Chapter 22

2.6K 64 0
                                    

Chapter 22



Sera's Point of View



"Ayos ka lang ba Sera?"    halong pang sampung beses na tanong na sakin ni Bethany 'yan.



Tumango at ngumiti.



"I'm fine Thany. Pumasok kana sa loob at magpapahangin muna ako habang hinihintay si Aki.."  



Hindi pa sana siya papayag buti nalang at napilit ko siya na pumasok na sa loob. Nagsisimula na kasi ang seremonya sa loob ng banquet hall.



Bumuntong-hininga ako sa limang pagkakataon. Hihintayin ko nalang si Aki para sabay na kaming pumasok sa loob. Pinabili ko kasi siya ng makakain sa restaurant na nasa first floor ng hotel.




"What are you still doing here?"




Napalingon ako sa likuran ko at nakitang nandoon si Aira. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin.. she's wearing a black fitted dress na above the knee ang haba, paired with black killer heels. Nakalugay din ang mahaba at umaalon niyang buhok..



Umayos ako ng tayo para harapin siya.




"I'm not in the mood to fight with you."    bored kong sagot sa kanya at akmang lalampasan na siya pero hinarangan niya ang dadaanan ko.




"But you're in the mood to flirt with my man? Napakalandi mo talaga!"  sigaw nito sa'kin.




Gustohin ko mang patulan ang baluktot na pag uugali ng bobitang 'to pero alam kong makakasama para sa'kin at para sa baby ko..




Noong sinamahan ako ni Aki mag pacheck-up, napag-alaman namin na masyadong maselan ang pagbubuntis ko kaya kailangang mas maging maingat lalo. Hindi ako pwedeng ma-stress dahil posibleng makunan ako.. Iyon din ang dahilan kaya todo bantay sila Aki sa'kin. Hangga't maari ay hindi nila ako pinapalabas ng bahay..




"You know what? Just think whatever you want to think. Bahala ka sa buhay mo."




Akmang lalampasan ko na ulit siya pero hinila niya ang braso ko.. Bumaon ang mahaba niyang kuko sa balat ko. Bwisit!



"Ano ba?!"    sigaw ko at pinilit alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko.



"Kinakausap pa kita wag kang bastos!"    sigaw niya. Nanlilisik ang mata ni Aira kaya nakaramdam ako ng pangamba sa mga kaya niyang gawin..



Ayos lang sana kung hindi ako buntis, papatulan ko talaga ang bitchesang 'to pero please lang.. wag ngayon!



"Anong pakiramdam ha? Anong pakiramdam na ginamit ka lang ni Eros para makalimutan ako??"  



Mariin akong pumikit at pinipilit paring alisin ang pagkakahawak niya sa'kin.. damn it! Sana naman dumating na si Aki! Nauubos na ang pasensya ko..



"Masyado ka kasing feelingera! Tinikman ka lang niya pero hindi ka mahal!"    sigaw pa nito. Naiyukom ko ng matiin ang kamao ko.



"Ako! Ako ang mahal ni Eros!"



Ubos pasensya ko siyang nilingon. I am no saint. I repeat, I am no fucking saint.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon