---o---

5 0 0
                                    

"Sayang!" yun din sinabi niya. Hahahahaha medyo natawa ako. Yun na lang ba importante sa kanila?! "78 na sana! Ikaw kasi Aileen ang gulo mo!!" Nakita pala ni president yung nagyari kanina.

Nakiusyoso naman yung iba at pagtingin nila sa cellphone eh sayang din daw. Tsk. 78 lang naman yun yung iba nga 100+"

Tss. Flappy bird lang kinagagalit na?!" sabi naman nung boy yabang. Wrong move sire.. Kasi dahil sa sinabing yun ni Yabang eh hinampas siya ni Harry ng silya. buti nalang at yung braso nya lang ang napinsala.

"Hoy matagal na akong nagtitimpi sayo ha! Bakit ba ang yabang mo?!"Medyo natakot yung yabang pero nga dahil mayabang eh ayun, nanatiling matatag sa kayabangan.

"Isip bata ka pala pre eh. Nagwawala ka dahil jan?!"

"Awat na mga bro." sabi ni president pogi..To the rescue naman ang mga sgt. at arms. bakit ngayon lang sila kumilos, at di nila agad napigilan si Harry. Ako nga eh nanginginig narin. Ganun din si aileen at si Harry. Siyempre ganun naman pag galit ka, mangagalaiti ka at manginginig ang kalamnan mo.

"Tumigil na kayo o ipapaguidance ko kayo!!!!!!!!" sigaw nung vice president ganda.. in short, si Vice Ganda. hahahahaCamille pangalan niya.Huminahon naman si Harry at si boy yabang eh hindi man lang gumanti. Natakot rin siguro.

"Walang nangyari okay?" Yun nalang ang sabi ni president ayaw niya kasing mabahiran ng dumi ang section namin. Hindi parin ako makapaniwala para namang halimaw tong si Harry. Buti nalang talaga dumating na ang teacher namkin.Bilis maka transform namin eh! Parang walang nangyari talaga. We're all good actors and actresses.

UN, stlaker, at Flappy bird.. Yun ang highlights sa araw nato.Grabe. Napagod talaga ako. Pati nga pag-uwi namin , eh hindi sumabay si Harry, apektado siguro siya. Or siguro alam niyang natakot ako sa inasal niya at baka iniisip niyang wag munang lumapit sa akin o kaya naman ay nahihiya siyang makipag-usap sa kahit kanino dahil nga sa nangyari, di sila nagsabay ni Tracy, dahil di naman talaga sila sabay umuwi.. Hinintay ko naman si Yvette kasi naman magagalit yun pag di kosiya hinintay noh. At nung makalabas na sila sa classroom eh pinauwi niya ako. May gagawin pa daw sila ni Tracy.

"Magluto ka at paliguan mo si Donna." Hindi siya ganito.. Warm siya. Pero ngayon, bakit ang sakit nyang magsalita. wala naman akong ginawang masama. Naiinis ako sa kanya.kung hindi lang dahil at para kay Donna, magre resign na talaga ako.. Tumango nalang ako. Kahit sa totoo lang eh nasasaktan talaga ako. Sa di ko malaman na dahilan. Bakit ba apektado ako masyado sa pagiging ganito ni Yvette? Magji jeep lang ako ngayon. Kaya lang nung nasa sakayan na ako ng jeep eh umulan ng malakas umiyak nalang ako. Ewan ko kung bakit pero yun lang ang ginawa ko. Ang isang kantang umiikot sa utak ko eh yung kantang Crying in the rain. favorite song namin ni papa. mas naiyak ako sa thought.

