Chapter 18 - False Alarm.. again?

Start from the beginning
                                    

“salamat po manang.. sige po.. matulog na po kayo..”

“sige hijo..”

At lumabas na nga si manang.. inumpisahan ko ng punasan si Amie.. sa magkabilang pisngi, sa noo at sa may leeg nya.. inililis ko ung sleeves ng damit na pinahiram ni ate sa kanya hanggang kili-kili nya at pinunasan ko iyon.. sanay naman ako sa ganito, dahil ganito din ung ginagawa ko kay Cathie noo—oh boy.. si Cathie na naman ung naalala ko..

Sa totoo lang.. wala na talaga kong nararamdaman kay Cathie.. simula ng dumating sa buhay ko sa Amie.. aaminin kong sa buong pananatili ko dito sa Pinas, kay Cathie lang naka-focus ung utak ko.. kung paano ko makakalimutan ung sakit na ipinaranas nya sa akin..

Pero, sa isang iglap lang.. dumating si Amie at bigla na lang itong nawala.. ni hindi ko na makapa sa puso ko ung pagmamahal ko kay Cathie at ano mang galit.. ang gusto ko lang namang mangyari, ay kalimutan na ang lahat, maging si Cathie, kasi ayokong isipin ni Amie na mahal ko pa ito..

Napatunayan ko yan kanina nung nasa party kami.. nung binanggit ni Troy ung tungkol sa pag-aasawa ko at ung tungkol kay Cathie.. naramdaman ko ang panginginig ng kamay nya at paghigpit ng hawak nito sa akin.. i knew that it had an effect on Amie..

Kaya itinatak ko na sa utak ko, na ni kahit pangalan ni Cathie ay hindi ko na babanggitin sa kahit kanino at lalong lalo na sa kanya.. sigurado na ko sa nararamdaman ko sa kanya.. ayoko siyang masaktan o saktan ng kahit sino.. basta ang alam ko, sigurado na ko sa naging desisyon ko..

At gagawin ko iyon, sa tamang panahon.. aaminin ko sa kanya iyon, sa lalong madaling panahon..

Tapos na ko sa pagpunas sa kanya, nang idilat nya ng kaunti ang mata nya.. lumapit ako sa kanya ng bahagya at tinanong ko kung anong gusto nyang kainin o kailangan..

“hi-hindi.. hindi ko kailangan un, Kief-- *cough* kieffer.. ano lang.. may extrang jacket ka ba jan? Nilalamig kasi ako eh..”

“jacket? Meron.. saglit lang..”

Lumabas ako ng kwarto, at tumungo ako sa kwarto ko para hanapin ko ung jacket ko dito.. hinanap ko ng hinanap ung jacket ko, pero wala akong Makita.. madami akong nakitang jacket dito pero mga leather jackets lang to o ung jacket kong pang-motor..

Syet! Nasaan na ba un??

Hinanap ko pa iyon, pero wala akong nakita.. gusto ko sanang gisingin si manang, kaso lang nahihiya naman ako.. kaya naman nilabas ko na lang ung makapal kong t-shirt at iyon na lang ang ipapa-suot ko sa kanya.. lumakad na ko at tumungo ulit dun..

“Amie.. di ko kasi Makita ung jacket ko eh.. eto na lang suotin mo.. medyo makapal naman tong t-shirt ko eh..”

“si-sige..”

Tumayo na siya nun at dahan-dahang isinuot saka ulit siya bumalik sa pag-higa nya..pero hindi pa nakakalipas ang limang minuto at idinilat nyang muli ung mata nya na nanginginig..

False AlarmWhere stories live. Discover now