---o---

8 0 0
                                    

"Ma ... Pakiano nitong zipper oh. Hindi ko maabot kasi."

"Wala dito ang mama mo.. may binili lang sa labas. Bakit ano bang kelangan mo?"

"Pakiano ng zipper."

Tiningnan niya muna ako from head-to-toe sabay shrug.. Hay... Tas tumayo siya.. By the way, bihis narin siya.. grabe ang gwapo niya.. Tss.siya na.. kahit anong style naman bagay sa kanya.

"Talikod!" grabe siya

Tumalikod naman ako.

"Nandon ako kasama mo.. Nandun ako~~~~~"

Narinig ko mula sa TV.. Kaya pala.. nahihiya siya dahil Wowowin ang gusto niyang panoorin.

"Ayan.. Alis na tayo."

"Hahahahahaha Wowowin pala paborito mo ha? Bigyan ng Jackie Chan!"

"Hoy!" napakamot nalang siya

"Hahahahahaha! Teka, manghihingi muna ako ng baon kay mama."

"'Wag na...."

"Pero---"

"Hindi naman kita gugutumin."

"Okay."

Oh bumait na naman siya!

**********************************************************

Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya.. Tapos, inihinto niya kami sa isang mall..

"Anong.. gagawin natin dito?"

"Ibibili kita ng cellphone.."

"May cellphone ako..."

"Tanggapin mo na kasi.."

Tss. Sige na nga. madali naman akong kausap.. Anyways.. Seven years na'to sakin.. Grade 3 pa ako, nasakin nato.. C3 yung model. Ayoko kasi ng touch screen.. Kasi una, nagagasgas, tas pag nagtype ka ng message sobrang tagal mo matapos kasi hindi accurate minsan.. yun bang 'o' ang tinype mo tas 'i' yung lumabas. Kaya love ko ang cellphone ko. Pero dahil blessing narin ang bagong cellphone edi gora !

At nang makalabas na kami sa mall, 6:03 na..medyo madilim narin..

"Cholocate.. "

"Huh?" first time niyang sinambit ang pangalan ko.

"Wala. Ano kasi.. ang ganda ng buhok mo.. "

"Tss.. buhok ko lang? Teka lang, san mo ba talaga ako balak dalhin?"

"Basta."

"Siguraduhin mong hindi makakasama sakin yang basta-basta mo ha."

"Oo nga !"

"At pagkatapos nito isosoli mo na sakin yung ID ko !"

"Yvette !" sigaw ng isang boses. Babae. Nilingon yun ni Yvette at agad nanlaki ang mata niya.

"Tara na !" hinila niya ako. Aray ha !

Agad niyang pinaharurot yung kotse. Hindi man lang ako pinag seat belt.

Hindi ko na siya kinausap tungkol dun sa babaeng tumawag baka kaibigan lang niyang pinagkakautangan niya.. Halatang na badtrip siya dun.. Ayan nafeel niya rin ang nafifeel ko tuwing nakikita ko siya. Nakakabadtrip din kaya siya..

**************************************************************************************

Nandito na tayo, pinark niya ang kotse sa harap ng isang restaurant. Nakakaexcite to ah.. Kakain kami. Woooohoo !

"Ma!"

"Oh, Yvette eto na ba ang date mo. Well, hello gorgeous young lady.."

Kaplastikan bayun? Oh baka sincere siya. Pero ako gorgeous? at young? Eh losyakitong na nga ang pagmumukha ko.. Stressful ang life ko..

"Good evening po."

"Sit..." sabi ng mama niya. Mukha naman siyang mabait, mataray nga lang yung kilay. hihihi.. Pero okay siya.

"So..anak. Pwede mo bang ipakilala ang maswerteng dalagang bumihag sa'yong puso."

"Siya po si................." Oh my God. Ang pangit ng name ko.. "Cate."

"Oh Kate.."

"With a C po.. Cate with a C.."

"Oh.. I see, unique ang pagkakaspell huh.. Parang Catering.."

Natawa siya eh ayun, tumawa nalang din ako.

"Ma, ano po bang dahilan at pinapunta mo kami rito?" Oh.. Hindi niya rin pala alam kung bakit.. Eh di dapat yung syota niya nalang yung pinasama niya. Bakit ako pa? Eh medyo may asal-kanto ako eh. Hindi ko abot ang standards nila..

"Ah... actually, kailangan ko ng baby-sitter."

kailangan ko ng baby-sitter

ailangan ko ng baby-sitter

ilangan ko ng baby-sitter

langan ko ng baby-sitter

angan ko ng baby-sitter

ngan ko ng baby-sitter

gan ko ng baby-sitter

an ko ng baby-sitter

n ko ng baby-sitter

ko ng baby-sitter

ko ng baby-sitter

o ng baby-sitter

ng baby-sitter

ng baby-sitter

g baby-sitter

baby-sitter

baby-sitter

aby-sitter

by-sitter

y-sitter

-sitter

sitter

itter

tter

ter

er

r

....

She needs a what?!!!!!!!!!!!!!!

A baby sitter.

Na offend ako, really.

Eight Reasons To Hate You (O.C.T.A.H.A.T.E.)Where stories live. Discover now