Di ako sumagot, pero hinayaan ko na lamang na umiyak ako sa harapan nila. "Sofia, anak" lapit sa akin ni daddy.

Kaagad kong tinabig ang kamay niya, "Kasalanan mong lahat ito!" Sigaw ko sa kanya tsaka ako mabilis na tumakbo patungo sa aking kwarto.

Umiyak ako ng umiyak buong magdamag. Nakabantay din ako sa aking cellphone dahil baka tumawag o magtext man lang sa akin si Sir Zach pero wala. Nakatulala lamang ako sa pader hanggang sa masilaw na ako sa sikat ng araw.

Umaga na pala at ni hindi man lang ako nakatulog. "Sofia! Bumangon ka na diyan!" Sigaw ni mommy sa labas ng aking kwarto at halos sirain na niya ang aking pintuan.

Nagtalukbong ako ng kumot at di siya pinansin. Maya maya ay nawala na din naman ang ingay pero napabalikwas ako ng hilahin nito ang kumot na nagtatakip sa akin. "Bumangon ka na!" Utos niya.

"Ayoko na pong pumasok" sagot ko at muli ay napaiyak nanaman ako.

"Tumawag ang school niyo, pwede ka pa rin daw pumasok...ayusin mo ang problema na to Sofia, ipakita mong nagsisisi ka sa maling nagawa mo" pangaral nito sa akin.

Kaagad akong nagulat dahil sa kanyang sinabi. Inaasahan ko ng di na ako makakabalik sa school pero bakit parang iba ang nangyayari ngayon.

Ayoko sana talaga pero di ako tinigilan ni mommy hanggang sa di ako kumikilos. Ikang beses din akong nakiusap sa kanya pero di niya ako pinakinggan, ang gusto niya ay pumasok ako sa skwelahan na yon gayong anduon ang babaeng halos inakusahan akong para isang bayarang babae kagabi.

Gusto ako lapitan at damayan ni lola, pero gusto ko munang umiwas sa kanila ngayon. Di na rin ako nakatanggi ng nagpresinta sina mommy at daddy na sila ang maghahatid sa akin sa school ngayong araw kaya naman nahimik na lamang akong naupo sa likurang upuan.

Bumaba din silang dalawa dahil kakausapin daw nila si Dean Olive. Tinatawag pa ako ni mommy pero di ko siya pinansin, pagkapasok sa university kaagad akong humiwalay sa kanila at tinahak ang daan patungo sa room.

"Sofia..." nagaalalang tawag sa akin ng aking mga kaibgan. Isa isa nila akong niyakap at kaagad nag sabi ng kung ano anong bagay na pangpagaan ng loob ko.

Di nakatakas sa akin ang kakaibang tingin ng mga professor ko sa mga sumunod pang mga subject, alam ko namang kalat na sa buong school ang issue. Buti na nga lang at di na sila nagsalita at nagkomento pa, di ko na din kasi alam ang isasagot ko sa kanila o kung gugustuhin ko pa bang sagutin sila.

Wala namang kumausap o pumuna sa akin pero batid kong pinaguusap ako ng mga nakakasalubong ko. Lunch break na kaya naman nagyaya ang mga kaibigan ko na kumain na kami.

"Mauna na kayo, may dadaanan lan..." di na ako pinatapos ni glayn ng kaagad siya nagsalita.

"Wala diyan si Sir Zach Sofia...wala siya diyan" may bahid ng kalungkutan ang boses ni glayn ng sabihin niya iyon.

Di na ako kumontra pa dahil tama na siguro na kahit minsan ay makinig ka sa mga kaibigan mo.

"How's life, Sofia?" Tanong ni Lyndi sa akin ng maiwan kaming dalawa sa table ng umorder na ang mga kaibigan namin.

Tiningnan ko lamang siya, di ko alam kung sasagutin ko ba siya i hindi, mapangasar kasi ang mukha nito na parang kinaiinit ng aking dugo.

"Sikat na sikat ka na sa buong school ha, bakit hindi natin itry pagkakitaan yung vide..." di ko na siya pinatapos at kaagad ng lumipad ang palad ko sa kanang pisngi niya.

"How dare you!" Sigaw niya na nakaagaw ng pansin ng halos lahat ng taong kumakain dito sa restaurant.

Ang mga kaibigan namin ay kaagad na nagsitakbuhan pabalik sa table.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now