Chapter 4

4K 99 12
                                    

Chapter 4

"Do you prefer tea or juice?" tanong ko kay Alice. Siya iyong babaeng binu-bully nila Eunice kanina sa gymnasium. Isinama ko siya rito sa kwarto ko para magamot ang ilang sugat niya.

Nakatitig lang ito sa'kin na para bang may gustong sabihin. Ilang saglit pa siyang tumitig sa'kin bago naisipang magsalita.

"H-ha? Ano ulit 'yon??"

"I'm asking if you want some tea or juice?" pag-uulit ko at ipinakita pa sa kanya ang lagayan ng tea at juice na nasa small table.

"Water, please. I'm allergic to tea, don't you remember?" tanong nito dahilan para bahagyang mangunot ang noo ko.

Hindi kaya magkakilala si Hera at ang babaeng 'to??

"Oh, right! I forgot!" iniwas ko ang tingin sa kanya bago nagsalin ng malamig sa tubig sa baso.

"My brain and its short-term memory. It's annoying." bahagya akong tumawa kahit na ramdam ko ang tensyon na namumuo sa buong pagkatao ko.

Inabot ko ang baso ng tubig sa kanya bago ako umupo sa couch na nasa harapan niya. Tinanggap niya ang baso mula sa'kin pero pansin ko ang panginginig parin ng kamay nito.

"Are you all right? Dapat ay sinabi mo na lang sa'kin kagabi na ang grupo pala nila Eunice ang naghahanap sa'kin." kumento ko dahil sa tingin ko ay sinadya niyang hindi ipaalam sa'kin na si Eunice talaga ang naghahanap sa'kin kagabi.

Bahagya siyang tumungo. Ramdam kong mabait si Alice at hindi siya katulad ng mga bobitang nag-aaral sa pesteng university na 'to. Dahil kung hindi, bakit siya binu-bully at pinagkakaisan nila Eunice, diba?

Uminom siya ng tubig pero ramdam kong hindi parin siya mapakali habang pasimpleng sumusulyap sa'kin.

"Can I ask something?" biglang tanong nito kaya napatitig ako sa kanya. Hindi na ako nagtaka nang labanan niya ang titig ko kahit na bakas sa mga mata niya ang takot.

"You're now asking though. Anyway, what is it?" pinagapang ko ang kamay ko sa ilalim ng isnag throw pillow malapit sa'kin. Sumandal ako sa sofa habang pinakatitigan siya.

Bumuntong hininga ito na para bang hindi pa sigurado kung magtatanong talaga siya o hindi. Ilang minuto siyang hindi nagsalita kaya nangunot na ang noo ko.

"Is there anything bothering you? Come on, you can tell me. Who knows, maybe I can help you-"

"You're not Hera." she said without hesitation. Tumaas ang isang kilay ko at bahagyang napangisi.

"Silly. That's not even a question."

Kitang-kita ko kung paano siya matigilan dahil sa bahagyang pagtawa ko.

"So you're saying I'm not myself?" kinapa ko ang isang bagay na itinago ko rito sa ilalim ng mga throw pillow.

Ibinaba ni Alice ang hawak na baso sa small table na nasa harapan namin bago niya ako muling tinignan.

"I know you're not Hera. Please stop
impersonating her because honestly,
you're not very good at acting." muling sambit nito na siyang nakapagpa-palpitate ng kilay ko.

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon