---o---

10 0 0
                                    

Habang naglalakad akoy nagmumuni-muni, life life life. *plok* oops.. Ano yun? Napatingin ako sa paanan ko, ano tong dilaw na nilalang na natapakan ko? Register, register.. TAE... Tae. Tae... Tae nakaapak ako ng tae. Tae naman oh.. Malas ko naman...... Pero teka, diba swerte daw yung makaapak ka ng tae.. Wala naman masama kung maniniwala ka diba? Eh di, pupusta nalang ako sa lotto.. 987.. yun ang numero ko .. May lotto naman kasi sa likod ng school. Hihihi.. 987 kasi July si mama, August si papa at September ako.

Rambol, 20 pesos.. Hihihihi. Hindi na muna ako kakain ng junkfoods ngayon..

*******************************************************************************************

School is cool.. strawberry shortcake, motorcycle, diaries, coin slot, chewing gum.. oh sorry, ganyan lang talaga ang utak ko .. Kahit anu-anong iniisip ko.. hindi lang ako mapakali.. sa kung anong hindi maipaliwanag na dahilan..

Ang gulo ng classroom, may isang nagsasayaw sa table ni maam. Yung isa naghiheadbang wala namang kinakanta, may isa sigaw ng sigaw: 'tikman mong kamao tiktiktikman mong kamao..' Yung mga babae busy sa pag chichikahan, yung mga lalaki, may pinag-aagawang notebook.

"Hoy ako muna."

"Ako ang kumuha niyan!"

"Teka, sino bang leader nyo? diba ako."

"Ako muna, ako pinakamabilis magsulat dito eh."

"Hoy, wag nyo ngang sirain yang notebook ko mga baliw, mag share share kaya kayo!"

"Ow, ang ganda ng nails ko diba?" sabi nung isang lukaret na bagong manicure

Ay oo nga pala, may assignment pala kami sa math. Eto na, eto na, et na Wrrrrrrrrrrrrrrraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Doobidoo bidoo bidoo bidoo.. Nagpapanic na naman ako. I started to hyperventilate. Math.. Numbers na naman, pagod na ako.. wala namang gustong magpakopya sakin. Pero sige na nga, dahil ayokong gawing agahan ang math, manunuyo nalang ako sa mgagwapo kong kaklase.

"Rolly, pahiram ng notebook ha."

"Ano ka sinuswerte?"

"Hoy, pahiramin mo na!" sabi nung leader nilang si Kris.

"Salamat Kris.." plastic kong saad. duuh , ano bang karapatan nila, eh hindi naman sila ang may-ari ng notebook, sisigasigaan lang naman silang mga bakulaw sila.

"Anong salamat? Hindi na uso yan noh."

"Huh?"

"Ibibigay ko lang to paghinalikan mo ako.. Sa.lips."

"Edi isaksak mo yan sa bunganga mo."

"Suplada nito!"

Sabi ko na, ako lang din talaga ang gagawa ng assignment ko. Akala ko ba suwerte ang TAE. bat ang malas ko ngayon?!

Number one.. Ay ang hirap nung mga problems.. wala akong notes, hindi ko alam yung formulas. Ano bang gagawin ko sa buhay ko.. Tae naman oh.. Tae naman oh.. Tae naman oh.. Tae... naman .. oh.. Tama.. Tae ! Tae ang sagot.. ! Trial And Error.. Ting!!!!!!!!!! Na energized ako bigla, kaya ko naman pala eh. Tama, suwerte nga ang tae.. At eto na, nagawa ko na ang assignment ko.. Hindi nga lang ako sure sa number 7 at 9 pero okay narin yun noh. At least, nagawa ko.

Nang checking na namin, handa na akong makakitang itlog sa papel ko o kaya pulang ballpen, nang himala, nakakagulantang na pangyayari, 28/30. Pano nangyari yun? Eh ang hina ko sa math diba? Anong klaseng mahika ba to? Cholocate does magic.. Available at any bookstore. At 5 na ang na sold.. Anyone got the reference ? If no one gets it, then let's move on.

Ayan wow, alam mo bang anlaking achievement nito? Makakuha ba naman ng passing score sa math. congrats Cate.. Congrats.

Sa locker room. Lunch break.

"Pssssssssssssst!" sino yun? "Psstt! Pssssssssst! Psssst! " Ay nakakainis na ha.

"Sino yan!?"

"Ang taray!"

"Yvette Tsonggo ka. nakakainis ka."

"Ouch naman, ay alis nalang ako, sayang naman tong kalamay oh.."

"Kalamay?!"

"Bye na.."

"Yvette, balik ka muna dito."

"Akala ko ba gusto mo akong umalis."

"Okay lang kung ikaw, pero.. ano... yang kalamay oh.. Sayang naman.. Share your blessings naman oh."

"Tss. Ang harsh mo naman."

"Di, biro lang. Pero, yun na nga, share your blessings naman."

"Oh sige tara. Dun tayo sa damuhan."

"Sureness."

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now