Chapter 15

2.9K 72 2
                                    

Chapter 15





Sera's Point of View




"Sigurado ka bang ayos ka lang Sera? Kumalat na sa buong university ang tungkol sa kasal niyo.." nag-aalalang tanong ni Alice sa'kon. Bumuntong hininga nalang ako at tumango.


Kagaya nga ng sabi ni Alice, mabilis na kumalat ang balita sa buong university. Simula sa kung sino talaga ako hanggang sa ikinasal kami ni Eros. Nalaman na ng lahat ang sikreto ko pero kahit isa, walang naglakas ng loob para sugurin ako o kahit man lang kausapin ako.


Siguro dahil lahat ay takot sa kayang gawin ni Eros sa kanila..


Ibinalik ko ang tingin ko kay Alice ngayon na busy na mag basa sa libro niya.


"Alice may gusto lang akong malaman.."


Sinulyapan niya ako.


"Hmm sige. Ano 'yon??"


"Did Hera.. really killed Eros' parents?"     kita ko kung paano siya natigilan dahil sa tanong ko.


"A-ano.. Sera ano kasi.."
nag-iwas siya ng tingin kaya napabuntong hininga ako.


So, totoo nga.. Kapatid ko ang pumatay sa magulang ni Eros.


"It's fine.. Travis told me everything."     sambit ko at itinuon nalang ang tingin sa harapan.


Naramdaman ko ang titig ni Alice sa'kin bago siya bumuntong hininga.


"Hindi ko magawang sabihin sa'yo.. Because I still can't believe that Hera can do that.. I mean, she's not that kind of girl.. sobrang hinhin at mabait.."    kuwento niya. Nanatili akong tahimik.


Kahit ako ay hindi parin lubos maisip na nagawa ng kapatid ko ang sinasabi ni Travis..


"Kaya ba bigla ka nalang nagpakasal kay Eros??"


Nilingon ko si Alice. Hindi ko naman kailangan magsinungaling dahil alam kong mabilis maproseso ng utak ni Alice ang lahat.


"Dahil alam niyang kapatid ka ni Hera, maybe he married you for revenge?"


"Well.."     hindi ko magawang sumagot ng ayos dahil kahit ako, hindi ko alam ang dapat isagot sa naging tanong niya..


Kung tutuusin ay may punto si Alice. Baka kaya nga ako pinakasalan agad ni Eros para makaganti??


Hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib dahil sa naisip. As if I can do anything about it? Ako ang pumasok sa gulo na 'to, kaya dapat ako din ang tumapos.


If being married to Eros means saving my sister, gagawin ko. Kahit na sa dulo, alam kong ako ang mahihirapan.


I am doing this for my sister.. nothing more, nothing less.


"I'm telling you Sera.. This is not good! Dapat ay tumakas ka nalang dito! Axel and I...we can help you!"   bakas na sa boses ni Alice ang pag-aalala.


"Come on! We'll help you get out of this university!"     bulong nito pero halata parin ang pagkataranta.


Kulang nalang ay mag histerikal siya na para bang siya ang kinasal. Jusko ang babaeng 'to talaga!


Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon