TLH2: Chapter 11

8.2K 155 0
                                    

Erin's POV

"Yes, Mrs. Montemayor I am looking forward on that. Oh I see. How about on Thursday at 1:30PM? That will be great! Same venue?. Oh okay. Very well then, I'll be seeing you. Sure. Bye."

As soon as I put my phone down ay agad napadako ang tingin ko sa desk ko and my eyes widened at napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang tangkay ng long stem tulip sa ibabaw ng table ko. I picked it up at namula ang pisngi ko nang makita ko ang nakasulat sa card. Bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi ko alam.

Napaupo ako sa swivel chair ko habang nakatitig sa tulip na hawak ko. It's just a simple tulip with a Good Morning message attached to it yet I'm feeling like a teenager. Lihim akong napamura sa isip ko. Why does Ivan affects me this much? I just remembered his message last night. Hindi nga ako nakatulog nang maayos nu'n! Bigla nalang nawala yung antok ko.

Pero paano nalaman ni Ivan 'yung number ko? Hindi naman ipapamigay basta-basta ni Danni ang personal number ko nang hindi niya sinasabi sa akin.

"I'll do whatever it takes to take you back, Eunica."

Yeah, right. What do I expect? Ivan and his resources! Ni-hindi na nga sumagi sa isip ko noon kung saan niya nakuha ang mga information ko about my true identity. My mind was locked to the annulment paper that time. Speaking of it, wala pa rin akong balita about sa annulment namin from Stanley. I'm sure maayos naman niya inaasikaso iyon.

I just hope matapos na ang pagprocess ng annulment namin para wala na din laban sa akin si Ivan. But you just give me him another chance, Erin! Iniling ko ang ulo ko. I didn't give him a direct answer yet! I can still say No to him. Or just say yes to him. I cursed the other part of my mind. I sighed. I still have the final decision. Right. I should be thinking like that.

"Erin, are you okay?"

Napabalikwas ako sa upuan ko nang biglang may nagsalita. Tumingin ako dito and confusion was on his face. Napalunok ako at muling inayos ang sarili ko. I cleared my throat.

"K-Kuya! What brings you here?"

It took him seconds before he answered. "Kanina pa ako nandito, it seems like you're idling." Mataman naman niya akong tinignan.

"Huh? H-How come?"

Kuya shrugged his shoulders at napatingin naman sa kamay ko kung saan hawak pa pala ang tulip na galing kay Ivan. Agad ko naman itong itinabi. And I think I saw my brother smirked.

"Ang aga naman niyan." Hindi ko alam kung sinasadya ba niya iparinig sa akin iyon o binubulong niya lang sa sarili niya. Well, if it's the latter part, malinaw naman sa pandinig ko.

"Any way, going back. I came here to inform you about the company outing."

There's an upcoming company outing na gaganapin sa isa sa mga rest house ng partners ng TGC. I don't know yet kung saan pa ito. I know that there'll be an outing for the staff, usually sa isa sa mga resthouse namin ito ginaganap but for this year I heard it'll be in one of the rest house of one of the partners that we have. I don't have any idea who and why. I had attended once when I was in London but I didn't stay long. Kailangan ko din umuwi agad for some personal reasons.

My brows raised. "Oh. Should you be announcing that to everyone?"

"Yes." Simpleng sagot nito.

"Then why bother coming in here?"

Kuya grinned at me. And by his looks, may kung anong kalokohan ang nasa isip nito. "Bawal ba? Or baka naistorbo ko yung pagmumuni mo kanina?"

Napaangat ang kilay ko at inisip kung ano bang tinutukoy nitong kapatid ko. Awtomatiko namang nag-init ang mga pisngi ko at ang loko ay tawa ng tawa. I rolled my eyes.

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon