Chapter 34

2.3K 54 2
                                    

Chapter 34




Sera's Point of View






Some people come into our lives and quickly go, some stay for a while and leave footprints on our hearts, and we are never...ever the same.




Pumasok ako sa Chevalier na iisa lang ang gusto kong mangyari. Ang maipaghiganti ang kapatid ko. Hindi ko inisip na sa pag tigil ko sa loob, marami akong makikilalang makakapagpabago ng buhay ko.




Alice and Axel....they're not just a friend to me. They become my family. Sa saglit na panahon na nakasama ko sila, pinaramdam nila saakin gaano kasarap magkaron ng kaibigan na ituturing mong pamilya. I just helped them once. Pero hindi na nila ako iniwan. Sa saglit na panahon na 'yon, marami silang naituro at naitulong sa'kin.




Hindi ako naniniwala na mayroong taong sasalo ng bala para sa'yo. Pero dahil kay Alice at Axel...nalaman ko na kapag sobrang importante ng isang tao sa'yo, you will do everything...sacrifice everything...for them to live and be happy. Dito ko napatunayan gaano katatag ang pagmamahal ng isang tunay na kaibigan.




Marami kang pwedeng tawaging kaibigan, pero bilang diyan ang sasalo ng bala para sa'yo. Bilang lang sa daliri mo ang mananatili sa tabi mo kapag ikaw naman ang nangangailan ng tulong.




At kapag nahanap mo yung kaibigan na tulad ni Alice at Axel, you are deeply blessed. Dahil sa panahon ngayon, mas mahirap nang makahanap ng tunay na kaibigan.


Their death made me realize a lot. Na matuto tayong pahalagahan ang mga taong totoong nagmamahal sa'tin habang nabubuhay pa sila. Dahil hindi naman natin alam kung hanggang saan lang ang takbo ng buhay nang bawat isa. Appreciate every moments. Dahil hindi habang buhay, makakasama natin ang mga taong nagmamahal sa'tin.





"Are you alright?"     itinaas ko ang tingin ko sa dumating.




Bahagya akong ngumiti kay Travis na tumabi sa'kin.





"I'll be fine."     mahinang bulong ko at ibinalik ang tingin sa dagat.




Dumampi sa balat ko ang malamig na hangin. Papalubog na ang araw kaya't mas lalong naging maganda ang tanawin. Narito kami sa resort na pag-aari ng mga dela Vega. Dito kami susunduin ng chopper bukas pabalik sa Manila.




"Your sister..."     bahagya kong sinulyapan si Travis. Nanatili ang titig niya sa dagat.






"I love her so much.."     bahagya siyang ngumiti sa sinabi.   "Unang beses ko pa lang siyang nakita, nahulog na ang loob ko. I fell really hard, Sera. Hindi ako makabangon! Hindi ko man lang natulungan ang sarili ko sa pagkahulog.."    napailing siya.



"My parents saved her. Napadpad siya sa Chevalier noong nakatakas siya sa humahabol sa inyo. Magkakilala ang mga magulang natin, that's why they took and helped your sister. Ipinakilala siya sa'min ni Eros pero hindi man lang siya nagawang lingunin nito. Pero ako...para bang tumigil ang ikot ng mundo ko nang mag tama ang mga mata namin."




Napangisi ako sa sinabi niya. Eros snobbed my sister? Bata pa lang may attitude problem na talaga si Eros.




"Ayaw ni Hera tumigil sa bahay kaya't sa Chevalier na siya lumaki. At dahil gusto ko siyang makasama lagi, sa Chevalier narin ako nanatili para samahan siya. Hindi mahirap makipag-kaibigan sa kapatid mo dahil sobrang bait niya. Palagi siyang nakangiti na para bang walang masamang nangyari sa kanya."    tumango ako.




Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon