---o---

6 0 0
                                    


Nakakainis, pinagbubulungan kami ng mga atribidang studyante. Inggit kayo?! Hahaha, sorry kayo, dahil naging KAIBIGAN ko si Yvette, by accident at hindi ko pinilit ang sarili ko noh! Kung tutuusin ayaw ko ring maging kaibigan tong ugok nato nung una, kaya lang nang mas nakilala ko na ang totoong Yvette, aba'y okay narin. May mga flaws lahat ng tao, kaya wag muna tayong manghusga diba, as for Yvette, hindi naman masama ang ugali niya, hindi rin kagandahan, pero you should learn to deal with it. May mga katangian parin siyang nakakainis noh. Pero okay narin. Ako na mag-aadjust, at siya rin, I think, kailangan niyang mag-adjust lalo pat babae ako at lalaki siya. Minsan lang ang ganitong friendship noh.

Ayun kumain kami nung kalamay, with C2 at tsaka spaghetti. Dalawang malalaking lunchbox na punong-puno ng spaghetti, naubos namin yun. Hahaha.. Kaya nung busog na busog na kami, nag soundtrip kami. Wala lang, share share ng iba't ibang music na bago lang sa pandinig namin.

**Classroom**

As usual, okay lang ang mga lectures. Konting quizzes at spelling ok-ok (Nakakasawa na ang churva ek-ek .. ok-ok naman para bago). Bumaba ako sa locker para kunin yungmga underwear kong naiwan nung last week. Kasi may PE kami noon eh. At malas naman! Naiwan ko pa. Kaya ayun, pagbukas ko nung locker. Wow.. Love letters na naman. Ayaw ba nila akong tantanan, nangyari nato noon ah ! Ay grabe naman kasi! Anong issues na naman ba to?!

At dahil.. Wala akong sapat na oras para ubusin tong mga love letters ko. (Sana ho may sarcasm yung pagbabasa nyo sa 'Love Letters') Kasi nakakamatay na tong ka sweetan ng mga admirers ko.

Isa lang yung binasa ko para at least may clue ako kung anong kabulastugan na naman ba ang ginawa ko. At ayun! tungkol sa pagkakaibigan namin ni Yvette?! Wow expected narin 'to. Kaya lang tanga ba sila, ilang weeks na kaya kaming magkasama nyang si Yvette bat ngayon lang sila nagreact ng ganito?!

Ayoko na ng ganito. Ang drama eh. Buwiset. *Ziiiiiiiiiiiiiiing* Vibrate ng cp ko. Tumatawag si itay. "Naku, anak sorry, hindi ako makakaraket ngayon, mapuputulan talaga tayo nito." "Huh?"

"Sorry."

"Sorry din po, sige, gagawa po ako ng paraan. Wag kang mag-alala."

Alam ko na kung pano ko masu solusyunan to! Hitting two birds with one stone."Yvette!"Huminto siya.

"Oh?"

"Ah kasi, ano, tinatanggap ko na yung alok ng mama mo. Sorry kung ngayon ko lang tinanggap ha."

"Seryoso ka?" Kumunot ang noo niya.

"Oo. Sure ako sa desisyon ko. Well, hindi naman talaga nakasara ang puso ko't utak sa posibilidad na mag babysit, kaya lang, sobrang busy ko eh. Ngayon, medyo napush ako kasi matindi ang pangangailangan namin eh. At sorry, kung antagal ko tong tinanggap. Salamat Yvette at lagi kang nanjan para tulungan kao."

"Ah kasi.... Cate, hindi kasi madaling mag baby sit. Tsaka sa pagtanggap mo sa alok namin, alam mo, ikaw ang mas nakatulong samin ."

"Ha? In what way?"

"Ah basta."

Actually, isa din sa dahilan ng pagtanggap ko ay yung mga demonyitakokong na namba bash sakin. Sa paraang ito, atleast mababago ang tingin nila sakin, hindi ako nanghiuhingi kay Yvette, sinusuwelduhan niya ako. Oh diba?! Malilinis na ang pangalan ko, magkakapera pa ako. At hindi pa kami mapuputulan.

:Oh sige ha, bisita muna tayo sa bahay nyo ngayong uwian."

"Bakit?"

"Dun ka titira samin.."

"Hah?! Strict ang parents ko."

"Tropa ko na kaya yung daddy dude mo tsaka yung mama mo rinMagka vibes kami"

"Hah! Daddy dude ka jan.."

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now