Chapter 18

2.6K 62 1
                                    

Chapter 18





Sera's Point of View



"Babe ayaw mo ba talaga sumama??"    muling tanong ni Finn nang mai-park niya ang sasakyan sa harap ng bahay ko.

"Ihahatid naman kita pagkatapos ng party ni Ivhan.."   si Ivhan ay ang teammate niya na birthday ngayon.



"It's fine babe. Marami din akong assignments na tatapusin e."   sambit ko. Nalungkot naman ang mukha niya kaya mabilis kong inilapit ang mukha ko sa kanya oara bigyan siya ng halik sa pisngi.

Nanlaki ang mata ni Finn dahil sa ginawa ko kaya napangisi ako. Iyon yata ang unang beses na ako ang humalik sa kanya. Hindi kasi ako masyadong clingy at naiintindihan naman ni Finn 'yon kaya kalimitan, sa noo lang niya ako hinahalikan.



"Don't be sad and just enjoy this night with your friends Finn."    malambing na sambit ko. Ako naman ang nagulat dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I love you so much, Sera.."   bulong nito. Napangiti ako.



"I l-love you too."    sagot ko.

Ilang minuto pa kaming nagtagal na magkayakapan bago ako nagpaalam na bababa na. Hinalikan niya muna ako sa noo bago ako bumaba sa sasakyan niya. Hinintay ko pang tuluyang makaalis ang sasakyan ni Finn bago ako sumulyap sa bahay ni Eros. Nandoon ang sportscar niya kaya sigurado akong nasa loob siya. Pumapasok pa ba ang lalaking 'yon??



Puntahan ko kaya siya??


Siguro dapat mag palit muna ako ng damit bago ako pumunta sa kanya? Hmm. Mag shower narin siguro ako dahil baka amoy pawis na ako..



Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay para mag shower at mag palit ng damit. Isang puting shorts at oversized shirt na kulay itim ang sinuot ko. Nag lagay pa ako ng pabango bago ako nagmamadaling lumabas ng bahay. Eksaktong pagbukas ko ng gate ay ang pagtaas ng kamay ni Eros para pindutin ang doorbell ng bahay.


Bakas sa mukha niya ang gulat nang makita ako.



"M-manghihingi sana ako ng kape ulit.."    napakamot siya sa batok niya. Tumango ako at sinenyasan siya na pumasok sa loob.



Kagaya nang lagi naming ginagawa, pinag-iinit ko siya ng tubig habang siya ay kukuha naman ng makakain namin sa ref. Ganyan ang lagi naming gawain kapag pumunta siya dito.. halos araw-araw nga yatang nandito 'yan si Eros at naghahanap ng kape eh. Nasasanay narin ako sa presensya niya kahit papaano.



At isa pa..hindi ko na siya nakikitang nagdadala ng babae sa bahay niya. Tuwing umaga kapag nasa balkonahe ako, nakikita ko siyang nag-eexercise at kapag natanaw siya ako, kakaway siya sa'kin..




"Kinakausap mo ang boyfriend mo na ganyan lang ang suot mo??"

Nilingon ko si Eros dahil bigla nalang itong nagsalita. Kunot noo siyang nakatingin sa'kin habang hawak ang paborito niyang mug.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon