12: WEDDING PREPERATION

Start from the beginning
                                    

Isang nakakasilaw na liwanag ang nakita ko. Papikit-pikit ako habang hinihingal. Inilibot ko ang paningin ko..nasa kama ako at hindi magalaw yung katawan ko. After shock ata yun ng bangungot ko.

Salamat naman at panaginip lang yun. Ako, hinahabol si Rafael? Ako na ititigil ang kasal nya? Ako na buntis? Yan yung mga bagay na ayaw kong gawin mamatay man ako. Hindi ako maghahabol sa isang lalake. Lalong hindi ako magpapabuntis na lang. Ayokong magaya sa akin ang anak ko. Ayokong wala syang kinikilalang ama dahil sa iniwan kami ng ama nya.

Makabangon na nga. Like the usual routine..babangon, maliligo, magbibihis, kakain. Hayy.. Wala nga pala ngayon si Mama dahil may Sumba session sya. Ako lang tuloy magluluto.

Pababa na ako papuntang kusina nang may naamoy ako. Amoy fried rice. Maybe mom didn't went to her session.

Hindi ko suot yung salamin ko pagbaba ko. Gutom na kasi kaya hindi ko na inabala pang kunin sa side table ko.

"Good morning." Bati ko kay Mama pero diretsyo ref na para kumuha ng gatas.

"Good morning sweetheart."

Kelan pa naging lalaki ang boses ni Mama at 'Sweetheart' daw?

I turned around to see her... HIM pala. Well, I almost dropped my milk when I saw him. Buti na lang nasalo nya.

"Surprise?" Then he gave me his signiture smirked.

"Why are you here?"

"I missed you."

"Darn it Rafael. Why are you here? Kala ko ba--"

"Australia?" He rolled his eyes. "Aayusin ko lang naman ang gulo nyo ni Kendra. Kala ko pa naman magiging maayos ang preparation dahil may kasama ka but it turns out worse."

Umirap din sya. Ano pa ba ang ibang dahilan kung bakit pupunta dito si Rafael. Of course it's for Kendra.. Her future wife. Bakit ba? Yun yung tingin ko kay Kendra. Kitang lagi ko nang naiimagine at napanaginipan ko pa. Maybe, I'm just a shit on their way.

"Naabutan ko ang mommy mo na paalis na kanina. Sabi nya may pupuntahan sya. Kung gusto ko pumasok dito okay lang daw kaya eto nakiaalam na rin ako ng kusina. Kain na tayo, gutom na ako."

Tahimik lang kaming kumakain. Nabobother pa rin ako ng panaginip ko. Rafael is a bad news for me.. Sana hindi maging totoo ang panaginip ko.

"How do I look? Nagagwapuhan ka ba sa akin? Kanina ka pa nakatingin."

Hindi ko namalayang nakatingin na pala ako sa kanya. "Hindi noh." Sa iba na nga lang ako titingin.

"Tsss.. Kunwari pa." Aawayin ko na sana kaso lang nagsalita uli sya. "Anyway, don't go work today."

"No! Bakit kita susundin? Marami pa akong tatapusin."

"Yes, you're not working. Susundin mo ako kasi ako ang mapapangasawa mo at marami tayong gagawin para sa plano nating kasal."

Oh Geez. I know, I can't say NO in that kind of smile.



<3

Lahat ng napagplanuhan namin noong una, nabago. Yung cathedral lang ata yung hindi na iba. And about my gown...pinabago nya rin.

"Sinong gustong ikasal ng naka turle neck at long sleeve?"

Kung wala, bakit nakalagay pa jan sa brochure? Nakakainis pa yung gusto nya. Pinagpipilitan nya yung may strap na sa tingin ko anytime mapuputol, yung neckline parang tinakpan lang yung utong. Para ngang tela lang na binalot sa katawan ko. Sobrang fitted nya na parang hindi ako makakagalaw sa sikip.

"Ayoko nyan." I said firmly.

"Yan na."

"Ayoko sabi. Parang mahuhubaran na ako jan, tapos gusto ko yung pabaloon o ball gown hindi yang sobrang fitted."

Napapalakas na yung boses namin sa pagtatalo. Kung tutuusin mas peaceful pa nung kami ni Kendra ang magkasama.

"Excuse me Ma'am and Sir." Natigil lang kami magtalo ng magsalita yung baklang mananahi. "Tingnan nyo po ito. Pinag-mix ko po ang gusto nyong dalawa." Inabot nya sa amin yung sketch pad nya. The same yung pang ibabaw pero yung skirt pa ball gown na.

"I like it. Sukatan nyo na sya." Wala pa akong nasasabi itinulak na ako ni Rafael sa kinauupuan ko at hinila naman ako nung mananahi. Pinagkukuha na yung measurements ko, samantalang si Rafael nakaupo lang at tinitingnan ako.

"Hoy, maghanap ka na kaya ng suit mo." Sabi ko sa kanya.

"No need. I already bought one in Australia."

Tss.. Ikaw nang made in Australia.

Sinimulan na rin naming mamili ng gown para sa mga abay. I don't care much kasi lahat naman ng gusto ko ayaw nya. Pinagkaabalahan ko na lang yung mga invitation. Dahil black ang motif namin (yes, it is), pinili ko na lang yung simple at mas elegante. I gave some details and change some lines. Yung reception pala dun daw sa Raymundo's Ancestral house.

Natapos ang buong araw na ganun lang ang ginawa namin. Nakakapagod kahit ganun lang yung ginawa namin. After that, sa pad ni Rafael kami nag stay. Nagpadeliver na rin sya ng pagkain kaya hindi na sya napagod magluto pa.

Sa kasalukuyan, nakaupo ako sa isa sa mga couch nya habang patango-tango na dahil naiidlip na ako. I don't know what time is it but I felt exhausted.

"Dito ka na lang matulog." I felt that Rafael sat beside me.

"Hindi na uuwi na lang ako. Baka hinahanap na rin ako ni Mama." Tatayo na sana ako kaso lang hinawakan nya yung kamay ko at hinigit paupo uli.

"Stay. Here." He gave me a glass of wine.

Tinangap ko naman at inubos ang laman nun. Aalis na talaga ako.

"Stay. Bakit lagi mo akong sinusuway?"

"I have my own life Rafael. I have my own mind to think and do what I want. When I say I want to go home I'll do."

"Kahit pinipigilan kita?"

"Oo? Bakit ba ayaw mo akong pauwiin huh?"

"11pm na po at iiwan mo lang ako? Nag-abala akong umuwi dito para lang maayos ang gulo tapos iiwan mo lang ako?"

Etong si Rafael na ito hindi ko malaman yung iniisip. "Then asked Kendra to stay. Hindi lang naman ako yung may gulo dito. And besides sya naman ang bestfriend mo...ang may gusto sayo."

"but I don't want her." Walang emosyong sabi nya.

"Alam mong gusto ka ni Kendra?"

Tumango sya sabay inom ng wine nya. "I already know. Kahit hindi nya sabihin nararamdaman ko. Ayokong masira ang friendship namin kaya pag napupunta na ang usapan namin jan umaalis o kaya iniiba ko."

Nagkainterest ako sa sinabi nya. Parang gumaan nga yung pakiramdam ko. "Sure?"

"Sure? What?" Nagtaka sya sa tanong ko. Damn! Hindi ko rin alam na nasabi ko pala yun.

"W-wala." Umupo na lang ako sa tabi nya at kunwari nagcecellphone. Naiilang ako eh. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"You know what, you sound bitter about Kendra. Don't tell me you're falling for me?"

"Pinagsasabi mo?! Ma-matutulog na nga ako." Nagmamadali kong kinuha yung bag ko at dumeretsyo sa guest room.

"May t-shirt ako jan suotion mo na lang muna." Pahabol ni Rafael sa akin habang tawa ng tawa.

--------<3

Back to normal na naman ang UD ko.. Once or twice a week. Sana maunawaan niyo.

vote, comment and recommend :))

FAKE FIANCE ✔️Where stories live. Discover now