---o---

5 0 0
                                    

5 AM na at natapos na ang pag-aayos niya sakin. Pero ayun, nagpawis na naman ako ng isang timba siguro. Buti nga hindi makapal ang makeup ko kasi baka magmukha akong Ravena sa teleseryeng Mulawin...At salamat narin sa mamahaling foundation ni Tracy, medyo may surface tension kaya parang nirerepel ng foundation yung pawis. Ngayon, pag nagpupunas na ako, OA na, yung dampi dampi nalang hindi gaya nang normal days na kahit ikiskis ko pa sa pagmumukha ko yung bimpo eh wapakels noh.

Nanalamain ako. At sa gulat ko..Oh my God anong nangyari sa mukha ko?!!!!!!!!!!!! Anong-- Bakit ang.... kinis?! At ayokong aminin pero. I feel.....Pretty...? or Beautiful? Iba to! DI to ako.. Eh sobrang.. ewan, ganda eh.... !

Nakakainis naman oh. Bakit ang unfair talaga ? Kaming mga babae, inaabot ng ilang siglo sa pag-aayos, pero di pa yan tapos ! Introduction pa lang yun. Tapos ang lalaki, isang segundo, hindi pa handa, pagkurap mo eh bihis na bihis na. At konting hawi lang ng buhok eh pamatay na. Ewan ko ba.

At isang kanta lang nagpi play sa utak ko. Kanina pa to eh, nung sinundo niya palang ako, nagplay nato sa utak ko.

You got that James Dean daydream look in your eyes~~
And I got that red.. ooops.. pinkish.. lips classic thing that you like. And when we go crashing down we come back everytime, we never go out of style, we never go out of style.

Feeling ko naman, ako si AudreyHepburn! Hehehehe.. Naalala ko na naman ang Sleeping with Sirens. Enebe, If I'm James Dean, Then You're Audrey Hepburn.. yun yung unang nagustuhan kong kanta nila eh.

Tas ayun, kumain kami ulit. At nagpunta na sa school, nakabihis na kami kasi first period namin ang Araling Panlipunan. Tsaka, ayokong doon lang magbihis sa classroom kasi paniguradong sobrang siksikan dun sa sobrang liit na stockroom namin noh. Baka pagpawisan pa ako ng 10 liters. Tsaka, mas mabuti na ang handa noh.

"Good luck sa atin guys, tsaka pagnanalo tayo at ibabattle sa grand finals, hati hati nalang sa premyo." sabi ni Tracy

"No doubt mananalo ka! Para kang dyosa eh."

"Hahahaha. at obvious na.. Sure win nato Ravs, kakaiba kayang performance NATIN. May.... Chemical Romance.."

Nagtawanan kami.

"God bless us guys!"

Ayun, pagpasok namin sa school, siyempre, center of attraction kami. Kami lang kasi ang bihis na eh, yung ibainuna muna ang make up. Tas kami. Ready na.Nagsipasukan na kami sa mga silid namin. At buti nalang nakapagrelax na kami. Kasi naman. Masyado kaming maagang nagising noh.Habang nagrerelax kami eh,m sobrang ingay naman ng classroom. 'Pakisara naman ng zipper oh' 'Uy may safety pi nka ba?' 'Achuchuchcu' Ewan. Magpapamusic nalang muna ako. Mirrors by PVRIS.. Eh ang cute lang ni Lynn ... Soundtrip muna ako. Buti nalang at alam na alam ni bae na kapag soundtrip time, eh ayoko nang may kumakausap sakin. At dahil sobrang nakakaburyo tong cellphone ko eh, sinubukan kong maghanap ng wifi spot. Ewan ko anong pumasok sa utak ko.. Matagal ko nang ginagawa pero lahat eh may passwords.. At siguro, utos yun ng subconcious mind ko kaya naman.. Nagkatoto nga, may free wifi. At ang lakas pa! Sa tingin ko kaklase ko ang may-ari.. Hehehehe.

Nag facebook ako.. Kasi hindi ako nakapag online kahapon. Kaya naman, pag open ko na, eh tumambad sakin isang message. Dun kay Ryan galing! Yung stalker ko.

"good luck sayo bukas.'

'Sana pumayag ka na magkita na tayo ngayon.''Hihintayin kita sa rubber tree..''please sipot ka naman. Hihintayin kita.''lunchbreak'

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now