TLH2: Chapter 30

En başından başla
                                    

"Thes, ano ba nangy--"

Napatulala ang babae ng makita ako. Sumunod naman na tumingin ang lalaki at biglang nandilim ang mukha.

Hindi ako pwedeng magkamali. They are Eunica's parents.

Tumayo si Domingo at akmang lalapitan sana ako ng bigla itong pinigilan ni Thes.

"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Matigas na sabi ni Domingo.

I calmed myself and think of what to say. I knew this day would come.

"Alam mo ba kung kaninong pamamahay ito?"

"Mang Domeng, magpapaliwanag ho ako."

Lalong nagdilim ang mukha nito. Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Domeng at kinuwelyuhan ako. "'Wag mo akong tawagin ng ganyan na para bang wala kang ginawa sa anak namin!"

"Mahal! Huminahon ka."

"Hihinahon lang ako kapag wala na ang lalaking iyan sa harap ko!" Sagot nito sa asawa pagkuwa'y humarap sa akin. "Ano? Magsasalita ka ba?!"

Tinitigan ako sa mata ni Domingo. Punong-puno iyon ng galit.

"What's going on here?"

Lahat kami ay napatingin sa nagsalita. It was Eric.

Eric's eyes went to Domingo and to me. Just by our actions, halata na kung ano man ang nangyayari. He walked towards us at nagulat ako ng hinawakan ni Eric ang kamay ni Domeng na nasa kwelyo ko. Kahit ang mag-asawa ay nagulat sa inakto nito.

"Domingo, huminahon ka. Pag-usapan natin ito ng maayos."

Hindi makapaniwala si Domingo sa sinabi ni Eric. Humigpit ang hawak nito sa akin at napa-angat pa lalo ang ulo ko.

"Kilala mo ba kung sino ito, Eric? Ito lang naman ang lalaking nanakit ng lubos at nang-iwan sa anak natin!"

Eric sighed. "I already know him. Ang mabuti ngayon ay mag-usap tayo ng maayos. Lahat ay nadadaan sa maayos na usapan."

Naningkit lalo ang mga mata ni Domingo. Hinawakan ni Thes ang braso nito para sana ay kalmahin.

"Mahal, tama si Eric. Pwede natin ito pag-usapan ng maayos."

"Believe me, Domingo. The first time I saw this man, I want to punch him right in the face. But, wala naman magagawa iyon. It's still better to talk."

Huminga akong malalim. "Sir, kung gusto niyo po akong saktan, tatanggapin ko po. Pero sana ho ay pakinggan ninyo ang sasabihin ko."

The tension around the place is getting worse. Domingo's grip tightens even more. All I can in his eyes is the grudge against me. Totoo 'yung sinabi ko na handa akong masaktan kung kapalit naman nito ay ang pakikinig nito sa akin. Seconds after, I can feel his grip loosening at nakakahinga na din ako ng maayos hanggang sa tuluyan nang mawala ang kamay nito sa kwelyo ko.

"Umpisahan mo nang magsalita. Pero bago iyon..."

Too late for me to realize what just happened. Sa sobrang bilis ay napa-upo ako sapo ang mukha ko.

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin