Chapter 40

2K 45 6
                                    

Chapter 40




Sera's Point of View




"Sera my friends are asking if you want to attend the upcoming fashion week? Sa Paris daw ulit gaganapin.."   tanong ng pinsan kong si Humphrey.


Itinigil ko ang pag browse ko sa laptop at sinulyapan si Humphrey. Hawak niya ang cellphone niya habang nakatopless at tanging sweatpants lang ang suot. Kakagaling lang yata ng isang 'to sa gym at dito agad dumeretso sa kwarto ko.

"I told you Humpy...okay na 'yong tatlong beses. Masyado na akong abala ngayon."     sumimangot ang pinsan ko.

"Ako ang kinukulit nila Sera...can you please accept it and save me?"  muli akong umiling.

"Ako na ang kakausap sa mga kaibigan mo para hindi kana kulitin. Ayos na ba?"    doon naman nagliwanag ang mukha niya.

"Mabuti naman..naiirita na kasi talaga ako sa pangungulit nila."   kumento niya kaya natawa ako.

Ano bang bago sa pagiging mainisin ng isang 'to? Meet the most grumpy Cordova living...Humphrey Jax Cordova!

"Grumpy Humphrey! I think you need a girlfriend..kulang ka sa lambing."     natatawang sambit ko. Napailing naman siya.

"Who needs girlfriend? Sakit lang sa ulo ang mga babae.."     sambit nito kaya naningkit ang mata ko.

"Do you want to fucking die, Humpy?"   

"Whatever."    tumalikod na siya pero muli nanaman akong nilingon.  "Also, can you please stop calling me Humpy? It's Jax, Sera!"  

Inirapan ko siya at binalik ang tingin sa laptop ko.


"Whatever you say."    tanging sagot ko. Saglit niya pa akong sinamaan ng tingin bago bumuntong hininga at umalis na.


Ngayon nalang ulit ako nag bukas ng account ko simula nang dumating ako rito sa States. At talagang nalula ako sa dami ng notification sa account ko! Kahit na ang instagram account ko ay binaha rin ng messages at followers request! Tatlong beses lang naman akong sumali sa fashion week ng ilang sikat na designer, pero hindi ko alam na magiging ganito ako ka-sikat agad. Dahil siguro doon sa huling fashion week na dinaluhan ko sa Paris? Simula kasi 'non ay marami nang agency ang nag-alok sa'kin, hindi lang sa pagmomodelo kundi pagiging artista narin..

Hinanap ko ang pangalan ng kaibigan ni Humphrey na isang sikat na designer para sabihing hindi na ako maaring makasali ulit dahil babalik na ako sa Pilipinas. Pagkatapos kong mag-iwan ng message ay nilog-out ko na ang account ko at lumabas na ng kwarto.


Ilang taon na ba ang lumipas? Five years? At sa limang taon na 'yon ay naging maayos ang buhay ko rito kasama ang pamilya ko. Si tita Sam, itinuring na akong sarili niyang anak, ganon din si tito Levi. Sa limang taon din na 'yon ay wala na akong naging balita pa kay Eros.. Naging abala ako sa pag tupad ng pangarap ko at ngayon na ayos na ako, siguro oras na para bumalik sa Pilipinas para tulungan si tito Levi at Leon sa pag-aasikaso sa kompanya namin.


Bumaba ako at naabutan ang dalawang pinsan ko na abala makipaglaro kay Zen. Si tita Sam naman ay paniguradong nagbebake nanaman ng cookies dahil iyon ang paboritong meryenda ni Zen.


Nang tuluyang makababa ng hagdan, doon lang napatingin sa'kin si Zen. Agad na lumiwanag ang mukha niya at malawak na ngumiti kaya kitang-kita ang one seat apart niyang ngipin..


Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon