TLH2: Chapter 21

7.2K 140 1
                                    

Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang boses na 'yon. Agad ko naman nakita kung kanino nanggaling iyon.

"Kuya!  Bakit ka ba nanggugulat?"

My brother smirked at nakisandal din ito sa pinto. "Who would've thought this day will come?"

"Expect the unexpected." Simpleng sagot ko.

"What made you let this happen?"

I sighed. "Hindi ko din alam. Pero..."

"Pero ano?"

Napaangat ako ng tingin "There's something about what he said to me."

"And that is?"

I remembered what Ivan said to me.

How can I be mad to the woman who gave birth to my children? Who conquered all the pain of labor alone?

Napatingin ako kay Kuya at bigla naman akong umiwas dahil pakiramdam ko namumula ako. Hindi ko alam kung bakit ganon ang epekto sa akin ng sinabi ni Ivan.

"Let me guess? Does that 'something' touched that stone heart of yours, little sis?"

Tinaliman ko ito ng tingin pero nginisihan lang ako nito. I rolled my eyes. "Whatever, Kuya."

"Eh bakit namumula ka?" Asar pa nito.

"Mainit kase!" Sabi ko dito at pumasok na muli ako sa kwarto ni Ivo. Bakit kasi pumasok sa isip ko 'yung sinabi ni Ivan? Nakita pa tuloy ni Kuya 'yung pamumula ko.

Nilapitan ko yung mag-ama na nag-bubuild ng lego cars. I rolled my eyes, they really loved cars.

"Ivo, stop na muna yan. Let's eat dinner first. Iinom ka pa ng gamot."

Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin ni Ivan pero agad akong umiwas dahil naalala ko nanaman yung sinabi niya sa akin.

"But, mom! I still want to play with Daddy."

Umiling ako dito. "'Wag na matigas ang ulo."

Ivo pouted. "Daddy! Please tell Mommy we will play pa."

Nagkatinginan kami ni Ivan, at alam naman niya siguro ang gusto ko mangyari kaya tumayo na din siya.

"C'mon, sport. Mommy said you need to eat." Ivan said pagkatapos ay kinarga niya na ito.

"You'll eat with us too, Daddy?"

Ivan looked at me. "Daddy will eat with you too. Okay?"

"Yehey! Let's eat! Let's eat!"

Lahat kami ay tahimik na kumakain at tanging si Ivo lang ang nagsasalita. I know, lahat sila ay nagulat nang makita nilang sabay sabay kaming tatlo na bumaba sa dining room. But my family remained quiet. Si Mommy at Kuya palang ang nakakaalam kaya sila na din nagsabi sa iba na manahimik nalang muna. Maganda na din ito because I don't want to ruin what happened today. Maapektuhan lang si Ivo and I don't want that to happen.

Pagkatapos namin kumain ay pinainom ko na ng gamot si Ivo. Si Ivan naman ang naglinis ng katawan niya. Sinabihan ko nalang si Ivan na 'wag magtatagal sa banyo dahil makakasama iyon kay Ivo.

"Mommy! Mommy! Can I play with Daddy before I go to sleep?"

Binibihisan ko na si Ivo nang bigla itong nagtatalon sa kama. "Ivo! Stand still."

"Mommy, Daddy, I want to play!"

I combed Ivo's hair with my hands. "Baby, it's already your bed time. You can play tomorrow."

"But Mom!"

"No, buts, Ivo Enrique."

Ivo pouted at pabagsak na napaupo sa kama niya. Even his bed is shaped like a car. He folded his arms over his chest. I sighed at naupo sa gilid niya. Niyakap ko nalang ito.

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 Where stories live. Discover now