XIX

401 45 5
                                    



  "Ang tunay na hari ay ang mga nilalang na kayang tumulong sa kanyang nasasakupan, maging sa mga nilalang na nangangailangan. Hindi na mahalaga kung kilala man ito, o hindi. Ang mahalaga ay ginawa ang tama, at nararapat hindi ba?"-Juke

IKA-LABINGSIYAM NA PAKIKIPAGSAPALARAN

{Ang Hari}

x-----o-----x

Nakailang ilag at balikwas na sila upang iwasan ang mga sapot ng gagambang pinaulan ng kanyang kalaban. Napakahirap ng hinaharap nilang suliranin lalong-lalo na si Cash sapagkat ang kalaban niya ay ang gagamba na may katawan ng ahas. Madaplisan lang siya ng laway, at sapot nito ay paniguradong tapos na ang kanyang buhay.

Umilag muli si Cash, at nagpasirko-sirko. Napatuntong siya sa mga bungong naroon upang huminga nang kay lalim. Ramdam niya na ang matinding pagod ngunit hindi niya pa rin mapatay ang chimera spider na iyon.

Sa kabilang banda naman ay kalaban ni Jimmy ang halimaw na mas malaki pa sa kanya. Mistulang naging David at Goliat ang kanilang sitwasyon. Ilang mata na rin ang tinatamaan niya ng kanyang pansulpak. Gamit-gamit niya sa dulo nito ang kanyang plauta na nagsisilbing hawakan. Habang ang dalawang suporta naman ay ang sungay ng isang hayop. Ginamit niya naman na pangbanat ang ilastikong ninakaw niya pa kay Summer noong nagdaang araw.

Kalaban naman ni Jonas, at Summer ang isang gagambang muscle-muscle. Ito ang pinaka-nakakatakot sa lahat ng napatumba nila sapagkat kaya nitong lapain, kalmutin at sipain sila gamit ang malakabayong paa. Kapag nakikipaghabulan si Jonas ay pinaghahampas naman ni Summer ng buto na napulot niya kanina ang katawan nito upang manghina.

Kapag nabaling naman ang atensyon kay Summer, si Jonas naman ang nagsisilbing distraksyon.

"May naiisip na akong paraan! Takpan niyo ang mga tainga niyo. 'Yung wala kayong maririnig na kahit na anong ingay!" Sigaw ni Jimmy.

"Kingina! Paano?" Inis na tanong ni Summer. Napaka imposible nga namang magawa nila iyon. Pag-ilag pa nga lang sa kalaban ay hirap na sila.

"Kung ayaw niyong huminto, ay makinig kayo sa akin! Bahala kayo sa diskarte, tumutulong lang ako!" Sigaw ding muli ni Jimmy saka umilag. Isang mata nanaman ang kanyang nabulag.

"Sh*t!" Tumilapon si Summer matapos masipa ng chimera spider.

"Tanga!" Singhal ni Jimmy sa kaibigan. Iyon ang nasabi niya imbis na mag-alala.

"Oh kamusta ang karma?" Gustong humagalpak ni Summer matapos hampasin ng mahabang ilong ng elepante ang katawan ni Jimmy at tumilapon sa kung saan.

"The bad thing is Jimmy's right! Kailangan na nating takpan ang tainga natin!" Umilag muli si Cash at nagpasirko-sirko sa ere. Madilim sa pinagtataguan niya kaya naman hirap siyang hanapin ng kanyang kalaban. "Kung ayaw niyo, ako na lang. Bahala muna kayong manigas. Ngayon na Jimmy!" Dahil lagi niyang dala ang earphone ay natakpan niya kaagad ang kanyang tainga. Ngunit hindi siya kumbinsidong wala na siyang maririnig dahil hindi naman iyon tumutogtog, kaya naman nang makalabas siya sa pinagkukublihan ay kinuha niya ang panyong basa, ipinulupot niya iyon sa kanyang noo, papunta sa kanyang tainga. Kinapa niyang muli ang kanyang espada at nakipagtagisan ng lakas sa kanyang katunggali.

Nagsimula namang magpatugtog si Jimmy. Unti-unting naririnig ang himig ng kanyang plauta. Nagtakip naman ng tainga sina Jonas, at Summer ngunit hindi sapat iyon upang hindi tablan ng naririnig. Pero tama lang upang mahipnotismo ang kanilang kalaban.

MaceraWo Geschichten leben. Entdecke jetzt