"Kawawa ka naman Sofia" sabi niya sa akin.

Di ko kailangan ng awa nila ngayon kaya naman nanatili akong tahimik sa aking kinauupuan.

"You may now go" anunsyo ng prof namin na di ko man lang namalayang tapos na pala.

Tatayo na rin sana ako ng muli siya magsalita. "May I talk to you for a while, Ms. Hernaez?" Malumanay na sabi nito.

Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko, kaya naman tinanguan ko na lamang sila. "Sa labas lang kami" sabi ni rea.

Inubos muna ni sir lahat ng classmates ko bago niya ako inutusang lumapit sa kanya.

"What happend? Ano bang meron sa pagitan niyo ni Sir Zach? Did he force you...tinakot ka ba niya?" Nagaalalang tanong nito.

Mas lalo tuloy akong napaiyak at napailing na lang. "It's impossible na gusto mo rin ito Ms. Hernaez, masyado ka pang bata sa kanya, tell me did he force you?" Pagpupumilit niya.

Mariin akong napapikit at umiling. "Mahal ko po siya, Sir...mahal po namin ang isa't isa" sagot ko na ikinatahimik niya.

"That was against the law, Ms. Hernaez...alam mong bawal yan sa university, hindi yan tinotolerate dito" sermon niya sa akin.

Mabait si sir Nieva, pero para siya ngayong tatay ko habang sinisermonan ako.

"Alam ko po..." umiiyak na sabi ko.

"Hindi niyo na dapat pang pinaabot sa ganito" problemadong sabi pa niya sa akin.

"Hindi po namin to gusto" laban ko.

"Ofcourse! Pero alam mo kung anong mangyayari dito? Mawawala sayo lahat...lalo na ang scholarship mo, mapapatalsik ka dito sa University, sa tingin mo ba itatakwil si Sir Zach ng nanay niya?" Paliwanag niya sa akin.

"Hindi ko po alam ang gagawin ko" frustrated na sabi ko na lamang.

Naunang lumabas si sir nieva sa akin. Pinunasan ko na lamang ang luha ko at tsak kinuha ang bag ko. Pero napahinto ako ng maramdaman kong nagvivibrate ang cellphone ko.

Sir Zach Calling...

Nakatitig lamang ako duon sa tawag niya at kusa naman na iyong namatay. 15 missed calls at ilang mga text.

Where are you? Pupuntahan kita.

Damn it Sofia, answer my calls!

Ilan lamang iyan sa mga text niya sa akin. Di ko iyon pinansin at kaagad na pinatay ang cellphone ko. I dont know what to do.

"Sofia..." nagaalalang tawag sa akin ng mga kaibigan ko.

"Ms. Hernaez to the Dean's office now" salubong sa akin ng dean's secretary.

Parang gustong kumalabog ng puso ko sa sobrang kaba. Para bang gusto ko na lang magbreakdown sa kinatatayuan ko ano mang oras.

Nakasunod ang mga kaibigan ko sa akin. Tuloy tuloy ang pagagos ng luha ko habang tinatahak namin ang hallway. Lahat sila ay nakatingin sa akin na kala mo ay nakapatay o nagnakaw ako.

"Sofia..." naaawang tawag sa akin ng mga kaibigan ko sa aking likuran.

Napakagat ako sa aking labi. Nasa hallway pa lang kami ng isang building, ano pa kaya pag nasa quadrangle na kami.

"Boo..."

"Landi"

"Nasa loob ang kulo!"

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon