Chapter 6

3.8K 90 4
                                    

Chapter 6

Tulala lang ako habang hinihintay ang sagot ni Aki sa mensahe ko. Tungkol iyon sa mga impormasyon na gusto kong malaman tungkol sa eskwelahan na ito at sa council. May kutob akong mayroong kakaibang nangyayari sa likod ng Chevalier University at sa mismong council ng underground.

Hindi maiwasang sumagi sa isipan ko ang maaaring dahilan kung bakit hinahayaan lang magpatuloy ng council ang ganitong klaseng eskwelahan. Ganon na lamang ba talaga ang takot nila sa mga dela Vega?? Base sa impormasyon na nakuha at pinag-aralan ko, nito lang din naitatag ang council. Ang mga miyembro nito ang magpapanatiling maayos ang iba't ibang pamilya at mga grupo nito, sa iba't ibang panig ng bansa.

Kung ganon, bakit hindi nila magawang sitahin ang kakulangan at problema sa eskwelahan na 'to? Bakit parang bulag-bulagan sila kahit na maraming estudyante ang napapahamak sa loob nito?

Para saan pa ang pagbuo nila ng organisasyon na 'yan kung hindi rin naman nila susundin at gagawin ang tungkulin nila? Dagdag pa ron, kung talagang lumabag sa batas ang kapatid ko dahilan para hatulan siya ng kamatayan, bakit wala aa council ang humahabol sa'kin ngayon? Hindi pa ba nasasabi sa kanila ni Eros na nandito ako sa eskwelahan niya at nanggugulo?

Isang oras na yata ang lumipas ay wala paring mensahe si Aki sa'kin. Ang huling usapan pa namin ay 'nong ibinalita niyang gising na ang kapatid ko. Iyon nga lang, tahimik lang palagi at hinahanap ako. Gustohin ko mang puntahan siya sa nalalapit na Sabado ngunit napagdesisyunan kong huwag muna ipaalam kay Hera na nandito ako sa Chevalier para maghiganti. Alam kong hindi siya papayag at paniguradong lahat ay gagawin niya para lang paalisin ako rito.  Tatapusin ko na lang muna ang lahat ng plano ko bago ko ipaalam kay Hera ang lahat.

Napag-desisyunan kong lumabas muna ng kwarto ko para mag pahangin. Nakasuot pa rin naman ako ng uniform ko kaya walang problema. Saglit lang din naman ako sa labas dahil baka maabutan din ako ng curfew.

Habang naglalakad sa field, bigla na lang pumasok sa isipan ko si Eros at ang huling pag-uusap namin. Hindi ko alam kung bakit pero bahagya akong nakaramdam ng pagka-konsensiya dahil sa huling sinabi ko sa kanya. Have I gone too far? But I was just being honest, right?

He does not care about other people. There are a lot of bullied students here, and as the owner of this school and the king of underground, he should have made this school a more decent place instead of letting those spoiled brats act like wild animals!

Siya rin ang nag-utos na ipapatay ang kapatid ko, na walang kahit anong rason ang ibinigay. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit may kung anong pumipigil sa nararamdaman kong galit kay Eros??

Dahil sa mga iniisip, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa dulo nitong CU kung saan kaunti lang ang mga estudyanteng tumatambay. Tahimik at tanging hampas lang ng hangin sa mga dahon ng puno ang maririnig.

Natanaw ko ang malaking puno sa 'di kalayuan kaya naisipan kong lumakad papunta doon. Pwede akong tumambay saglit sa punong 'yon para mag pahangin..

At dahil nga sa laki ng katawan ng puno, huli na nang makita kong mayroong estudyanteng nakaupo at nakatambay din doon. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang maamong mukha ni Eros. Natutulog ito habang nakasandal sa puno. Tumama ang hangin sa buhok niya kaya nahawi ang iilang hibla nito na nakaharang sa noo niya.

He's gorgeous, I must say. No one can compete with his physical appearance at this university. Travis and him are like Greek gods who have been punished and sent here to repent.

Bumuntong-hininga ako at doon lang napagtantong kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga habang pinagmamasdan si Eros. I can't help myself. He's truly breathtaking.

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon