---o---

17 1 0
                                    

Pero hindi ako puwedeng lumiban sa klase ngayon dahil ako ang mag-uulat ng ika XLVI Kabanata ng Noli Me Tangere sa asignaturang Filipino, at ang group namin sa English ang performer sa araw na ito. Thou Villain Capulet!--- Hold me not! Let me go !.. Romeo and Juliet.. At ako ang mag po portray kay Lord Montague. Plus Zumba sa MAPEH.. Dami kong katawan noh? At may isu-sumite pa kaming mga zoning papers.. Take note, zoning ng lahat ng sections ang isa-isa naming isu-submit sa PRINCIPAL'S OFFICE.

Kaya sisimulan ko na ang araw ko sa paggising ng sobrang late. 7:30 A.M.... at pumasok sa skwela ng mga 8.. Whew. Napakaresponsable kong studyante noh :D..

Sakay ng pedicab, pasok sa gate kung saan ang mga guwardiya'y mas sanay pang mag-Ingles kesa sa mga studyante. Daan sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) room.Silip sa mga studyanteng nag wi-weld.. Ahhh..ang bawat pagidikit ng mga bakal sa device na paikot-ikot ay nagdadala ng isang maliwanag na mga tila-alikabok na apoy gawa ng friction kasabay nito ay ang musikang hatid ng mga bakal.. Ziiiiiiiing..Step step step step hanggang sa third floor. And good morning everybody.. Am I too early?-- For the next subject....

Well, since nasanay na silang lahat, oks lang pero nakaka guilty rin hah.. At sobrang tamad ko pa.. Pero alam niyo naman, kapag tayong mga procrastinators, gumagawa lang ng mga gawain natin kapag malapit na ang deadline... Pagkatapos ng second period, mala-agent nakong bumaba sa locker room para kunin ang pera kong pambayad sa PTA bills.. Naiwan ko kasi sa MAPEH uniform ko.. At nasa loob ng bulsa ang pera ko.. pagbukas ko... Wow.. Tumambad sakin ang sandamakmak na mga letters.. Wow daig ko pa ang mga heartthrob sa dami nitong mga sulat.. Yun nga lang, obvious na hindi love letters kundi hate letters.. puro pamba-bash lang 'to.. Pero don't worry guys, babasahin ko parin 'to at isa-isa ko pa kayong re-reply-an.. sayang din kasing effort niyo sa pag susulat para sakin.. Hihihi.. Makapag-selfie nga with caption: Wow andaming nagpadala ng love letter sakin.. :D

Sa wakas.. Natapos ko na lahat ng mga gawain ko! Report in Filipino, check.. Romeo and Juliet: check.. Zumba: check.. Zoning:check.. Makakauwi na ako sa wakas ! At dahil wala akong kaibigan, ,ag-isa akong pumanaog at kinuha lahat ng mga LOVE LETTERS para sakin. HIhihi... Dali-dali ko itong isinilid sa bag ko at tumakbo papalabas ng locker room ng biglang may humarang sakin...

"Anong ginagawa mo dito ?!"

Familiar yung boses.

Pagtingala ko, nagulantang talaga ako sa nakita ko. Sino pa ba? Edi yung Heartthrob. Si Yvette. Patay ako nito.. Kasama pa naman niya yung mga butiki niyang kabarkada.

"Ikaw ba si Chocolate?"

Kinabahan ako. Pero nainis din ako.. Binastos niya ang pangalan ko.. Siyempre kahit ayaw ko sa pangalan ko ayoko ring sabihin ito ng ibang tao in the wrong way.. At dahil wala rin akong planong i correct siya, lalayas nalang ako bago ko pa siya masipa.

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now