XVIII

350 42 8
                                    

"Kailangan bang magkaroon ng dahilan sa lahat ng bagay? Hindi ba pwedeng maniwala na lang tayo sa himalang dala Niya? Para sa akin, Siya ang pinakamagaling na manunulat."-Summer.

IKA-LABING WALONG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Chimera}

x-----o-----x

"Sh*t!" Ito na yata ang pang-isang libong murang lumabas sa bunganga ni Cash. Yamot na yamot na siya at malapit ng sumabog ang inis na kanina pa niya tinitimpi.

"Putsa!" Sinabayan pa ni Summer na mayroon lamang mahina na pasenya. "Kingina talaga! Pang-ilang beses na ba tayong dumaan sa lagusan na ito? Taragis! Napipikon na ako!"

"Tss... your talking like a gay."

"Bakit kase tayo sumunod sa liwanag na iyon? Kanina pa ako nagugutom." Reklamo naman ni Jimmy.

"Maaring may dahilan kaya dinala tayo dito ng mga paa natin," komento naman ni Jonas.

"Kailangan bang markaroon ng dahilan sa lahat ng bagay? Hindi ba pwedeng maniwala na lang tayo sa himalang dala Niya? Para sa akin, Siya ang pinakamagaling na manunulat." 

Nanlaki ang mata nila sa sinabi ni Summer.

"Pre! Ayos ka lang ba? Walang mental at doktor dito ha? Paalala lang," naiiling na komento ni Jimmy, at napalingon kay Jonas. "Hoy? Hoy! Anong ginagawa mo?" Agad na tinakpan ng binata ang mata ni Cash.

"Nakita na ngang naghuhubad, magtatanong pa!" Singhal naman ni Jonas. Sinimulan rin nitong tanggalin ang pantalon na kupas na kupas na, at napakarumi.

"Balak mong mag-pornstar pre? Kingina! Walang TV dito!" Ang matang singkit ni Summer ay halos mamilog sa gulat. "Hindi ka rin naman sisikat," kawawang nilalang. Napailing nanaman ito.

"Tado! Ang sabi ng matatanda, kapag naliligaw ka ay baligtarin lamang ang kasuotan upang hindi maligaw muli. Maari kaseng pinaglalaruan lang tayo ng masasamang elemento. Ano pang hinihintay niyo? Hubaran na!"

"Hoy? Hoy! Baka nakalimutan niyo, may babae dito!" Napalingon silang lahat kay Cash na umaalma.

Agad namang lumapit si Summer sa kanya at tinitigan siya nang matagal. "Babae ka nga ba?"

"G*go!" Agad na binatukan ni Jimmy si Summer. "Huwag mong ginaganyan ang mahal ko. Baka samain ka sa akin."

"One sided love. Infatuation. Masakit ba?" Natatawang tanong ni Jonas.

"The time is running guys, stop talking nonsense!" Isang pag-irap nanaman ang ibinigay ni Cash.

"Stop talking nonsense, sa imong  bahbah! Inyo na hurot na ang oras. lihok na mo dinha unya na magsaba-saba. Hubo na!"

"Ano daw sabi ni Summer?" Takang tanong ni Jimmy kay Jonas.

"Pandak ka daw." Natatawang sagot naman ni Jonas.

"Kingina ka, Jonas. Sagad!"

"Daghan ka ginaistorya. Unya na."

"I love you, pre. Waay me kasabot," napangise naman si Summer ng makapagsalita nang kaunting bisaya si Jonas.

"Can you minimize your voice?" Irap nanaman ang ginawa ni Cash, at nagsimula ng magtanggal ng botones sa kanyang damit.

"Hoy! Anong ginagawa mo? May balak ka rin bang sumunod sa yapak ni Jonas?" Pinipigilan ni Jimmy na maghubad ang dalaga. "Buti sana kung ako lang makakakita, eh pero makikihati pa ang dalawang ulupong na iyan. Selfish akong tao, Cash... pagdating sayo."

Napamaang bigla ang bunganga ng dalaga sa sinabi ni Jimmy. Napakaseryoso ng mukha nito habang nakatitig sa kanya.

"Word of the day. 'Hoy!' Copyright ni Jimmy Salveor." Naiiling na pabulong sa hangin ni Jonas.

"Cash, doon ka na nga magbihis sa may batohang iyon. Malapit ng samain sa akin iyang keso na iyan!" Naniningkit nanaman ang mata ni Summer sa mga kakesohang sinasabi ni Jimmy.

