XVII

382 45 14
                                    



"Habang nandito kayo sa mundong ito, gawin niyo na ang mga bagay na makapagpapasaya sa inyo. Hindi natin alam ang takbo ng kapalaran. Hanggat maari ay bigyan ninyo ng panahon ang sarili niyo upang lumigaya." -Dale.

IKA-LABING PITONG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Ang Paglalayag}

x-----o-----x

 "Paano sila nawala?" Wala sa usapang tanong ni Juke. Ganon naman ang biglaang paglamlam ng mga mata ni Dale sa tanong nito.

Inilapag ng estrangherang dalaga ang kanyang kubyertos sa lamesa, at huminga nang kay lalim. Malungkot itong ngumiti kay Juke.



"May kakayahan kaming protektahan at tulungan ang iba, ngunit wala kaming kakayahan upang ipagtanggol ang aming sarili. Ayon ang kahinaan ng aming lipi. Isang araw ay may isang kaharian lumusob sa aming tribo. Naghahanap sila ng mga kasangkapan upang lumakas sila. Bago mangyari iyon ay kinakailangan nila kami. Walang pumayag sa aking mga kalipi sapagkat sukdulan ang kasamaan ng haring paglilingkuran naming kung sakali. Binigyan kami ng palugit upang magdesisyon. Ngunit nagmatigas noon ang lahat ng katribo ko. Iyon na talaga an gaming naging pasya. Sa galit ng hari ay inutusan niyang ipapatay lahat ng aking katribo upang wala ng makinibang sa amin..." Saglit na huminto ang dalaga at mapait na ngumiti. "Sa kasamaang palad... ako lamang natira sapagkat naglilingkod na ako noon kay Dyosa Athena."



"Patawad."

"Wala kang kasalanan, Juke. Iyon marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ako naririto. Gustong magkaroon ng kapanatagan ang aking kalooban para sa aking mga mahal sa buhay. Kung mamarapatin niyo man, gusto ko sanang sumama hanggang sa dulo ng inyong laban. Gusto kong may maitulong..."

"Wala namang problema iyon. 'Yun lang pala!" Ngumiti nang kay lapad si Vladimir. Gusto niyang iparamdam dito na may mga tao pang handang samahan siya. Sumubong muli ng pagkain ang binata.

"Habang nandito kayo sa mundong ito, gawin niyo na ang mga bagay na makapagpapasaya sa inyo. Hindi natin alam ang takbo ng kapalaran. Hanggat maari ay bigyan ninyo ng panahon ang sarili niyo upang lumigaya." Pahayag ni Dale.

Ilang segundo ang naganap na katahimikan sa kanila. Tanging pagsipol lamang ng hangin, at pagkanta ng karagatan ang kanilang naririnig.

"Ang sarap nito!" Biglaang basag ni Vladimir sa katahimikan habang patuloy pa rin sa pagnguya.

Napakamot naman si Dale. "Hindi ako nagluto niyan, gumamit lang ako ng mahika."

"Weh?" Tumango naman ang dalaga.

"Eh yung luto ni Jirou, hindi ba masarap?" Takang tanong ni Juke. Pinukulan lang si Vladimir ng tingin ni Jirou na animo'y naghihintay ng kanyang sasabihin. Pakiramdam tuloy ni Vladimir ay may lilipad na kutsilyo sa kanyang harapan kapag nagkamali siya ng sagot.

Napalunok si Vladimir.

"Masarap, lasang luto ni mama."

"Sus! Vlad, parang labas ata sa ilong," natatawang wika ni Dale.

"Hindi no!" Maang-maangan namang wika ni Vladimir. "Huwag kang kikiligin pre," ipinatong ni Vladimir ang kamay niya sa balikat ni Jirou, at taimtim na tumingin sa binata. "Pero ang luto mo ang isa sa pinakamasarap na natikman ko!" Umiling si Vlad. "Mali, ang luto ay mas masarap pa sa luto ng nanay ko!"

Animo'y naiiyak naman si Jirou. "Nakakaiyak naman pre. Naantig ang puso ko!" Pagbibiro din ng binata.

Napangangang bigla si Juke at Vladimir.

MaceraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon