Naramdaman ko naman ang pag-gapang ng kamay ni Eros sa baywang ko kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. Bahagya siyang nakangiti sa mga bisita namin..




"Adrenaline rush, I guess?"      




Ganon din ang ginawa nila Bethany at bahagya pang pumalakpak para mawala ang gulat ng mga bisita namin..




"Buhay pa ba ang lalaking 'yon? Hindi na nagalaw e?"    tanong nung lalaking matanda na ka-trabaho ni Eros.





"Yes! Actually, he is my wife's friend. Ganyan lang po sila mag batian.."     pagsisinungaling ni Eros.




Para namang naniwala ang matanda sa sinabi. Sinenyasan ni Eros sina Bethany na yayain na ang mga bisita para magsaya nalang ulit. Mabuti nalang at wala nang umangal kaya kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko.




Nilingon ko si Aki na walang malay sa gilid at akmang lalapitan ko ito kaso pinigilan ako ni Eros.





"Can you please calm down, baby?"       bulong nito tama lang para marinig ko.




Sumimangot ako at inalis ang pagkakahawak niya sa'kin.




"Lalapitan ko lang, Eros.."     mahinahon kong sambit.




Pero bago niya pa ako hayaan, dahan-dahan nang bumangon si Aki. Bahagya niyang ginalaw ang panga na sinuntok ko bago bored na tumingin sa'kin.





"Muntik mo nang masira ang maganda kong mukha!"    he said then pouted. I rolled my eyes heavenwards.





"It's already ruined, fucker!"    I fired back. Dahilan para mapahalakhak siya habang tumatayo.





Alam ko namang hindi mamamatay agad ang isang 'yan dahil bukod sa'kin, nilagyan din siya ng 'project x' ni Calix, sa kadahilanang magagamit niya 'yon para maprotektahan ako.




Kaya kahit ilang beses ko siya pangahan, hindi siya basta basta maaapektuhan. Tsk!




Naramdaman ko ang presensya ni Eros sa gilid ko. Nilingon naman siya ni Aki at tinanguan.




"Long time no see, dela Vega. Sa'yo parin pala bagsak nitong si Sera?"   sambit nito at naiiling na tumawa.




I rolled my eyes.




Naramdaman ko naman ang pahapyaw na pag pisil ni Eros sa pang-upo ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan niya lang ako.




"Of course. Sera is mine...forever."   he said. I pouted.





"Get a goddamn room! Nag-iinit ang mata ko!"     Aki hissed. Bahagya naman akong natawa.




"Tito Akiiii!"    





Nalipat ang tingin naming lahat kay Zen na tumatakbo na palapit kay Aki. Agad namang lumuhod si Aki at sinalubong ang yakap ng anak ko sa kanya.




"Woah! How are you, big boy??"    binuhat niya si Zen at bahagyang pinisil ang pisngi.





Kasunod nito si Leon na bahagya pang tinapik ang balikat ni Aki.




"Asan si Humpy??"     I asked Leon. Nagkibit balikat naman siya.





"Andyan lang 'yon...gumagawa ng milagro."    he smirked. Napailing nalang ako.




Bloodless WarWhere stories live. Discover now