Agad namang sumunod ang dalaga at pumunta sa may batohan upang doon magbaligtad ng damit.

Nagbihis na rin silang magkakaibigan.

"Sana naging bato na lang ako..." pabulong sa hangin ni Jimmy ngunit tama lang upang marinig ng mga kasama niya.

"G*go! Pati bato pinagselosan mo? Hindi pa nga kayo ng tao, kung makaaligid ka na parang kasintahan mo na! Paano pa kung kayo na? Baka hindi na yata kami makalapit dyan," naiiling na komento ni Summer.

"Kung magiging sila nga."

Magsasalita pa sana si Jimmy ngunit bumalik naman na kaagad ang dalaga. Nagsimula naman na silang lumakad at bumalik sa dinaanang butas ng kuweba kanina.

"Ano ito? Nakakapangilabot..." nanlalaki ang kanilang mga mata sa nakikita. Napakaraming bungo at kalansay ang naroon. Ibat-ibang hayop na bago lang ang pagkamatay at mukhang naaagnas naman iyong iba. Sali-saliwang sapot din ang naroon kaya nakakutob na sila sa maaaring kaharapin nila mamaya.

"Humanda kayo, mukhang mapapasabak yata tayo dito," seryoso na ang mukha ni Jimmy.

Napalingon silang lahat sa kanilang likuran ng may mapansing nagmamatyag na mata. Mapupula iyon at umiilaw sa kadiliman. Biglaang sumulpot ang isang iyon, at mabilis na sumugod sa kanila.

Nakapaghanda naman kaagad si Cash at mabilis na nasaksak ito ng makalapit. Patay kaagad iyon!

Ngunit hindi pa sila nakakahuma ng may lumitaw muli. Isang nilalang na may paa ng gagamba, katawan ng baboy at may ulo ng lion.

"Ilag!" Sigaw ni Cash. Nakailag naman ang magkakaibigan ngunit may muling sumulpot! May ulo ng gagamba, katawan ng alupihan, at mga pakpak ng paniki. Nagpalabas ito ng mga sapot at nagsimula iyong paliparin sa kanila.

Dahil sa pagkataranta ay nabitawan na nila ang katawan ni Raphael upang umilag nang umilag.

"Anak ng chimera!"

Hybrid iyon ng mga gagamba. Maaring nakain ng reyna ang mga hayop na naging parte sa katawan ng kanyang mga itlog, at ng lumabas ay ganon na lamang ang nakakapangilabot na itsura.

"Holy cow..." napanganga si Jonas sa biglaang pagsulpot nanaman ng isang chimera spider. Kakaiba ito sa lahat ng natatangi: ang dalawang paang nasa harapan ay mula sa ibon, ang nasa likuran naman ay sa aso. Habang ang katawan ay sa muscle-muscle na tao, ang tatlo namang ulo nito ay lion na malapit sa lalamunan, kambing na nasa gitna at toro na may mahahabang sungay ang nasa itaas. May buntot din ito. Nang makita sa liwanag ay gustong pumalakpak ng tainga ni Jonas. May ahas doon at ulo naman ng gagamba. Kung hindi lang nakakatakot ay masasabi niyang napaka ganda nito.

"Yaks!" May biglaan nanamang sumulpot. Kung anong ikinaganda ng isang chimera ay siya namang ikinapangit nito: isang elepanteng tumatahol, may katawan ng tigre, punong-puno ng mata ng gagamba ang katawan, bunganga ng aso, ilong na napakahaba, may bunganga ng isang gagamba at kurba ng tunay na elepante.

"Pwedeng bang magmura ako bago bawian ng buhay?" Wala sa isip na tanong ni Jonas.

"Kingina! Walang mamamatay!" Tiim bagang sambit ni Summer. Napalamlam ang itsura niya, at nagsimulang pumulot ng bagay na maaring ipangdepensa sa sarili.

Nangako ang bawat-isa na iingatan ang kanilang buhay sa abot ng kanilang makakaya.

x-----o-----x

Translation: 

Bisaya: Inyo na hurot na ang oras. lihok na mo dinha unya na magsaba-saba. Hubo na!

Tagalog: Sa kakadaldal niyo nauubos ang oras ko. Kumilos na lang kaya kayo? Ang dami pang satsat. Hubad na! (Just like that haha)

Bisaya:  Daghan ka ginaistorya. Unya na.

Tagalog: Andami mong kwento. Mamaya na.

MaceraWhere stories live. Discover now