---o---

4 0 0
                                    

Nagpunta na kami sa rubber tree. At ang nakaupo dun ay isang babaeng nagbabasa ng libro at dalawang lalaking nagchichikahan. Dota yata yung pinagchichikahan nila. Baka isa sa kanila ang Ryan. Pero nung tatanungin ko na sana sila eh tumayo naman sila at narinig ko pa na magcu cut daw sila ng classes kasi magdo dota daw. Grabe naman to. Baka nangindyan na yung Ryan na yun. Naghintay kami ng ilang minuto, maaga pa naman din. Kasi maaga kaming dinismiss.Hanggang sa matapos nalang nung babae sa binabasa niyang libro, wala paring Ryan. Tapos nung umalis na ang babae eh tumayo naman si Harry at nagpaalam na pupunta daw siya sa CR. eh medyo malayo pa yun kaya tinakbo nalang niya, Grabe, pati pagtakbo ang hot niya parin. Hahahaha..

Naghintay ako tapos may bigla rin akong nakitang paparating na babae tumatakbo sa direksyon ko. Nakasmile. At ang ganda ganda niya para siyang si Chrissy Costanza. Ako ba nginingitian niya, di ko naman ata siya kilala eh.. Lumingon ako baka may tao sa likod ko pero wala eh. At nung lumapit na siya, eh umupo siya skain siguro isang metro ang layo. Tinignan ko siya at tumingin din siya sakin. Tapos ibinaling niya yung tingin niya sa field. Ako rin ganun nalang ginawa ko. Ang weird namn niya. Wala kaming kibuan hanggang sa ..

"Akala ko di ka dadating." namutla ako... Oh my..

"Huh? Ako ba kinakausap mo?" Tumango siya tas tumingin sakin at nagsmile.Mukhang kailangan kong maghanda kasi anytime pwede akong mahimatay nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ako si Ryan.."Nawala na ata ang kaluluwa ko. Isang lesbian ang stalker ko. Hindi sa nandidiri ako.. You know, honestly, Curious rin ako sa pagiging involve sa isang relationship with the same sex pero ... This is unbelievable, isa siyang diyosa.

"Ano?!!! Ikaw ang stalker ko..?"Tumango siya ulit.

"Okay sorry, alam kong medyo natakot kita pero.. Wala akong masamang intensyon sayo." Babae parin naman siya manalita ah..

"Teka, lilinawin ko lang ha.. Lesbian ka?"Umiling siya.. Therefore, bisexual..Tumango lang ako...

"Eh di pwede ka pa palang magkagusto sa mga lalaki."Tumawa lang siya

"Pero oo, bisexual ako, emotionally, nagkakagusto ako sa babae at lalaki pero babae lang ang gusto kong makasama." Mabuti naman at nadetermine niya kung anong klaseng bisexual siya.This is interesting. Gusto ko kasing maging psychologist kaya baka may maitulong to.

"Okay.... Sige share ka lang. Ay pero teka, tawagan ko lang ang kaibigan ko ha."Tinawagan ko si Harry. Ayaw kong marinig niya ang pinaguusapan namin kaya sasabihan ko nalang siyang dumiretso nalang sa classroom. And knowing Harry, wala yung masyadong tanong, pag may sinabi ka or iutos o i request, susundin niya yun. Walang tanong tanongMaayos kausap yun eh.Lumapit ako sa kanya, Bakit ako yata ang natotomboy sa ganda nito?!Naman oh.

"So may naging karelasyon ka na ba?""Oo, sa babae noong nasa probinsya pa ako, sa Cebu..Nakakatawa nga eh kasi una akong nagka crush sa kapatid niyang lalaki pero nang makita ko siya eh mas naging crush ko pa siya. At nag end up na imbis maging boyfriend ko ang kapatid niya, eh siya ang naging girlfriend ko " Cebu? Taga Cebu rin yung mga kamag-anak ko. At nandun din yung mga pinsan ko lalo na yung pianakamalapit saking pinasn ko.Medyo nalungkot siya sa pagkukwento. May nangyari.. At sa tingin ko alam ko kung ano yun..

"Woah.. Naging kayo... kaya lang .. Iniwan ka niya for a guy? Ganung ba yun?"Tumango lang siya. See. Psych talaga ako..Hehehehe..

"Pero may worse pa jan.." Huh?!

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now