Chapter 47

2K 42 4
                                    

Chapter 47





Sera's Point of View





"You bought this house?"      gulat na tanong ko kay Eros.



Tumango si Eros habang inaalis ang suot na relo. Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinagmasdan ang kabuoan ng bahay.



Malaki ang bahay na 'to pero mas malaki parin ang mansyon ng mga Cordova. Actually, ilang lakad lang mula rito ay mararating na ang hacienda namin!



"Bakit bumili ka pa rito? Meron ka namang bahay sa Manila ah?"      tanong ko sa kanya.



Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin. Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at ibinaon ang mukha sa leeg ko.



"Malapit sa opisina. Malapit sa'yo.."     bulong nito habang hinahalikan ang leeg ko.



Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sa ginagawa niya. Hindi na ako nakapag-paalam kila Bethany kanina dahil abala sila sa pakikipag-sayaw, ganon rin si Finn na mayroong babaeng kausap. Tinext ko nalang si Bethany at sinabing nauna na akong umuwi.



Akala ko naman ay ihahatid na ako ni Eros sa hacienda kaya laking gulat ko nang dito kami dumereto.



Inalis ko ang pagkakayakap sa'kin ni Eros nang may maalala. Humarap ako sa kanya at bahagyang hinampas ang dibdib niya. Nangunot naman ang noo nito..



"You almost lost your company! Dahil lang sa'kin Eros!"     pagalit kong sambit.


Nanatiling pokerface ang mukha niya na para bang wala siyang pakialam sa sibabi ko.



"Hindi mo dapat 'yon ginawa! Pati tuloy kayo si Trevo--"



"I don't give a damn Sera."    putol niya sa pagsasalita ko.    "I can lose everything. But not you,"     Eros held my hand.


"Oh God, not you."      sambit nito.


Pakiramdam ko ay sasabog na ang mukha ko sa sobrang init! Sa sobrang kilig!



Bago pa siya muling makapag-salita ay niyakap ko na siya ng sobrang higpit. Naramdam kong natigilan siya pero ilang saglit lang ay mahigpit niya narin akong niyakap.



"Thank you."    sambit ko.   "Thank you for loving me this much Eros..." 



Naluluha nanaman ako lalo pa nang halikan ni Eros ang taas ng ulo ko. I missed this..I missed his warmth.



"I am the one who should be thankful."     bahagya siyang lumayo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.



Sa tagal ng panahon, ngayon ko nalang ulit nakita ang ganitong ekspresyon sa mukha ni Eros. His face were full of happiness and contentment.



"Thank you for coming into my life.."    binigyan niya ako ng isang halik sa noo bago siya muling nagsalita.



"Thank you for making me a better person.."    ngayon naman ay sa tungki ng ilong ko siya humalik.


Hindi na napigilan ng luha ko ang tumulo dahil sa sobrang tamis ni Eros...damn! Sobrang swerte ko dahil pag-aari ko ang lalaking nasa harap ko ngayon.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon