---o---

5 0 0
                                    

"Rubber shoes asdghfd;adlkasdasdasdasd.." Rubber shoes lang narinig ko. Magpapabili siguro siya ng rubber shoes pag nanalo kami noh.Rubber..... rubber tree! May appointment pa ako!Hinila ko si Harry habang nagmumurmur parin siya.

Tas nung nasa may pintuan nakami eh, sumabit sa bakal na lalagyan ng lock yung buhok ko at yung royal hairstyle ko ay nagulo. Nakakainis.

"Arrrgh!!" Naghalo na naman ang inis ko dahil sa ka clumsy han ko at dahil sa appointment ko. Gusto kong makita yung stalker ko noh!!

"Oh bakit tayo lumabas?"

"Eh nakakairita yung lalaking yun eh. Tsaka Harry, may kikitain ako ngayon eh, pwede mo ba akong samahan? Dun lang sa rubber tree." Savior talaga si bae kasi nakakawa siguro yung stalker ko kakaintay sakin noh. Makakalimutin talaga ako.

"Sino naman?"

"Eh hindi ko nga kilala, ntatakot ako kasi sabi niya stalker ko daw siya. Baka anong gawin sakin.."

"Eh bakit ka pa makikipagkita?"

"Ha.. Eh.. Kasi naman, maghihintay yun talaga eh, mabuti nang makita ko na siya at makilala para di naman ako maparanoid kasi feeling ko nalang laging maynakasunod sakin eh." "Oh sige.. Pero ano ba yan.. Nasira ang buhok mo."

"Oo nga eh, Harry, tulungan mo naman ako.. Baka kasi pogi yun,para at least man lang, presentable ako diba.. "

"Tss. Sige halika rito.." Sakto naman dumating si Tracy at inaya kami ulir sa loob para magkwentuhan.. Sinabi naman ni Yvette yung tungkol sa pustahan,eh wala naman siyang problema dun. Tapos ayun, inayusan ako ni Harry.. Pero ilang ulit na namin eh hindi parin namin makita ang tamang hairstyle para sakin. Sabi naman ni Yvette na mayabang eh magpakalbo nalang daw ako, baka gumanda pa ako. Wew. Siya lang di naka appreciate sa ganda ko ngayon ah. Tsaka tinanong niya sino ba daw nag style sa buhok ko kasi para dawng cobra?! Ano namang cobra dun? weirdo talaga niya! Si Tracy, nagkukwento lang . Nakikitawa nalang kami. Pero nung medyo napagod na si Harry eh tumigil na siya sa pag poponytail at pagtitirintas at kung anu ano pa kasi dahil di na namin mababalik yung bonggang hairstyle ko kanina dahil ilang minuto ang aabutin nun.. Kaya naman, ayun tumigil muna siya at sinuklayan ako. Nakalugay lang ang buhok ko at para na daw akong leon.. Hahahays. Nahulog pa yung pantali ko ng buhok kaya kinakailnangan kong yumuko to the lowest level at nung naabot ko na. nagsidikitan ang buhok ko sa noo at mukha ko dahil sweaty na naman ako kaya kailangan kong mag angat ng ulo with great force yung parang magmomodel lang? Yung ganun. Kaya yun nga ang ginawa ko. At pagangat ko ng ulo ko eh lumaki ang mata ni Harry. Tas ngumiti. "Eh okay naman pala pagnakalugay eh!" Inayos niya yung pagkakahati.. Medyo kulot na pala ang buhok ko dahil nga nakatirintas to kanina. Wavy talaga at ang cute. Eh ayun na, nanghiram ako ng salamin kay Tracy. At woah, better kesa sa una kong hairstyle kaninang umaga. Wew.. Basta si Harry talaga ang nagsa style, paniguradong gagawin ka niyang maganda. Isang tongue twister tuloy ang naalala ko tungkol to sa miyembro ng isang sikat na boyband na itago natin sa pangalang One Direction. at ang itinutukoy kong miyembro ay yung kapangalan ng gwapong nilalang na nagstyle sa akin. "If Harry Styles could style hairstyles, how many hairstyles could Harry Styles style?" Ilan nga ba? Hahahaha kasi ibang klase mag style tong si Harry eh! Gumaganda ka talaga. At isa pa siyang machong lalaking papangarapin mo. Tsarot.

So ayun nga, nagpaalam na kami kela Tracy at kay Yvette. Pero sabi lang ni Yvette bakit pa daw namin kelangang magpaalam sa kanya kasi daw mas okay yung lumayas na kami agad agad. SiTrace naman tumawa lang akala kasi nagbibiro lang si Yvette. Pero sa tingin ko inggit talaga siya kay Harry. Sa totoo lang, kapag nafi facebook ako, mas maraming likers si Yvette kesa kay Harry, pero ewan ko kung bakit ganyan si Yvette kay Harry. Simple lang naman si Harry at hindi mayabang. Hindi rin siya mayaman pero matalino naman. Pero ayun nga, bakit kailangang pag initan niya si Harry?!!! 

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now