TLH2: Chapter 9

7.4K 155 4
                                    

Ivan's POV

Hinigpitan ko ang yakap ko kay Eunica. She's crying so hard and it kills me. Paulit-ulit niyang sinasabi ang mga salitang 'Tama na', 'Please, tama na'. And I don't even know why. Sobra akong nagagalit sa sarili ko to see her like this. Kung hindi ko siya iniwan papuntang Chicago, ay hindi mangyayari sa kanya ito. Kasalanan ko 'to. Pinangako ko na hindi ko siya sasaktan pero mali ako. Nasasaktan ko na pala siya. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad kay Eunica. Mas nasasaktan ako dahil sa nakikita ko ngayon.

"Bitawan mo ako!"

Nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Eunica kaya napahiwalay siya sa akin. Her eyes are red at patuloy sa pag-agos ng mga luha sa mga mata niya. I want to kiss those tears away. Mostly, I want to take her pain away.

"Eunica. Please stop crying."

"Umalis ka na! I don't want to see your face ever again!" Basag na ang boses nito.

I felt my heart is slowly crushing into pieces. No.. Eunica please. I can feel the hot tears in my eyes.

"Don't do this, Eunica. I love you!"

Natigilan siya but my world crashed when I see pain from her eyes.

"Y-You don't love me. Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan! H-Hindi mo hahayaang masaktan ako. Lalong hinding-hindi mo hahayaang mawala ang baby ko!"

The last words that she said made me struck from where I was standing. Napatulala ako. Hindi mag-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. M-my child? Nawala ang baby namin? Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halo ang emosyon ko. I can't believe what she just said.

"W-What? No! T-That's not true!"

Eunica looked at me. "I wished it wasn't. T-They killed our baby, Ivan! They killed Bella!"

Napasabunot ako sa buhok ko. Naguguluhan ako. Hindi maari! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Para akong sinasaksak sa mga nalalaman ko ngayon. Nilapitan ko si Eunica at hinawakan sa balikat. Niyugyog ko ito.

"No! Hindi patay ang anak ko! Sinasabi mo lang 'yan!"

Umiiling na nagpupumiglas si Eunica at pilit na kumakawala sa mga hawak ko. "Totoo ang sinasabi ko, Ivan"

Tinignan ko sa mga mata si Eunica at nasaktan ko ng makita kong nagsasabi ito ng totoo pero hindi pa din ako makapaniwala. Buhay ang anak ko! Hindi ito p'wedeng mamatay!

"P-Pero you left with another man at dinamay mo pa ang anak ko. Sabihin mo sa akin Eunica kung nasaan talaga ang anak ko! Tell me the goddamn truth!"

Sa nanlalaking mga mata ako tinignan ni Eunica at nakaramdam ako ng sampal mula sa kanya.

"I-I never cheated on you! Ikaw ang nanloko! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang baby ko! Ikaw! Ikaw! Ikaw!"

Pinagsusuntok niya ako sa dibdib ko pero wala akong maramdaman. Namamanhid na ang buong katawan ko sa mga nalaman ko. Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ni Eunica 'to. Pero may isang banda ng utak ko na sinasabing totoo ang mga sinasabi niya but the other part of me tells me otherwise. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga impormasyong nalaman ko.

"W-We s-saw y-you on TV, Ivan. Y-you were with someone e-else." Paos na sabi nito.

I tried to remember what she said. It's been so long, hindi ko na alam kung ano ang tinutukoy niya.

"B-Baby, what? I don't know what you are saying."

Her bloodshot eyes looked at me and it felt daggers pinning on my chest.

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें