TLH2: Chapter 25

6.7K 154 2
                                    


"Are you sure about this?" Muli kong tinignan si Ivan. He's worried and I know why. I took a deep breathe before answering.

"Yeah. Pang-ilan mo nang tanong 'yan." Nakangiting sagot ko dito.

We stopped on our tracks and he stood in front of me. I gazed up on him and he puts his hand on my shoulders. "Babe, it's okay if you're not ready yet. I don't want to force yourself. I understand you."

"Ivan, don't worry about me. I can do this. Besides, this is my choice. "

May pag-aalinlangan pa din sa mga mata nito. "Don't get too carried away, Eunica. Hindi biro ang pinagdaanan mo. "

I smiled at him. "At hindi ko rin hiniling na mangyari ito sa kanila. Ivan, please don't think like that. You know me."

Ilang minuto kaming nagkatitigan ni Ivan bago ito napabuntong hininga. "Okay. Just remember, I'll be at your side no matter what happens. I won't leave you."

Mabibigat na hakbang ang nagagawa ko habang papalapit kami sa kaninang kwarto kung saan naroroon si Celine. Hindi ko din mapigilan ang puso ko sa pagtibok ng mabilis. It feels like rats are racing in my heart. We stopped by a door. Napahigpit ang paghawak sa akin ni Ivan sa kamay. We looked at each other and I smiled to ease the tension.

Hinawakan ni Ivan ang door knob at unti-unting pinihit ito. Nakita kong napalingon si Felipe sa gawi namin bago ako hinarangan ni Ivan. Nauna itong pumasok habang ako ay nasa likod nito. Napatayo si Felipe.

"Ivan, anak."

Ramdam ko ang bigat sa kalooban ni Ivan. Mabibigat ang paghinga nito. At kahit ako pakiramdam ko ay hindi din ako makahinga. Matagal na din kaming hindi nagkikita.

Napansin kong lalapitan sana ni Felipe si Ivan nang magulat ito at napatigil when Ivan pulled me from his back to his side. Nagtama ang mga mata namin at kita ko ang paglaki ng mga mata nito. Probably not expecting this will happen.

"E-Eunica.."

I don't know how to react so I just gave him a slight smile. Akmang lalapitan ako nito ng magsalita si Ivan.

"We won't be long. She just wants to talk to you both." Sa seryoso at nakakapanindig balahibong boses na sinabi ni Ivan.

Hindi nakapagsalita si Felipe at mukhang naguguluhan ito. I looked at Ivan, seryoso lamang itong nakatingin sa ama. Hinawakan ko ito sa braso and it didn't take long to turn his sight to me. I smiled at him, nakita ko ang paglamlam ng mga mata nito.

"Ivan? E-Eunica?"

Pareho kaming napatingin ni Ivan sa nagsalita. Kahit mahina ang boses nito ay sapat para marinig namin ito. Nagtama ang mga mata namin at tulad ng asawa nito ay hindi rin makapaniwala sa nakikita niya. I was about to take a step when Ivan hold me back, tinignan ko ito, nauna itong maglakad ulit sa akin papunta sa kama ng kanyang ina.

"H-Hon, can you please help me up?"

Nagulat ako ng pinilit tumayo ni Celine sa pagkakahiga nito. Kita ko ang hirap sa mukha nito. Agad naman napalapit si Felipe dito para alalayan ito at isinandal sa headboard ng hospital bed. Felipe stayed at Celine's other side.

Huminga akong malalim at bumitaw sa pagkakahawak ni Ivan sa akin. Lumapit ako dito. Mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko. Ramdam ko ang namumuong tensyon sa paligid. As I looked at Celine, ibang-iba na siya ngayon. She looks so thin, pale and weak. Malayong-malayo sa pagkakakilala ko sa kanya.

"E-Eunica..Eunica hija, ikaw nga." Sa hindi makapaniwalang sabi ni Celine ng tuluyan akong makalapit sa higaan nito.

Hindi ako sumagot dahil unang-una hindi ko alam ang isasagot ko. Matagal ko din pinag-isipan ang gagawin hanggang sa I came to a realization that I should let go of things that will hinder my happiness.

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 Donde viven las historias. Descúbrelo ahora