TLH2: Chapter 29

5.7K 126 2
                                    

"Anak, okay ka lang ba? Kanina ka pa paikot-ikot riyan. Nahihilo na ako sa'yo."

Napalingon agad ako kay Mama. Nakaupo ito sa couch at nakatingin sa akin ng may pagtataka sa mukha nito while Ivo is playing with his cars. I breathe heavily bago ngumiti dito.

"Okay lang po, mama. Pasensya na po."

"Halika nga rito at maupo ka."

Kumalabog bigla ang dibdib ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko pero tinatagan ko yung sarili ko and acted casual. Hindi ko puwedeng ipahalata na kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil anytime nandito na si Ivan sa bahay. Routine na niya na palagi siyang dumadalaw dito after work. Kaya kinakabahan ako dahil hindi pa alam nila Mama at Papa ang totoo sa amin.

I sat beside her. "Bakit po, ma?"

Hinawakan ako sa kamay ni Mama bago tumingin sa mga mata ko. "Sabihin mo sa akin, anong gumugulo sa iyo? Anak, kilala kita. Kahit hindi ka nanggaling sa akin, kilala kita mula ulo hanggang paa."

I tried my best to laugh to lighten what I am feeling. "Si mama naman. Okay nga lang po ako. May iniisip lang po ako."

"Ano naman iyon?"

Napakagat labi ako. Hindi ako sanay na nagsisinungaling kay Mama. "T-Tungkol lang po s-sa trabaho."

Hindi agad sumagot si Mama at parang tinitignan niya pa kung nagsasabi ako ng totoo. Sobrang bilis na din ng tibok ng puso ko.

"Mama!"

Para akong nakahinga ng maluwag ng biglang tumayo si Ivo. Then Mom came in with a smile on her face. Tumayo ako and gave her a kiss on the cheeks.

"Mom"

"Hello darling" Mom said then turn to Ivo. "How's my favorite grandson?"

"I'm good, mama. Me and Lola are playing."

"Charie, nandito ka na pala." Mama said and gave Mom a kiss too.

"The cooking smells good, Thes. Pero dapat pinaubaya mo na sa mga maids iyon. "

"Ay naku, Charie. Okay lang ano. Tumulong din naman sila. "

"Ikaw talaga. Masyadong mabait. Alam ko na kung kanino nagmana itong si Erin." Natatawang sabi ni Mom.

"Naku, nasa lahi niyo na kaya ang mabait."

At nagtawanan silang dalawa. Sabay naman nu'n ang pagtunog ng phone ko. Nagulat ako ng makita kung sino ang tumatawag. I excused myself to pick up the phone and went to the garden.

"Ivan"

"Hi babe, how are you?"

"I'm fine. Tapos na ba ang trabaho mo?"

"Why? Missed me already? 'Cause I do."

I want to roll my eyes but I couldn't help but feel my cheeks burning. "Just answer me, Ivan."

He chuckled. "Easy, babe. I'm actually on my way there. Just 20 minutes away"

I bit my lip. Shit! Malapit na pala siya, hindi man lang niya sinasabi. Hindi ko pa man din napagtatapat kay Mama at Papa ang totoo. I need to think of way to delay Ivan's arrival. Think, Erin. Think!

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon