mga archers, ngayon, pinatakan pa ng lemon juice. Sobrang........ nakakatunaw ng puso.. Alam niyo bang ang ganda ganda niyang bata? Para siyang si Kristina Pimenova. Sobrang sobrang pale nga lang, tas may mga bruises, tsaka nakabonnet siya ngayon. Kawawa talaga. Pero nakakiyak, kasi sa kabila ng hirap, namamanage pa niyang tumawa at ngumiti. Kung titignan mo siya , para naman siyang walang autism. Maayos naman ang pananalita niya. Well, siguro kasi naturuan ng mabuti. Afterall, mabait naman ang mommy ni Yvette. By the way, kaya pala nag alok yung mommy nya ng trabahokasi nagabroad siya, ayun wala nang mag bi baby sit kay Donna. Sana man lang sinabi agad ni Yvette to sakin. Dahil willing naman ako eh! At mas malapit ang puso ko sa mga batang espesyal.

"Yvette, san kami pwedeng magpaint?"

"Haha, wow, hands on baby sitter ka ha. Pero sa tingin ko, wag muna kayong gumawa ng activities, mag QandA muna kayo. Ayun dun kayo oh."

Tinuro niya yung part na may sobrang lambot na parang carpet. May mga laruan dun. May puppet, barbie doll, na kahit kailan, hindi ko man lang naging pag-aari nung bata pa ako, na ikinasama ng loob ko, pero ngayon na realize ko. Maswerte ako, imagine, si Donna, nakaka affor nga sila ng mga laruan, pero hindi naman siya makakapaglaro.

So ayun, nag Q and A nga kami.. 7 years old na pala siya. Ang talino niya. Siguro kung walang ganitong kondisyon tong batang to, ang galing niya sa klase, at naku! full package na, magalang, mabait, matalino at maganda.. Isa siyang anghel. Matapang na anghel dahil sa murang edad, grabe na ang dagok na nararnasan niya. Pero sa kabila nun, nakakangiti parin siya, nakakatawa at patuloy na lumalaban para mabuhay. Marami siyang sinasabing pangalan like Teacher Michelle, Teacher Kristine. Mga teachers nya ata.. Siguro SpEd teachers. Oh diba? Antaas pa ng memorya.

Maya-maya, humikab siya... Inantok yata.

"Oh Donna, tulog ka na ha..Paggising mo, painting tayo."

Nag-thumbs up naman siya. natawa tuloy ako. Ang cute! Si Yvette naman, ayun taga interpret ng bawat sabihin ni Donna na medyo hindi ko maintindihan. Hahaha mabait na kuya naman pala. Para tuloy kaming isan gpamilya. Hahahahaha o wag niyong lagyan ng malisya!!!

At dahil, medyo inaantok narin ako, matutulog na lang ako, sobrang laki din naman ng bahay nila, kaya kahit magpagulong gulong pa ako hanggang sa kusina, komportable parin ako. Ayun, Yung sofa nila Yvette, inunfold niya at naform into a mattress. Yun nilapag niya dun si Donna, ng sobrang ingat. Bait na kuya ! Tsaka ako dun lang muna sa carpet, pagulong gulong. Pa ima imagine sa mga husbands ko. Yeah. Gerard Way. Andy Biersack... Kellin Quinn, Vic Fuentes. Naku! At eto pa ! Brendon Urie sino pa ba? Ah.. Yvette Ocampo Ursal?! Teka .. Ano daw? Yvette??! Aba kailan ka pa nag daydream tungkol sa palakang yun?! Burahin mo yun teh!

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now