Chapter 50

2K 42 12
                                    

#64 out of 15.3k stories in Teenfiction
#80 out of 168 stories in Action-Romance
#404 out of 2.33k stories in General Fiction




Tapos 900+ followers! Grabeee! Sobrang thank you sa inyo na walang sawang sumusuporta sa gawa ko. Huhu parang dati lang masaya na ako na may kaunting nagbabasa ng stories ko pwro ngayon, lumampas na siya sa expectations koo! Sobrang thank you, guys! I LOVE YOU ALL!





PS: Be safe always and Godbless us! *sending warm hugs for y'all*





------------------------------------------------------------------------





Chapter 50






Agad kong binuhat si Zen at humarang naman agad si Eros sa harapan namin.



Naging alerto rin ang mga kaibigan ko at humahangos pang lumapit sa'nin sina Leon at Humphrey. Lahat gulat dahil sa narinig na putok ng baril..




"S-sino 'yun mommy?"      nakatakip taingang tanong ni Zen sa'kin habang bakas sa mukha nito ang takot..




"May nakapasok bang hindi imbitado??"     Leon asked.




Hindi ko magawang makasagot dahil sa kaba na nararamdaman..kaba para sa anak ko..at para sa mga inosenteng tao na narito..




Ano nanaman bang kaguluhan 'to??




Natigil ako sa pag-iisip nang mag mura si Eros. He sighed then looked at me.




"He's fucking insane."    sambit ni Eros dahilan para kumunot ang noo ko.




May isinenyas siya sa'kin kaya kahit naguguluhan, sinundan ko ng tingin ang tinutukoy niya.





Naglaho ang kaba na nararamdaman ko at napalitan agad ito ng matinding inis. Ramdam ko kung paano kumulo ang dugo ko habang tinitingnan ang nakangisi na mukha ni Achilles Montejo!




May hawak siyang baril sa kanang kamay niya at ginamit niya pa ito pang kamot sa ulo..



"Sorry...Am I late??"     inosenteng tanong pa nito.



Agad kong ibinigay kay Eros si Zen at halos liparin na espasyo makalapit lang kay Aki. Para naman siyang nakakita ng multo at umatras pa ng ilang beses para lang makalayo sa'kin..



"S-sera! Wait! Hindi k-ko alam na marami pa lang bisita!"     eksplenasyon niya pero hindi ako natinag.



Tangina mo ka! Para akong mahihimatay sa takot kanina tapos nantitrip ka lang pala?!




"S-sera--"      akmang aatras pa siya pero nahagip ko na ang kwelyo niya at agad siyang binigyan ng suntok sa pisngi.




"You stupid motherfucker!"     sigaw ko at pinagmasdan ang paglipad ng katawan ni Aki palayo sa'kin.




Pag bagsak niya sa damuhan ay wala na agad siyang malay. Tumilapon din kung saan ang baril na hawak niya..




Hingal na hingal ako sa matinding inis na naramdaman dahil sa kagaguhan ni Aki!




Dahil sa inis ay hindi ko napansing pinapanood na pala ako ng lahat. At pare-pareho ang ekspresyon ng mga mukha nila...nakaawang ang bibig at gulat dahil sa ginawa ko..




Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon