Chapter 14 - first kis-- ay! second na pala.. xD

Start from the beginning
                                    

“HAHAHA.. bakit ba kapag palagi kitang tinatawag, may mga sinasabi ka.. nung una, kwa..go ba un? Ung sunod naman, papable? Ung sunod.. ano nga ba un.. ah! Ung choco macho,tapos ngayon busog lusog.. HAHAHA..”

Syet!! Natatandaan pa pala nyang lahat un?? Buti na lang hindi nya nabanggit ung yummy-licious! Shocks!! It’s so humiliating!! Bakit ba kasi sa twing kasama ko nga tong gwapo na to, nawawala ako sa huwisyo.. sa loob ng anim na buwang pag-ttrabaho ko dito, lahat ng un ay nasabi ko na kay sir Harvey..

Sa anim na buwang nakakalipas, di pa din nawawala ung pagka-mali mali ko.. hindi naman kasi ako ganito.. naging ganito lang ako dahil sa gwapo na to..

“so, Amie.. ikaw lang talaga lagi mag-isang naglu-lunch?”

“hindi po, sir.. kasabay ko po sila Alex and Anne..”

“ah.. oo nga, mga nag-half day nga pala ang mga yon..”

“opo sir..”

“tsss.. kapag wala sa trabaho, call me Harvey.. ayoko ng masyadong formal..”

“pero sir, nasa trabaho pa po tayo..”

“lunch break?? Trabaho ba to?”

“pero sir..”

“basta, kapag tinawag mo kong sir, bibigyan kita ng memo..sige ka..”

“ay! Sige na nga po.. Harvey..”

“pero may po pa din? Ganun na ba ko katanda?”

Sabay subo nya sa lunch nya.. napansin kong beef broccoli din ung lunch nya.. at nasa lunch box din..

Di nga?? Parehas kami??

Yeeeee!! Soulmates?? *u*

“gusto mo Amie? Kaso lang baka di ka masarapan.. rush lang ung pagkakaluto ko dito eh..”

“kayo po nagluto nyan?”

“drop the ‘po’, please..”

“ay.. sorry.. hehe.. ikaw nagluto nyan Harvey?”

“yup! Gusto mo tikman? Same lang naman tayo ng ulam, pero for sure magka-iba ng lasa.. haha.. patikim din nyan ah..”

Kinuha nya yung kalahati ng ulam ko, and same goes with his.. una nyang tinikman ung sa akin, at natuwa ako sa expression ng mukha nya.. mukhang nasarapan..

Yeeeee! Kilig na talaga ko.. >U<

“sarap nito amie ah.. masarap ka pala magluto..” sabi nya.. yeeee! Sabi na eh!

“di naman.. saktuhan lang..” sabi ko ng pinipigilan ko ung ngiti ko..

“wag mo na nga tikman ung sa akin.. nakakahiya.. pangit lasa nyan!” akamang kukunin nya yung ulam nya, ng ilayo ko ito sa kanya..

“hep! Wag kang madaya.. patikim din ako, syempre!”

False AlarmWhere stories live. Discover now