Chapter 51

2.3K 41 8
                                    

Few more chapters, guys! "War in Love" naman ang next!




Enjoy reading, people. xx




-----------------------------------------------------------------




Chapter 51



Sera's Point of View



Day went fast. Kinaumagahan noong kaarawan ko, dumalaw kami ni Eros at Zen sa puntod ng mga magulang ko. Naroon din ang puntod ng kapatid kong si Hera at ng dalawang malapit kong kaibigan na sina Axel at Alice.




Pagkatapos non ay namasyal kami at kumain sa isang mamahalin restaurant. Tinotoo ni Eros ang sinabi niya na pupunuin niya ng magagandang alaala ang kaarawan ko. Sa sobrang saya ko 'non ay parang ayaw ko nang matapos ang araw na kasama ang mag ama ko.





Sa mga sumunod na araw ay naging abala na kami sa trabaho. Palaging isinasama ni Eros si Zen sa kompanya kaya madalas din ang pag punta ng mga pinsan ko 'ron.




Hindi narin naman bumalik ang bobitang si Yna dito sa building dahil si Eros na mismo ang nagbalik ng pera nila. We doubled the price, by the way.




Pake ko sa kanila? Maraming gustong nag invest sa kompanya ko at hindi ko kailangan ang makating Yna na 'yon dito sa kompanya ko!




Imbis na trabaho, magpapakamot sa may asawa na. The hell with her! Subukan niyang manggulo ulit at ako na mismo ang magdadala sa paa ni satanas.




"Are you sure you don't want me to come with you?"    sinilyupan ko si Eros na nasa likuran ko at buhat buhat si Zen.



Bahagyang nakakunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. I rolled my eyes at him.




"Maraming maiiwang trabaho rito, Eros. Uuwi rin naman ako bukas."   I said. Nanatili lang ang titig niya sa'kin.




Ramdan kong ayaw niyang umalis ako, kahit ako rin naman, eh. Pero kailangan kong bisitahin iyong site namin sa Batangas. Nagkaroon kasi ng sunod 'don 'nong nakaraang araw kaya kailangan kong asikasuhin.




"Okay."    pagsuko niya.  "Just be safe. I'll call you every minute, Sera. Huwag mong ilalayo ang cellphone mo sa'yo."   he said.




Ngumiti ako at nilapitan silang dalawa. Una kong hinalikan si Zen sa noo at pinahid ang kaunting luha sa gilid ng mata niya. Gusto niyang sumana sa'kin pero hindi ko siya maaasikaso kaya hindi ako pumayag na sumama siya.




"Don't cry, baby. Uuwi rin si mommy bukas, okay?"    suminghot ang bata at tumango. Lalo akong napangiti dahil sa cuteness ng anak namin.




"Be a good boy, Zen."    I said then pinched the tip of his nose.




"I will mommy. I love you."  




"I love you more baby."  





"Ahem.."   




Naningkit ang mata ko dahil sa OA na pag tikhim ni Eros.





"Where's mine, Sera?"    tanong nito at bahagya pang itinagilid ang mukha na para bang nanghihingi rin ng kiss. I bit my lower lip.





Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon