TLH2: Chapter 15

7.3K 135 3
                                    

Nagising ako ng parang may humahalik sa mukha ko. I smiled as I buried my face to my pillow. Hindi pa din natitigil ang paghalik sa akin.

"Mommy.."

The kisses disappeared I almost jumped out of bed when I felt Ivo's fingers poking my waist. Malakas ang kiliti ko pero sinikap kong wag magpahalata.

"Mommy wake up! Up! Up!"

Mas lalo akong kiniliti ni Ivo at parang mapupunit na yung mukha ko dahil sa pagpigil ko ng pagtawa. Ang anak ko talaga. N'ung hindi na ako nakatiis, agad akong humarap at niyakap si Ivo na ngayon ay tawa ng tawa. This time, ako naman ang kumikiliti sa kanya.

"Hahahaha! Mommy! Mommy! Stop!"

"You woke up the tickle monster!" I said mimicking a monster's voice.

"Waaaahhh!!! Stop, Mommy! Hahahaha!"

I embraced Ivo tightly and stopped tickling him. The sound of Ivo's giggle makes my day. Ito ang namimiss ko nung pagka-uwi ko galing London. Nasanay ako na palaging ginigising ni Ivo sa umaga kaya nung umuwi ako, hinahap-hanap ko.

"Good Morning, Mommy!" Masiglang bati ni Ivo.

I kissed Ivo's hair. "Good Morning, baby. Ang aga mo naman magising."

"Because we're going to mall today! I'm so excited, Mommy!"

Natawa ako. "Alright, alright. But first, where's my good morning kiss?"

He reached for my face and gave me a kiss. "Hm! Ang sarap naman!"

Ivo giggled pagkatapos ay binuhat ko na ito patayo ng kama. Agad naman kumalas sa akin si Ivo at naunang maglakad palabas ng kwarto ko. Nagtungo ako ng banyo para mag-ayos bago bumaba para mag-breakfast. The clock on the wall says it's 6:30 in the morning. Napailing ako, ngayon palang nakauwi ng Pilipinas si Ivo kaya hindi na ako nagulat na maaga itong magigising because of the sudden change of time zone.

Pagkababa ko ay naabutan kong nakaupo na sa dining room sila Mommy at si Ivo.

"Good Morning!"

Naupo ako sa tabi ni Ivo. Inilapag naman ng Yaya niya yung gatas nito. I sliced his pancakes into pieces. Ganito palagi ang ginagawa ko kay Ivo kapag kakain kami. I make sure that he eats the right amount of food. Dahil kailangan niya yun.

"Ivo?!"

Agad naman kami napalingon sa nagsalita.

"Tita Serene!" Ivo said.

Serene ran to Ivo and gave him a hug. "Oh, my! Nandito pala ang baby namin. Mou leipeis!" Then kissed Ivo. Mou leipeis is the Greek word for 'I miss you' Our family is half Greek. Nagulat pa nga ako noon dahil sa nalaman ko. Hindi nagtagal, natuto din ako magsalita ng Greek language. Kahit si Ivo ay marunong din.

"Ki ego, Tita! Where's Tita Alice?"

And as of cue, biglang lumitaw naman si Alice na mukhang kakagising lang. Halatang nagulat ito ng makita si Ivo at kagaya ni Serene, agad din itong lumapit kay Ivo. Pinagmasdan ko lang sila, tuwang-tuwa sila na makita nila si Ivo. Hindi ko naman sila masisisi dahil ngayon nalang naman nila nakita ulit ang pamangkin nila. Kasama si Alice nung pumunta sila London para sa birthday ni Ivo kaya kilala na din siya nito. Pagkatapos nila kay Ivo ay lumapit sila kay Mamita para magmano, pagkatapos ay naupo na din at sumabay sa amin sa pagkain.

Masaya kaming kumain na magkakasabay. And Ivo keeps on talking and talking pati nga ang pagpunta namin sa mall ngayon ay sinabi niya na din at aliw na aliw naman sila sa mga kinukwento nito kahit na puro tungkol sa mga toys niya. Some are about his school. Ivo is currently on pre-school already. Like I said, Ivo always excelled in his studies and I couldn't be more proud of.

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 Where stories live. Discover now