Ewan ko kung bakit apektado ako sa sinasabi ni Yvette, pero naiinis talaga ako sa kanya. Initsapwera niya lang ako bigla-bigla. Wala namang dahilan talaga eh. Para tuloy akong baliw dito. Sumilong ako agad dahil ayokong mabasa ang mga notebook ko at ang pera ko sa bulsa pati nayung cellphone ko. Bigay pa naman yun ni Yvette. Mas naiyak tulkoy ako ngayon. Ano ba!? Bakit di mo makontrol ang feelings mo ngayon?! Kinuha ko yung higanteng plastic bag na lagi kong dinadala incase mangyari to. Dahil wala naman akong payong. tapos nilabas ko lahat nung notebooks ko at pera ko at nilagay ko sa plastic bag na medium. tinali ko para secured. Tapos sinilid ko pa sa mas malaking plastic bag. Hindi na talaga lulusot ang tubig. At dahil sanay na akong mabasa,na ulan eh, go with the flow nalang. Medyo madilim na ngayon kasi 5:40 kami nadismiss.Wala akong balak sumakay dahil basa nga ako. Mapipinsala ko lang ang mga tao.

Kaya nagpatuloy ako sa pag-iyak.. Naglakad ako. Si Yvette lang ang nasa isip ko ngayon. Lumakas ang ihip ng hangin. Lalakarin ko pa talaga noh! Medyo malayo-layo pa kaya yung bahay nlla Yvette..Nung medyo napalakas na talaga ang ihip ng hangin eh may nahulog na buko, agad akong umilag kaya lang, nagshoot tuloy ako sa kanal.Naiyak ako lalo. Ano bayan. para tuloy akong baliw. Yung mga taong nakasakay sa jeep, pinagtitinginan ako.. Buti nalang hindi marumi yung kanal, May natitira pa palang malinis na kanal noh?! Pero ayun nga, iyak parin ako ng iyak. May mga taong naaawa na nga sakin pero wala lang din naman sila.Pinapanood lang ako sa pagiging miserable ko..
Nag lagkad ako.... at nung natapilok pa ako kaya napasigaw nalang ako.. "Arrrghhhhhhhhhhhhh!" nananadya?!! Nasira tuloy ang sapatos ko.Leather na mumurahin lang kasi to kaya natuklap pa. Oh?! Magpapaa ako nito?! Sinubukan kong ayusin yun kaya umupo ako sa gilid ng kalye kahit nakakhiya na. Madilim narin at nakakasilaw na ang mga ilaw ng kotse.umiiyak parin ako. Nakayuko. May nariinig ako tunog ng traysikel.. Papunta siguro sa direksyon ko. Tapos huminto. Oh anong problema nya?! Di ko lang nilingon yun kasi nahihiya ako sa pagmumukha ko eh.. Pagkatapos, mga ilang segundo, humarurot ulit yung traysikel. Bastos, natalsikan ako nung tubig. Grabe naman magpaharurot yun parang walang bukas. Andulas kaya ngayon!!

Napahagulhol nalang ako... At ngayon ko lang narealize... Kaya pala ako apektado.. Dahil............ gusto ko si Yvette. I mean, nung araw na inakala kong nawala ang feelings ko sa kanya, imposible yun, kasi sa ilang years na pagso-stalk ko sa kanya, ganun ganon nalang yun? Mawawala bigla.. All this time, mahal ko na siya.. Or siguro kung hindi man love, highly  infatuated ako sa kanya, Tapos ngayon, konting coldness niya lang nasasaktan na ako. Kasi naman, yung ang nagustuhan ko kay Yvette. Yung pagiging warm niya. Tas all of a sudden ganito nalang agad?! Naging ganito lang siya simula nang dumating si Harry.. Ayoko mang iflatter ang sarili ko pero baka siya nagkakaganto, eh siguro.. nagseselos siya kay Harry... siguro crush niya rin ako.. Pero........ malabo yun.. pero ewan.. Ayoko ngang maging feelingera.. Pero pwede ring, wala siyang crush sakin pero ayaw niya lang kay Harry, O kaya threatened siya... Minsan naman, tinuturing niyang matalik na kaibigan si Harry. Lalo na nung mga first to second month ni Harry dito sa school, tas nang magtagal, eh naging... Ganito na siya, naiinis ag nakakarinig ng Harry.. 

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon