Chapter 11

3.2K 85 5
                                    

RATED SPG. READ AT YOUR OWN RISK. You have been warned.

Chapter 11



"Sera, let's not play games anymore, shall we?"      malamlam ang mga mata nito at bakas din sa boses niya ang matinding pagod.

Natuyot ang lalamunan ko nang tawagin niya ako sa tunay kong pangalan. So, he knew. Kailan pa??

"What are you talking about?"    ginawa ko ang lahat para pawalain ang ekspresyon ng mukha ko.

Ang parati kong ginagawa kapag may gusto akong itago na nararamdaman. Hindi ko ininda ang panlalamig ng buong katawan ko at nilabanan ko ng tingin si Eros.

Nang hindi ko kayanin, sa gitna ng dalawang kilay niya na lang ako tumitig.

"Are we still going to play dumb here?"   nang-uuyam na tanong nito. Nag tagis ang panga ko.

Shit! Shit! Alam na niya? What the hell? Paano?!

Even though I was on the verge of panicking, I still managed to keep my cool.

Nag-iwas na ako ng tingin at nilampasan siya.

"Hindi ko alam 'yang pinagsasabi mo, Eros. Lasing ka yata??"   saad ko nang bahagya kong maamoy ang amoy ng alak muna sa kanya.

Hindi pa ako nakakalayo ay muli na naman siyang nagsalita dahilan para matigilan ako.

"You really don't take me seriously, do you? You think you can fool me??"

Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. Confirmed. May alam nga siya kung sino talaga ako! Bakit ba hindi ko naisip na hindi biro ang isang 'to? Na hindi tulad ng iba, hindi ko siya basta-basta mapapaikot??

He won't be a dela Vega for nothing.

Humarap ako sa kanya na wala pa ring kahit anong emosyon sa mukha habang siya, kulang na lang ay ngisihan ako habang pinagmamasdan maigi ang mukha ko ngayon.

"What are you talking about? Do you mean I'm not myself?"   sinubukan ko pa ring makalusot pero tanging ngisi lang ang sinagot niya sa'kin.

Humakbang siya palapit sa sa unang pagkakataon, umatras ako. Dahilan para matigilan siya at mas lalong mapangisi nang may mapagtanto.

"Scared?"    nang-uuyam na tanong nito sa'kin at muling humakbang.

"W-why would I be? Nababaliw ka na!"  sigaw ko sa kanya at muling unatras palayo.

Patuloy siya sa pag lapit sa'kin hanggang sa tumama na ang likod ko sa malamig na wall nitong silid. Eros licked his lower lip before cornering me. Para akong kakapusin ng hangin lalo pa nang ilapit nito ang mukha niya sa tainga ko.

"You went to see Achilles Montejo, right?"    nanginig ang tuhod ko nang bumulong si Eros sa'kin.

Amoy na amoy ko ang amoy ng mint at alak niyang hininga at para na akong mababaliw dahil imbis na problemahin ko na may alam siya tungkol sa pagkatao ko, heto ako at nag-iinit ang katawan dahil sa sobrang lapit naming dalawa!

"Anong ginawa niyong dalawa at ngayon ka lang bumalik?"   muling bulong nito at mariin na lang akong napapikit nang maramdaman ko ang tungki ng ilong niya sa leeg ko.

"E-eros."    pigil ko at sinubukan kong itulak siya palayo sa'kin pero mas lalo niya lang idiniin ang sarili sa'kin.

"I put up with everything you did when you came here. Even if you disobey my rules, I turned blind eye. I tried to figure out why you came here to exact your revenge."    bumagsak ang mga kamay niya at isinandal ang noo sa balikat ko. Sobrang lakas na nang tibok ng puso ko dahil sa pinagsasabi niya.  "I did everything I could to keep you safe here and keep the council from discovering your existence."

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon